3

14.7K 317 1
                                    

NAKARAMDAM AKO ng awa sa bago kong secretary. Hindi naman ako dating ganito. Tapos ngayon habang tinitignan ko siyang naglalakad papasok sa maliit na iskinita pauwi sa bahay nika, masasabing tensiyunado siyang naglalakad. Ayaw ko pa sanang umalis kaso hating gabi na din.

Pagdating sa condo ko naman deretso nalang ako sa loob ng kwarto at nahiga. Pero wala pang limang minuto napabangon naman ako.

Mabilis akong tumayo at lumabas ng unit ko.

Nakaramdam kasi ako ng pagkainit, ito ang unang gabi ko na umuwing walang lamang alak ang tiyan ko.
Wala pang sampong minuto nasa loob na naman ako ng sasakyan ko at nagmamaneho papunta sa pinakamalapit na Bar.

After lang ng halos isang oras lasing na ako. And then after lang din ng ilang sandali pa ang lumipas may kasama na akong isang babae paglabas ng bar.

He's always like these, dito nalang kasi siya nag eenjoy sa buhay niya. Simula ng siya na ang namahala ng mga negosyo ng pamilya nila.

Well noon pa naman malikot na talaga siya pag dating sa mga babae. Ang kaibahan lang ngayon, patago na siya kung maglandi ng babae. Di tulad noong college siya kabi-kabila ang mga babae niya.

His a playboy yes, pero hindi naman na siya fvckboy ngayon. He's acting on his age naman, his 30 for goodness sake naman.

Hindi na bagay kung masasabihan pa siyang fvckboy at his age.

"Hey babe, another round?"tanong sa saakin ng babaeng kasama ko mula sa bar.

Kanina pa kami nakatapos actually may isang oras na ata akong nakatapos. Ngayon lang niya ako tinanong kung gusto ko pa ng another round.

"Well!, babe I had enough of you may early meeting pa ako tomorrow. I dont want to be rude but I want to take the day off already and take a rest if you dont mind"polite kong pagpapalayas sa babae.

Napangisi naman ako ng tumayo na ang babae sa tabi ko at pumasok sa loob ng banyo. At least hindi mahirap kausap ang nabingwit ko, isa pa malinaw naman na walang commitment ang mga ganitong sitwasyon nila.

.........................................

MAAGA AKONG nakarating sa opisina ko. Inaasahan ko ng makikita ko ang bago kong secretary sa table niya pero wala ito doon.

Malinaw naman ang naging usapan namin kagabi na maaga kami ngayon dahil kailangan pa namin na may final deliveration sa magiging presentation namin sa mga bagong client namin.

Pagpasok ko sa loob ng opisina ko napataas ang kilay ko ng makita ko ang hinahanap ko kaninang secretary.

Pero hindi ang presensiya niya sa loob ng opisina ko ang ikinagulat ko kundi ang itsura nito.

"Anong nangyari sayo at ganyan ang itsura mo?"hindi ko na napigilan na tanungin.

Alanganin na nilingon ako ni Vina at tinignan ang katawan nito bago alanganin na ngumiti sa akin. Napakamot pa nga ito sa buhok nito na pa nagsalita.

"Good morning sir"bati nito.

Pinagkunutan ko siya ng noo ng hindi ako sagutin sa tanong ko.

"Para kang nahukay sa baul alam mo ba iyon?"natatawa kong puna sa kanya.

Sumimangot siya at nagpatuloy sa ginagawa niya. Inaayos niya ang mga gamit ko para sa meeting mamaya.

"Hoy, at least answer me Miss Robles"pagtataray ko na sa kanya.

Nakasimangot pa din na hinarap ako nito.

"Nag away kami ni Tommy kanina sir, sinunog niya ang mga damit ko kaya ganito suot ko"paliwanag nito.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now