27

11.1K 346 8
                                    

"Love, can you please sit down"utos ko kay Vina.

Kanina pa kasi siya paikot-ikot sa tabi ko. Mula pagkagising ko hanggang sa makauwi ako. Hindi na pumapasok si Vina sa trabaho dahil kabuwanan na niya.

"Boss, pinagsisilbihan lang naman kita"paglalambing na naman niya.

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan siya sa kakaikot sa likod ko at nagsisilbi. Hinapit ko siya palapit sakin at kinandong ko.

"You dont have to do this love"awat ko naman sa kanya.

Hinaplos nito ang mukha ko at hinalikan niya ano sa noo, sa ilong, sa pisngi at huli sa labi ko.

"I love you, boss. Ginagawa ko lang ito kasi kahit sa ganitong paraan maipakita ko sayo kung gaano kita kamahal"paglalambing na naman niya.

Niyakap ko naman siya at muling hinalikan

"Just staying beside me is enough"bulong ko sa pagitan ng halikan namin.

"Bakit ba ang galing mong magsalita? Simple lang sinabi mo pero kinikilig na ako. Ganyan ka din ba sa mga dati mong fling at fubu?"nakanguso na tanong niya na lumayo pa sakin.

"Love naman sayo lang ako ganito. Kung paano mo ako nakilala noong una ganon lang din ako sa mga dati ko. At pwede ba wag sila ang pag-usapan natin"depensa ko naman sa sarili ko.

"Alam ko, patay na patay ka nga sakin"nakangisi na sagot nito.

Nagtatawanan kami habang kumakain kami ng hapunan. Nasa kandungan ko nalang din si Vina. Hindi naman siya bumigat ng sobra kayang kaya ko pa naman siyang buhat.

"Halla!"react ni Vina na kinagulat ko din.

Bigla nalang kasing nabasa ang kadungan ko.

"Naihi ka?"takang tanong ko naman.

Tinignan naman niya ako sa mukha, napalunok naman ako ng makitang namumutla siya.

"No, manganganak na ako"halos kapusin siya sa pagsasalita.

Ramdam ko pati ako namutla sa sinabi niya sakin. Handa naman ako sa panganganak ni Vina. Pero hindi ko pa din maiwasan na kabahan.

"Okay, relax love"pagpapakalma ko sa kanya.

Pero parang ako naman ang ninenerbiyos. Binuhat ko siya sa at dinala sa sala namin.

"Kunin mo na ung mga gamit ng baby"utos niya sakin.

Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako kumilos. Hindi ko kailangan na mataranta kaming dalawa lang ni Vina ang magdadamayan ngayon.

"Love are you okay?"kinakabahan kong tanong kay Vina.

Napapamura ako sa sarili ko habang nagmamaneho ako. Dapat tinanggap ko na ang sasakyan na binibigy ni Alex sakin. Edi sana hindi sa tricycle ko isinakay si Vina ngayon.

"Oo, kaya ko pa"hirap na sagot ni Vina.

Mabilis lang naman kaming nakarating sa center. Dahil paanakang bayan lang naman ang meron dito. Sa center lang din nagpupunta si Vina kapag check-up niya.

Pagdating namin sa center ang daming tao. Madami din na gaya ni Vina manganganak.

"Love kaya mo pa?"nag-aalalang tanong ko.

Sa dami ng tao Hindi na kami maasikaso ng mga nurse at midwife.

"Boss ang sakit na"daing naman nito.

Kinakabahan na ako. Sobrang putla na ni Vina tapos wala pa ding pumapansin samin dito.

"Fvck love dadalin na kita sa private"bubuhatin ko na siya ng pigilan niya ako.

"Thimothy, wala tayong pera. Dito nalang"pigil nito.

His Only PossessionWhere stories live. Discover now