8

11.8K 290 14
                                    

TATLONG araw, tatlong araw na nakakulang ako sa loob ng kwarto namin ni Tommy. Ang mabuti nalang hindi na ako nakatali. Pero di naman ako pwedeng lumabas ng kwarto namin ni Tommy. Okay lang din kasi hindi ko gustong makita ang hayop na kapatid ni Tommy.

Dahil kasi dito mas nahihirapan akong pakiusapan si Tommy. Mas naniniwala siya sa kapatid niya kaysa sakin. Masakit pero pinagtitiisan ko nalang kasi mahal ko si Tommy.

"Tommy"tawag ko sa kanya.

Kakadating lang niya galing trabaho, pero gabi na naman siya umuwi ngayon. Napapadalas na dahil simula ng araw na ikulong niya ako dito palaging gabi na ang uwi niya.

Kaysa sagutin ako isang malutong na sampal na naman ang inabot ko sa kanya.

"Tangina ka, wag mo akong kakausaping p*ta ka. Lumabas ka na naman ng kwartong ito. Nagpatira ka na naman sa kapatid ko"sigaw nito sakin.

Panay naman ang iling ko sa sinasabi niya. Hindi ako makakalabas sa loob ng kwartong ito dahil inilock na niya ako dito sa loob mula sa labas.

Sa tatlong araw na nakakulong ako dito tatlong beses palang akong kumain kapag dinalhan ako ni Tommy. Di na nga ako nakakaligo, dito na din ako umiihi sa anerola na pinasok ni Tommy.

"Tangaina kang babae ka"sigaw na naman niya sakin.

Hinubad na naman niya ang sinturon niya at panay ang hampas niya sakin. Hindi ako makaiwas dahil nasukol ako sa sulok sa pagitan ng kama namin at pader. Maliit lang naman ang kwarto namin kaya wala akong tatakbuhan dito.

"Tama na please Tommy!"pagmamakaawa ko.

Pero hindi siya nakikinig sakin. Patuloy lang anh paghampas niya sakin hanggang sa mapagod siya.

"Tangina ka hindi ka nagtatanda"hinihingal na turan niya.

Pinagulong na niya ang wheel chair niya palayo sakin. Napasalampak lang ako sa sahig sa panghihina ko sa mga natanggap kong hampas sakin.

Tahimik lang akong umiiyak.

"Bwisit! Simula ng kinasama kita minalas na ako! Malas ka sa buhay ko!" Dagdag pa nito.

Kinuha niya ang bag ko, kinalkal nito ang bag ko at kinuha ang wallet ko. Hindi pala wallet ko ang kinuha kundi ang pera ko doon. Binalibag pa sa akin ang wallet ko ng makuha na niya ang kailangan niya doon.

"Bwisit ka wala kang pakinabang"huling sinabi niya bago niya ako iwanan.

Pabalibag niyang sinarado ang pinto namin. Mas nanghina ako sa lahat ng sinabi niya.

Ngayon lang niya ako sinabihan na wala akong pakinabang. Hindi ko matanggap kasi alam niya na nagtatrabaho ako para sa aming dalawa.

"Vina"mahinang boses ang narinig ko mula sa labas ng kwarto.

Kilala ko king kaninong boses iyon. Sa tatay ni Tommy, hindi ako sumagot kasi hirap akong makahinga.

"Mamaya kapag tulog na silang lahat papatakasin kita. Iwanan mo na anh anak ko, di na makatao ang ginagawa niya sayo. Di ko na kayang manahimik nalang at walang gawin. Alam ko kung ano ang ginagawa sayo ng pamilya ko. Ako na humihinhi ng tawad para sa kanila. Hija sana patawarin mo sila sa nagawa nila sayo"pabulong na patuloy pa nito.

Mas naiyak ako, ngayon may isang tao na nag-aalala sakin.

................

TRUE TO HIS word, ng magmadaling araw pinakawalan ako ng tatay ni Tommy. Paglabas ko ng kwarto wala na ito kaya di ako nakapagpasalamat sa kanya.

Deretso ako ng labas ng bahay hanggang aa makarating ako sa kanto namin.

Wala akong dinala na kahit na anong gamit ko. Kasi mahahalata pa ni Tommy kapag nag-ayos ako ng gamit ko.
Kinuha ko lang ang cellphone ko at wallet. Buti nalang di kinukuha ni Tommy ang cellphone ko. Pero malas ko lang pinutol pala niya ang sim card ko.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now