31

9.9K 302 8
                                    

"VINA!"

Alanganin naman akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung tatanggapin niya ako. Nahihiya ako ang tagal kong hindi nagpakita sa kanya pati na din pagtawag man lang di ko nagawa.

Huling nagkausap kami noong araw kung kailan ng propose sakin si Thimothy.

"Grace"

Agad niya akong sinugod ng yakap na ginantihan ko din ng yakap. Ang higpit ng yakap niya sakin halatang miss na miss niya ako. Ako din naman namiss ko siya. Kasi siya lang naman ang naging totoong kaibigan ko.

"Ikaw nga, bruha ka saan kayo nagtagong luga ni sir Thimothy ha?"anito habang tuwang-tuwa na nakatingin sakin.

"Shit ka! Buntis ka na? Pang-ilan na iyan?"tanobg pa nito ng makita ang umbok ng tyan ko.

"Pangalawa, ito nga pala ang panganay namin si Vince"pakilala ko sa anak namin ni Thimothy.

"Anak say hello to tita Grace. Friend siya ni mama"baling ko naman sa anak ko.

"Hi po tita Grace"bati ng anak ko.

"Hello Vince, naku kamukhang kamukha ni sir Thimothy"masayang puna niya sa bata.

"Oo nga wala man lang nakuha sakin kahit mata man lang. Pati patutoy kay Thimothy din"biro ko naman.

"Gaga, wala ka namang patutoy pano magmamana sayo iyan"natatawa ding biro ni Grace.

Nagtatawanan kami sa kagagahan naming dalawa ng mapansin niya ang bag na dala namin.

Lumuwas kami ng Manila ng anak ko baka sakaling makita ko si Thimothy. Alam ko kinukulong siya ngayon ng mga magulang niya para hindi kami mapuntahan.

Isang linggo na mula ng malaman kong naaksidente si Thimothy. Ngayon lang ako nakapunta ng Manila dahil kailangan ko ng pera. Binenta ko ang tricycle namin pati na din ang ilang appliances na meron kami. Para kahit papaano may hawak akong pera para sa amin ng anak ko.

Bahala na kapag okay na si Thimothy alam ko naman na maiintindihan niya ang ginawa ko.

"Pumasok na nga muna kayo"aya samin ni Grace.

Pagpasok ko sa bahay niya walang halos pinagbago. Nadagdagan lang ng mga laruan at gamit ng bata. Buti nga hindi lumipat si Grace ng bahay.

"Asan ang anak mo?"takang tanong ng wala akong makitang bata sa loob.

"Nasa school pa. Si George ang sumundo, dito nalang ako sa bahay ngayon nag-aalaga ng anak"masayang sagit niya.

Napalingon ako sa kanan ko sa may bandang lalagyan ng TV. Nakasabit doon ang wedding picture nila Grace at George.

"Nasakal din ako ni gago. After ng panganganak ko inaya niya ako ng kasal para sa anak daw namin. Pero wala eh magaling ang gago, nahulog naman ako"paliwanag ni Grace.

"I'm happy for you"

"Ikaw kwento ka naman kung anong nangyari sayo. Sa inyo ni Sir Thimothy after niyong mawala sa mismong engagement party niyo"anito.

Naupo na kami sa Sofa nila.

"Mama pwede ko pong hiramin ito?"tinuturo nito ang laruang sasakyan ng anak ni Grace.

"Sure Vince. Matutuwa si Harold ko kapag nakitang may kalaro na siya"masayang tugon ni Grace.

"Ingatan mo lang anak ha. Baka masira mo"paalala ko naman sa anak ko.

Kahit pa alam kong maingat sa laruan niya si Vince.

"Ano kwento na bakla"pag-eenganyo naman niya.

Buntong hininga naman ang naisagot ko bago ako magsimulang magkwento sa kanya ng nangyari samin ni Thimothy.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now