50

14.6K 350 17
                                    

"MAMA ANG ganda niyo po talaga"pang-ilang ulit nabang sinabi ng anak ko ang papuri niyang iyan.

Mula kaninang inaayusan ako hanggang sa maisuot ko ang wedding gown ko. Nasa tabi ko lang si Vince na little groom ni Thimothy. Na dapat nga doon siya sa tatay niya mangulit pero saakin siya nakadikit.

"Alam ko anak. Ilang ulit mo ng sinabi na maganda si mama"natatawa kong sagot sa kanya.

Sumampa pa ito sa vanity mirror sa harapan ko at pinakatitigan ako tapos hinalikan niya ako sa lips at magkabilang pisngi.

"Paglaki ko mama hahanap po ako ng kagaya niyo po. Maganda na mabait pa para maging asawa ko po"sabi pa nito habang nakangiting nakatitig sakin.

"Naku ang bata mo pa apo iyan na iniisip mo"saway naman ng nanay ko.

Nasa dressing room pa kami or should I say sa hotel suite kung saan kami nagpalipas ng gabi ng nanay at mga kapatid ko.

Nakauwi na din kasi ang bunso namin para saksihan ang kasal ko.

"Naku nay, okay lang iyon. Di ko patutularin ito sa tatay niyang matanda ng lumantod. Kapag natuli na ito pag-aasawahin ko na"sansala ko naman sa nanay ko.

"Ang lantod mo ate, ipapasa mo pa kay Vince"natatawa namang sabad ni Vanna.

Inirapan ko nga siya.

"Parang ikaw hindi maagang lumantod. Sixteen ka lang ipanganal mo si Manuel. Ako nga magtrenta na akong nagkaanak. Sinong mas malantod satin"pangbabara ko sa kapatid ko.

Sa totoo lang kinakabahan ako, dinadaan ko nalang sa pang-aasar sa mga kapatid ko at anak pati nanay ko nga di nakaligtas. Matakpan lang ang kaba na nararamdaman ko.

"Ang sabihin mo ate, kaya ka ganyan kasi kinakabahan ka. Ano naman kasing nakakakaba eh kasal ka naman na kay Kuya Thimothy. Kahit nga di siya sumipot sa huli kasal pa din siya sayo. Mamayang gabi gagawa at gagawa pa din kayo ng kapatid nila Ben-ben at Teng-teng"nakaingos na sagot ng kapatid ko.

Naghanap ako ng pwede kong ibalibag sa kanya. Ang nadampot ko ung hair brush kaya ng masapol siya dumaing ang loka.

"Bunganga mo tagala"sabi ko pa.

Babatuhin din niya sana ako ng hair brush ng bumukas na ang pinto at pumasok doon ang biyanan kong babae.

"Vina"masayang tawag niya pa sakin habang lumalapit.

Lumapit ito sakin at nakipagbeso. Sa loob ng dalawang buwan na palagi ko siyang kasama napalagay na din ang loob ko sa kanya. Ung mga agam-agam ko nawala.na lahat dahil sa pinapakita niya sakin.

Totoong nagbago na ang mama ni Thimothy. Maging ang tatay nito mabait na din. Talagang gusto lang nilang sukatin kung gaano ko kamahal si Thimothy.

Super supportive nila ngayon samin ni Thimothy.

Sa pagiging supportive nila naka-announce sa TV sa newspaper pati ata sa radio ang kasal namin ni Thimothy. Gustong-gusto nilang malaman ng lahat na ikakasal na ang panganay kilang anak.

"Are you ready? Pinapasilip ka sakin ng groom mo, hindi na kasi siya mapakali"nakangiting turan nito.

Napatawa naman kaming lahat sa sinabi nito.

"Yes po mommy Thalia. Okay na po ako. Ready na akong pasakal sa anak niyo ulit"natatawa kong tugon.

"Parehas lang po silang mga kinakabahan ng anak niyo Tita Thalia"sabad naman ni Vanessa.

Tinignan ko lang siya ng masama habang nagsasalita siya. Kainis talaga ang babaitang ito walang preno ang bibig.

"Don't worry too much Vina. This day is you and Thimothy's day. You should enjoy these day hindi ang kabahan ka"anito.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now