44

14.4K 371 33
                                    

"LUMABAS ka ng ganyan ang itsura mo?"galit na sita niya sakin.

Nakataas naman ang kilay ko, habang nakatingin sa kanya.

Ano naman ang masama sa suot ko. Nakasandong puti lang kasi ako tapos saya ni nanay. Hindi pa kasi ako nakakapaglaba ng damit namin dahil busy akong maglako ng mga gulay sa palengke.

May bra naman ako kaya di naman masagwang tignan. Isa pa ang init ng panahon ngayon. Alangan namang balutin ko katawan ko edi nahimatay ako sa init.

"Problema mo?"inis ko namang sagot na patanong na din.

Napaismir naman si Thimothy habang nakatitig sakin.

Tumakbo palapit sakin si Vince at niyakap ako sa binti ko.

"Mama, nakauwi na si papa"masayang balita pa nito sakin.

"Oo, anak kita ko naman. Sa laki ba naman ng tatay mo hindi ko siya makikita"inis kong sagot.

Ano naman kayang ginagawa ng damulag na ito ngayon sa aming tahanan. Hindi ko inaasahan na hahanapin niya kami ng ganitong kaaga. Halos dalawang buwan palang naman kaming nandito sa bahay ng kapatid ko.

Umuwi kami sa bahay ng nanay ko sa pampanga pero wala na pala doon ang nanay ko. Nasa Nueva Ecija na pala ito tumira matapos makipaghiwalay sa kinakasama nito.

Buti nalang din at nakipaghiwalay na doon ang nanay ko kasi hindi ko din alam kung paano ko pakikisamahan ang kinakasama ng nanay ko kung sakali. Kasi siya lang naman ang unang nangbaboy sakin.

Matagal na pala akong hinahanap ng nanay ko, pagkaalis ko buwan lang ang binilang hinanap na ako ng nanay ko para pabalikin. Pero dahil sa mahirap lang naman kami at wala kaming pambili ng cellphone wala akong komunikasyon sa mga ito kaya hindi ko alam.

Kung di pa kami nagkaroon ng problema ni Thimothy hindi ko malalaman na hinahanap na pala talaga ako ng nanay ko.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba ayaw.mo na akong makita sa harapan mo. Lumayo na nga ako sayo ikaw naman sumunod dito. Sinama mo pa mga barkada mong playboy na tanders"inis kong sita dito.

Sasagot na sana ito kaso lang biglang nagpapalag at umiingit na ang bunso ko na karga-karga nito. Mas napataas ang kilay ko ng makitang hawak na nito ang anak namin.

"Hoy Neng-neng ano at binigay mo sa lalaking ito ang anak ko?"sita ko naman sa kerengkeng kong kapatid.

"Aba naman Ate! Ano naman kung nasa asawa mo si Teng-teng. Sabi naman ni Ben-ben tatay nila iyan edi binigay ko. Kabigat kaya ng anak mo, kasipag mo din kasing pasusuhin. Palibhasa kasi walang tatay na sususo dyan sayo kaya si Teng-teng ang palagi mong pinapasusu"kadaldal talaga ng babaeng ito.

Pati pagpapabreast feed ko sa anak ko kinuwento na nito.

"Tatahiin ko na iyang bibig mo Neng-neng"banta ko naman sa kanya.

Nilapitan ko na si Thimothy at kinuha ko na ang bunso ko. Para padedehin na, mukhang gutom na din kasi. Isa pa namimigat na din ang dibdib ko kaya alam ko talagang gutom na siya.

"Kunwari ka pa ate. Ayan na tatay nila Ben-ben at Teng-teng pwede mo ng ibigay sa tatay niya ang ibang gatas mo ng di masyadong mabigat anak mo"banat na naman nito.

Ako sanay na ako sa kapatid kong iyo kahit noong maliliit pa kami ganito na itong magsalita. Kahit pa sabihin nating sampong taon ang tanda ko sakanya. Kung magsalita ito kala mo magkaedad lang kami.

Paglingon ko sa mga kalalakihan na kasama namin sila ang namumula sa kadaldalan ng kapatid ko.

Napailing nalang ako.

His Only PossessionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant