21

12.7K 307 15
                                    

"GOOD MORNING ma'am Vina"bati sakin ni manong guard.

Ako lang mag-isa ang pumasok ngayon sa trabaho. May pupuntahan daw na out of town site si Thimothy. Sabi ko nga sasama ako kaso lang sabi din niya wag na mapapagod lang daw ako dahil balikan lang naman daw siya.

Kaya heto ako mag-isang pumasok sa opisina.

"Good morning din po"masayang bati ko pabalik.

Halos isang linggo na akong masaya simula ng magkaaminan na kami ng nararamdaman ni Thimothy. Mas naging sweet siya sakin at ganon din naman ako sa kanya.

"Good morning ma'am"bati ng mga empleyado ni Thimothy sa akin.

Nginitian at gumanti naman ako ng bati sa kanila. Hanggang sa makarating ako sa floor namin ni Thimothy panay ang bati ng mga tao sakin.

Hay naku di ko naman kasama ang boss namin makasipsio naman sila sakin wagas!

Mula din kasi ng malaman ng lahat na may relasyon kami ni Thimothy panay na din ang bati sakin ng mga tao. Pero iba ang araw na ito, para kasing may mali. Hindi ko lang maisio kung ano ang mali sa nakikita o naeexperience ko.

"Good morning girl"masayang bati sakin ni Grace.

Napataas ang kilay ko ng makita ko siya sa floor namin. Nasa 10th floor kasi si Grace samantalang nasa 19th floor naman kami ni Thimothy.

"Anong ginagawa mo dito buntis?"pang-aasar ko sa kanya.

Hindi pa naman halata masyado ang tyan niya. Pero kung makabuntis ako wagas. May part kasi sakin na naiinggit ako sa kanya.

"Hmp! Oo na buntis na ako alam ko naman. Pakiabot naman ito kay sir akala ko kasi kasama mo siya pagpasok"nakanguso niyang sagot.

Inabot ko naman ang folder na binibigay niya. Nang buklatin ko nagulat ako sa nakita ko.

"Ano 'to?"takang tanong ko kay Grace.

"Mga aplikante ni Sir para sa assistant niya"sagot nito na obvious naman dahil iyon din naman ang nakalagay sa folder.

"Alam ko, ang tanong bakit siya nagpahanap ng assistant? Nandito naman ako"takang paliwanag ko.

Kibit balikat lang sagot sakin ni Grace na nakatingin din sakin na mukhang nagtataka din.

"Hindi ba sinabi sayo ni sir? Akala ko naman alam mo iyan?"sabi pa nito.

Iling lang ang sinagot ko sa kanya at muling binuklat ang mga papel na hawak ko. Napataas anh kilay ko sa nakikita kong mga profile ng mga aplikante.

Lahat babae, hindi lang basta babae. Lahat maganda at sexy na babae.

"Seryoso ka dito Grace?"tanong ko sa kaibigan ko.

Natawa naman ito bago ako sagutin.

"Sorry ha sumusunod lang ako sa utos ng boss. Sabi niya kasi with very much pleasing personality"natatawa pa nitong sagot.

"Kapag ganon ang salita ni boss alam na naman na ganyang mga empleyado ang gusto niya"pahabol pa ni Grace.

Sa inis ko naman deretsong basurajan ang folder na dala ni Grace.

"No!, humanap kayo ng boy. Ung male na assistant ang gusto kong mahire ni Thimothy hindi mga babaeng mukhang galing ng kabaret"pagwawala ko naman.

"Ay! Bongga! Nagseselos ka 'teh?"mangha namang tanong ni Grace.

"Dont state the obvious Grace!"inis kong sagot.

Kita na nga na ang init ng ulo kong bigla tatanong pa siya.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now