48

12.5K 312 7
                                    

"ANO NAMAN ito Thimothy?"tanong ko ng humupa ang kilig ko.

"Date ano pa ba?"walang ganang sagot naman nito.

Ung kilig ko kanina biglang nawala at napalitan ng inis. Kung hindi ko lang alam na halos dalawang araw palang na may nangyari samin ulit iisipin ko ng buntis na naman ako sa bilis ng pagpapalit ko ng mood. Pero hindi eh, talagang inis lang ako sa damulag na ito.

Ang ganda na ng ambiance, ng mood tapos kung makasagot ito wagas. Tapos ang pambungad pa sakin kanina ang tagal ko daw.

"Sige magdate kang mag-isa mo dyan"inis akong tumalikod sa kanya.

Hindi pa man ako nakakahakbang naramdaman ko na ang paghawak niya sa braso ko.

"Love naman ang bilis mo namang mainis"napapakamot pa siya sa sarili niyang ulo habang nagsasalita.

"Ang pilosopo niyo po kasi"inis ko pa din na sagot.

Niyakap niya ako sabay halik sa ulo ko.

"Sorry na, can we start again?"bulong nito.

Huminga ako ng malalim bago ako kumalas sa pagkakayakap nito. Marahan ko siyang tinulak palayo sakin. Tatawa-tawa naman siyang bumalik sa pwesto niya.

Para kaming sira na dalawa. Inulit talaga namin from the top ang lahay bago kami nagpasyang kumain na. Nalipasan na yata kami ng gutom kaya kung ano-anong kalokohan na ang naiisip naming dalawa.

Buti wala ang mga anak namin kundi nakakahiya kaming dalawa kung nagkataon.

"Nagkapera ka lang gumastos ka na ng ganito"sermon ko sa kanya ng makaupo na kami.

"Love, I dont care about the money. Gusto ko lang gawing special ang gabing ito for you"

Nakatitig lang ako sa kanya. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na maayos na siya. Kami sa mga magulang niya. Na nakabalik na si Thimothy sa totoong estado niya sa buhay.

"Simula kasi ng magsama tayo I didn't remember na dinala kita sa isang mamahaling restaurant para sa isang date. Though we always eat in a fancy restaurant before. Pero hindi pa kasi tayo noon. Then noong naghirap naman tayo kahit sa karinderya man lang di pa kita madala. Kaya gusto kong bumawi sayo ngayon Love. Now that all we have before are now back. Kahit ubusin ko pa itong lahat sa inyong mag-iina ko gagawin ko makita ko lang kayong masaya"litanya na naman niya.

Ung puso ko parang gusto ng kumawala sa dibdib ko habang nagsasalita si Thimothy.

Kainis ang loko bumalik na nga talaga. Ang galing na namang magsalita. Mabulaklak na dila na naman siya, ang galing magpakilig.

"Hindi mo naman kailangan na gumastos ng malaki. Alam mo naman kahit sa turo-turo lang o sa magpi-fishball sa kanto mo lang ako dalin kikiligin na ako sayo. Isa pa sila Vince hindi mo sila kailangan paliguan ng mga mamahaling gamit para maging masaya lang. Sapat na samin na makasama ka habang buhay masaya na kami"sagot ko naman.

Tumayo siya tapos binitbit niya ang inuupuan niya kanina. Magkatapat kasi kami, ngayon lumipat na siya sa tabi ko. Sunod niyang nilipat ung pagkain niya kaya tawa na naman ako ng tawa.

"Let's eat nagugutom na talaga ako. Ang tagal mong gumising"reklamo nito ng maayos na niya ang pagkain niya.

Kinurot ko nga siya sa tagiliran niya.

"Ako pa sinisi mo. Sino bang malantid sating dalawa at ayaw tumigil sa kakaariba kanina"kunwa'y irap ko naman sa kanya.

Noong una hindi pa niya nagets ang sinabi io. Pero kalauna'y tumawa din siya ng malakas bago panakaw na humalik sakin.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now