12

11.7K 312 8
                                    

"HOY! MGA hayop kayo lumabas kayo dyan!"sigaw ko.

Lasing ako pero wala akong pakialam basta ang mahalaga ng mga oras na ito mailabas ko ang sama ng loob ko.

"Labas!"sigaw din ni Grace.

Magkasama kami ngayon sa labas ng bahay nila Tommy ngayon. And take note alas dos or alas tres ng madaling araw kami nangbubulabog.

"Mga tarantadong lumabas kayo dyan lalo ka na Tommy'ng walang b*yag!"siaw ko ulit.

"At malanding Eva!"dugtong ni Grace.

Tumawa pa kaming dalawa sabay na nag high five bago humarap sa bahay nila Tommy.

Nakapatay pa din ang ilaw ng mga ito kahit na anong sigaw ang gawin ko. Kaya ang sunod kong ginawa kumuha ako ng isang bato.

Wala ng pag-iisip agad kong binato ang hawak kong bato sa bubong nila Tommy.

Hindi ako nasiyahan sa isa kaya kumuha pa ako ngbisa pa at isa hangganh sa hindi ko na alam kung ilanh bato ang naihagis ko. Nakita ko na din si Grace na nagbabato na din ng bato gaya ko.

Hindi naman nagtagal bumukas ang ilaw nila Tommy.

"Shit may gising na"sabi ni Grace na gulat na gulat.

Hindi na ito mapakali sa kinatatayuan nito tapos nagtago na sa likod ko ng bumukas ang pinto nila Tommy.

Hindi ko na pinansin pa ang nangyayari kay Grace nakatuon na ang pansin ko kay Tommy na nakasakay sa wheel chair niya at tulaktulak na naman ni Eva.

Nakataas ang kilay ng haliparot habang nakatitug sa kanya. Si Tommy naman nanlilisik ang mata na nakatitug sakin.

Pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"Ano na namang problema mong P*ta ka"sigaw naman ni Tommy.

Lumabas na din ang buong pamilya ni Tommy.

Tumawa naman ako ng malakas habang iniisa isa ko sila Tommy na tignan.

"Wala akong problema, baka kayo?"inis na sagot ko sa kanila.

"Eh tangina ka pala eh. Pupunta punta ka dito samin tapos mangwawala ka ng ganyan tapos kami pa.may problema"sigaw ng ate ni Tommy.

"Hoy, ikaw wag mo akong murahing babae ka. Baka nakakalimutan mo lahat ng meron ka galing sakin. Ako nagpapakahirap para sa kapritso mong p*ta ka. Ako pa sasabihin mo na nagpup*ta eh gawain mo iyon tignan mo nga mga anak mo iba-iba ang ama. Wala ka namang napala sa mga lalaki mo kundi mga bata. Na kapag manganganak ka ako magbabayad ng hospital bill mo. Bwisit sisingilin ko sayo lahat iyon. Apat na beses kang nanganak. Kaya bilanganin mo.na kung ilan utang mo sakin"pasigaw kong sagot.

Nakita ko na namutla ang mukha nito kaya napangisi naman ako sa naging reaction nito.

"Ano bang pinagsasabi mong babae ka?"sigaw naman ng nanay nila Tommy.

Ito naman ang jinalingan ko ngayon. Nagsisimula na din na maglabasan ang mga tsismosang kapitbahay dito.

"Ikaw ding matanda ka. Ilang taon na akong nagtitimpi sayo, ginalang kita kasi ikaw nagluwal kay Tommy. Pero isa ka din sa mga nagpahirap aa buhay ko. May utang ka din saking matanda ka. Lahat ng pinangbibili mo ng bisyo mo ako ang nagbibigay. Pati din ang pangsugal mo. Sakin nanggagaling sa loob ng walong taon. Hindi din alam ng asawa mo na may kabit ka na ako ang sumasagot ng pangbigay mo sa mga kabit mo!"sumbat ko naman sa kanya.

Nawalan din ng kulay ang mukha nito habang nakatitig sakin. Narinig ko ang pagmumura ng tatay ni Tommy sa likod. Ilang sandali pa hinila na nito ang asawa papasok sa loob ng bahay.

His Only PossessionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt