13

12.3K 301 2
                                    

NAKASALAMPAK LANG ako sa isang sulok dito sa loob ng kulungan. Buti nalang may isang gentleman na pulis pinahiram ako ng jacket. Nakadress pa kasi ako na dahil di pa kami umuuwi ni Grace galing bar.
Super daring pa naman ng suot ko. Konting liyad ko luluwa na ang mga dibdib ko tapos konting yuko naman ung pang-upo ko naman ang makikita. Si Grace kasi pinilit akong magsuot ng ganito para daw makita ng lahat ang kagandahan ko.

"Robles"tawag ng isang pulis na babae sakin.

Pag-angat ng tingin ko nakita ko si Grace na may nakapagpalit na siya ng damit. May dala na din iting paper bag.

"Girl nagdala ako ng damit mo palit ka muna. Lagot ako kapag naabutan ka ni sir na ganyan ang itsura mo"may pagmamadali ang pagsasalita niya.

"Ma'am saan ba pwedeng magpalit anh kaibigan ko please!"baling pa nito sa pulis na kasama nito.

Itinuro naman saamin ang banyo kung saan ako pwedeng magpalit. Binubuksan na ng pulis ang rehas kung nasaan ako ng makarinig kami ng malakas na mura.

"Patay!"bulong naman ni Grace.

"What the hell miss Roxas."sigaw ni Sir Thimothy.

Nang tignan ko siya nakapang office na siya ngayon at mukhang handa na siyang pumasok sa opisina.

"Good morning sir"alanganin kong bati sa kanya.

Masamang tingin lang ang binigay niya sakin bilang sagot. Bago niya balingan si Grace tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"My attorney will be here. He will be incharge in bail Miss Robles"seryosong sabi ni Boss pero di naman siya nakatingin sakin.

"And for you miss Roxas make the necesarry documents for miss Robles appointment that I give you instruction a while ago. And please make her looks decent"inis na utos nito kay Grace.

Naguguluhan naman akong napatingin kay Grace. Hinihingi ko ang eksplanasyon niya sa nangyayari. Bakit nandito sa presinto si Boss namin. At ano ang mga sinasabi nitong darating ang attorney nito para piyansahan siya.

"Grace"tawag ko sa kaibigan ko ng tumalikod na ito.

"Mamaya ko na papaliwanag girl. Magbihis ka na muna bago dumating si attorney" may pagmamadali na naman ang salita niya.

Iniwanan niya akong nakatanga dito na naguguluhan sa nangyayari alam ko naman na sinabi niyang ilalabas niya ako dito. Pero hindi ko alam na na si Sir Thimothy ang tatawagan niya para makalabas ako dito.

"Robles, ano tutunganga ka nalang dyan?"tanong sakin ng police officer.

"Sorry ma'am"hingi ko ng paumanhin.

Sinamahan naman niya ako hanggang sa banyo baka daw kasi tumakas ako. Pati sa pagbibihis ko kasama siya buti nalang babae din siya kaya di ako masyadong nailang sa kanya.

.............

MAKAPANANGHALI bumalik si Grace may kasama na itong attorney nga daw ni sir Thimothy. Piniyansahan nila ako para makalabas na sa kulungan.

Madami silang pinapirmahan sakin bago ako tuluyan na pinayagang umalis.

Another reason kung bakit kailangan ko na namang magpasalamat kay sir Thimothy. Sobrang bait niya kasi sakin sa totoo lang di ko na alam kung paano ko siya pasasalamatan.

"Girl sa opisina tayo tutuloy ha"ani Grace ng makasakay na kami sa taxi.

Di nalang ako kumibo. Pero agad ko din siyang binalingan ng may maalala akong itanong.

"Hoy lokaret ka magpaliwanag ka nga kung anong nagyayari. Bakit alam ni sir Thimothy na nakakulong ako?"pinanlakihan ko pa siya ng mata habang nagsasalita ako.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now