23

11K 326 11
                                    

"DAMN it, Lim. This is my house. Why dont you let us in"gigil na sermon ni Thimothy sa butler namin.

Nasa labas kami ng gate sa mismong bahay namin ni Thimothy. Kanina pa kami dito pero hindi kami pinapapasok ng tauhan ni Thimothy.

"Sorry sir, pero kakatawag lang po ni Ma'am Thalia na wag po kayong papasukin."magalang na sagot nito.

Marahas naman na napabuntong hininga si Thimothy.

"Lim, kahit kukuha nalang kami ng gamit namin"singit ko naman.

"Pasensiya na din po Miss Vina. Pero mahigpit pong bilin ni Ma'am Thalia na wag po kayong papasukin ni Sir Thimothy"sagot naman nito.

"That's bullshit Lim. Ako ang bumili ng bahay na ito at ako ang amo niyo hindi ang mga magulang ko"sigaw na naman ni Thimothy.

Nilapitan ko siya at pinakalma.

"Tara na, wag nalang nating ipilit"bulong ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita pero tumalikod na siya. Naglalakad na kami ngayon palabas ng village. Medyo malayo pa ang lalakarin namin. Wala kasing nakakapasok na taxi dito basta-basta.

"Fvck!"sigaw na naman ni Thimothy habang naglalakad kami.

Hindi nalang ako nagsalita alam ko naman kasing inis lang siya ngayon.

Habang naglalakad kami hinubad niya ang suot niyang coat at isinuot sakin.

"I hate my family"bulong na naman ni Thimothy.

"Boss, wag mong gagawin iyan. Kasi ikaw lang din ang mahihirapan. Tignan mo ako, sampong taon kong kinimkim ang galit ko sa sarili kong ina. Anong napala ko puro pahirap di ba. Kaya dapat wag kang magagalit sa mga magulang mo. Ikaw lang iniintindi nila, ayaw lang nilang mapahamak ka"malumanay na pangaral ko sa kanya.

Bumuntong hininga na naman siya bago niya ako inakbayan.

"Sana nakikita ito ng mga magulang ko ngayon. Hindi naman ako mapapahamak sayo. Napahiya lang sila iyon ang totoo, ayaw nilang napapahiya sila sa madaming tao kaya ganon nalang ang reaction nila"paliwanag nitong.

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa pinaka-entrance ng village. Agad naman kaming ikinuha ng taxi ng guard ng makita kaming paparating.

"Saan na tayo?"tanong ko ng makasakay na kami ng taxi.

Sinabi ni Thimothy ang address ng condo niya sa driver. Tumahimik na kaming dalawa, ako iniisip ko na hindi lang ito ang aabutin namin kung magkasama pa din kami.

Alam kong hindi sanay si Thimothy sa mga ganitong bagay. Naalala ko pa ng magtalo kami ng bilan niya ako ng sarili kong sasakyan.

Ayaw na ayaw ni Thimothy na magcommute ako. Mas lalo na siguro siya, pero wala naman akong naririnig na reklamo niya. Siguro dahil sa wala nalang kming choice kaya hindi siya nagrereklamo.

Pagdating namin sa mismong condo building niya gaya ng sa bahay namin hindi din kami pinapasok ng guard. Utos din ng mama ni Thimothy kaya galit na galit na naman si Thimothy.

"Fvck! Anong gusto nilang mangyari sa kalye tayo matulog"inis na naman niyang sigaw habang naglalakad kami.

"Thimothy, kila Grace nalang tayo.pansamantalang tumuloy" suggestion ko naman.

"No, hindi tayo pupunta don. Shes not alone there anymore"

Oo nga pala nagsasama na din sila Grace at George ngayon dahil maselan ang pagbubuntis ni Grace.

Wala naman akong alam na pwede naming takbuhan na dalawa kundi doon lang.

"Yes bro, thanks"

Naagaw ang atensyon ko ng magsalita si Thimothy. Akala ko ako ang kausap niya may kausap na pala sa cellphone ang loko.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now