32

10.5K 314 19
                                    

"Magandang araw po Mr. And Mrs Zulleta"pormal na bati ko sa kanila.

Agad na lumapit saakin ang mama nila Mariel at walang babalang sinampal ako.

"Ang lakas ng loob mong magpakita dito"sigaw niya pa after niya akong sampalin.

Sapo-sapo ang pisngi ko na napatingin ako sa kanya. Ayokong umiyak pero taksil ang mga luha ko, basta nalang akong naluha.

"Dahil sayo kaya nandyan ang anak ko"sigaw nitong muli.

Hindi ko magawang sumagot. Kasi deep inside me alam ko tama siya.

"Kung hindi ka nakilala ng anak ko hindi siya maghihurao ng ganyan"muling sumbat nito sakin.

Gaya ko umiiyak na din ang mother ni Thimothy. Ramdam ko na mahal na mahal nito ang asawa ko.

Lalo tuloy akong nakaramdam ng panliliit sa sarili ko dahil doon. Para kasing hinahadlangan ko ang paglalapit muli ng mag-anak.

"Mom"saway naman ni Mariel.

Hindi nito pinansin ang anak at ako pa din ang pinagtutuunan ng pansin niya. Ang asawa naman nito ay walang pakialam na nakatingin lang samin.

"Ma'am, asawa ako ni Thimothy. Kaya ako nandito"lakas loob kong tugon.

"Asawa? Papel lang iyon at kaya kong gawin ang lahat mapawalang bisa lang ang walang kwentang kasal na iyan. Nilason mo lang ang isip ng anak ko"anito.

"Hindi po totoo iyan. Mahal ko po si Thimothy at alam ko ganon din siya sakin"

Pagak naman itong tumawa sakin.

"Lumayas ka dito. Hindi ka kailangan ng anak ko dito. Kapag magkasama kayo ng anak ko wala siyang ibang mararanasan kundi paghihirap lang. Kaya lumayas ka at wag ka ng babalik pa"galit na pagpapalayas nito sakin.

Napailing lang ako habang nakatitig sa kanila. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid namin. May mga papalapit na din nga doctor sa amin.

"Ma'am is there something wrong in here?"tanong ng doctor na nakalapit samin.

"Yes, I want this woman out in this hospital immidiatelly. And never be back ever again"sigaw na naman ng ginang.

"Ma'am Thalia, ina ka din. Asawa. Kaya maiintindihan niyo kung ipagpipilitan ko ang sarili ko dito. Kailangan ko si Thimothy. Kailangan siya ng mga anak namin. Utang na loob ma'am wag niyo namang gawin sakin ito"pakikiusap ko naman sa mga ito.

Nagbingi-bingihan lang ito at tinalikuran na ako.

Naramdaman ko ang paghila sakin ng mga guard. Hindi ko na namalayan na may guard na palang lumapit sakin.

Pilit nila akong inilalabas ng ospital.

"Can you be more extra carefull. Don't you see buntis ang kinakaladkad niyo"naiinis naman na sita ni Mariel sa mga humihila sakin.

"Wala kang dapat na ikapag-alala sa babaeng iyan Mariel"sigaw naman ng ama nila Mariel.

Hindi ko na narinig pa ang mga sumunod na usapan ng mag-ama. Tuluyan na kasi akong nahila ng mga guard at nailabas ng ospital.

"Ma'am mas maganda pong umalis na lang kayo at wag na pong bumalik. Iba din pong magalit ang mga Zulleta, hindi lang po kayo ang maapektuhan pati po kami baka matanggal sa trabaho kapag nakita kayo dito"pakiusap ng guard saakin bago ako iwanan.

Wala naman akong magawa kundi ang umiyak habang nagmamakaawa sa mga tao doon. Walang nakikinig sakin, ni pansinin ako hindi nila ginagawa.

Nagstay pa ako hanggang maggagabi na. Kundi pa tumawag si Grace na hinahanap na ako ng anak ko hindi pa ako makakaisip na umuwi.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now