36

10.1K 299 18
                                    

KUNG NAKAKAPATAY ang tingin kanina pa siguro bumulagta ang magkaparehang kanina ko pa pinapatay sa isip ko.

"Tsk!, di hamak na maa maganda naman ako sa babaeng iyan. Asan ang taste mo Thimothy? Nakakainit ka ng ulo"gigil na gigil na bulong ko sa sarili ko.

Kanina pa ako nakasunod ng nakasunod kay Thimothy.

Mula sa opisina hanggang ngayon na nasa isang club at heto may kasama na naman siyang babae. Ibang babae na naman ang kasama ni Thimothy ngayon.

"Miss, anong order niyo?"pangatlong balik na ng waiter na ito pero wala pa akong naoorder.

"Water nalang"sagot ko naman.

Napakamot naman ng ulo ang waiter habang nakatingin sakin.

"Ano ba naman miss. Pangatlong baso niyo na ng tubig iyan"sagot naman nito bago siya tumalikod.

Inirapan ko nga siya. Kanina kasi tinanong ko kung may juice sila sagot niya wala ladies drink lang daw meron sila. Anong magagawa ko kung hindi ako pwede sa alcoholic drinks. Nagpapabreast feed pa kaya ako.

And speaking of breastfeed namimigat na ang dibdib ko. Puno na yata ng gatas, kanina pa kasi ako sunod ng sunod kay Thimothy.

"Kapag ako napuno sayong lalaki ka kahit may amnesia ka makakatikim ka sakin ng sapak kapag di kapa tumigil dyan sa ginagawa mong hayop ka"hindi ko napigilan na sabihin.

Napalingon pa nga sakin ang mga taong malapit sa table ko. Pero wala akong pakialam sa kanila basta napafix ang mata ko kay Thimothy.

Kay Thimothy na ngayon ay nasasarapan aa kakahimas sa balikat ng mukhang palakang babae na katabi niya.

"Isa pa Thimothy!"banta ko sa kanya.

Pero hindi nan niya naririnig ang nga sinasabi ko.

Nanlaki ang mata ko ng makitang nakikipaghalikan na si Thimothy. Napatayo naman ako ng wala sa oras at pinuntahan siya.

Ako mismo ang naghiwalay sa dalawang nagtutukaan.

"What the fvck!"sabay oang hiyaw ng dalawa.

"Hoy lalaki kung makikipagtukaan ka lang maghanapnka ng desenteng babae na babagay sayo! Hindi iyong mukhang palaka na ewan lang"duro ko sa kanya.

Nakamulagat lang siya habang nakatingin sakin. Samantalang nanlilisik naman ang mata ng babaeng kahalikan niya na nakatingin sakin.

"At ikaw babae, pipiliin mo ang lalandiin mo ha hindi iyong may sabit na"sermon na baling ko naman sa babae.

"Sino ka ba ha? Bakit ka ba palaging nakasunod sakin?"inis na sita sakin ni Thimothy.

Binalingan ko naman siya which is wrong move. Kasi ung babaeng kahalikan kanina ni Thimothy sinugod na naman ako.

Ano bang meron sa mga baaeng ito at panay ang sugod sakin ng sabunot. Masakit pa nga ang anit ko dahil sa pakikipagsabunutan ko kahapon.

"Bitaw"banta ko sa babae.

"What did you call me? Mukhang palaka?"inis na iwinasiwas pa nito ang buhok.

Naiinis na hinablot ko na din ang ulo nito at nakipagsabinutan na ako sa babaeng nito.

Nakita ko naman ang pag-iling ni Thimothy sabay tayo nito.

"Nakakawala kayo ng gana"sabi pa kito bago naglakad palayo samin ng babae.

"Hoy! THIMOTHY ZULLETA! Bumalik ka dito"hiyaw ko naman.

Pero para siyang walang narinig at nagderetso na sa paglabas ng club. Ako naman pilit na kumakawala sa babaeng nakasabunot pa din sakin.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now