Chapter Twenty-four

76K 1.2K 49
                                    

Huminga ako ng malalim at muling naglipat ng ibang channel sa telebisyon. Hindi ko hilig ang manuod ngunit dahil sa araw na bumalik kami rito sa Puerto Galera ay ang panunuod  na ang aking libangan bilang pamatay oras.

Hindi ko na binigyang pansin ang pagsara ng pintuan, nasanay na ako sa ingay nito. Malapit lang naman sa dagat ang tinitirikan ng bahay ni Liam kaya ang hangin na binibigay ng kalikasan ang sanhi kung bakit kusa itong nagbubukas sara. Hindi rin naman kasi ito naka-seradura dahil walang magtatangkang pumasok dito sa rest house. Malayo ito sa buong Resort.

"Trix." Pinasadahan ko lang ito ng tingin at muling bumalik sa aking ginagawa. Pinakiramdaman ko lang ang susunod niyang gagawin. Umupo ito sa tabi ko at itinaas ang paa sa lamesa.

"Ano'ng ginagawa mo?" Aniko.

"Matutulog."

"Bakit dito pa? At bakit naririto ka na."

"Gusto kong magpahinga. Hindi mo ba gusto na naririto ako?" Nasa himig nito ang pagtatampo.

Nang tignan ko naman ito ay nakahalukipkip at ang mga mata'y nakatingin pa rin sa telebisyon. Heto na naman ang pagbibiro niya sa akin. Ang mga kinikilos na nagpapabago ng aking ekspresyon.

Umiling ako at muling nilipat sa ibang palabas. Bakit ba sa tagal ko nang panonood sa telebisyon na ito ay wala pa rin akong mahiligan? Sa mayayaman at may kaya lang siguro talaga nakatadhana ang kahiligan sa panonood.

"Ang aga pa para umuwi. Ano na lang ang sasabihin sa'yo ng iyong mga katrabaho, na ang anak ng may-ari ng kanilang pinagta-trabahuan ay gusto na lang matulog kaysa sa magtrabaho?"

"Ilang buwan na lang din naman ay magiging amo na nila ako." Asik nito.

"Mabuti na lang talaga at hindi na ako sa Resort nagta-trabaho, kung doon pa rin ako nakaka-panghinayang kung ang aming Boss ay walang konsiderasyon sa mga empleyado niya. Nakakaawa."

"Boss mo pa rin ako!" Muli ko itong pinasadahan ng tingin at binigyan ng nakakayamot na mukha.

"Hindi mo pa rin ba naiinitindihan ang sinasabi ko? Bilang Boss ay responsibilidad mo ang mga emplyedo niyo. Tulad na lang ngayon, ginagawa nila ang kanilang trabaho sana naman din ay gawin mo ang trabaho mo."

Matagal ito bago sumagot sa aking sinabi. Kunot-noo ang binigay niya sa akin. Wala na talagang pag-asa, hindi niya naintindihan ang aking tinutukoy. Ang gusto ko lang naman ang maka-bonding ang dati kong mga ka-trabaho. Empleyado niya pa rin ako kung tutuusin kaya ang dapat na gawin niya ay Pa-trabahun sa labas at hindi itago rito sa rest house.

Sinamaan ko ito ng tingin ng binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. Sanay na ako sa ganyang tingin kaya umiwas na ako bago pa makaisip ito ng panibagong kalokohan.

"Tama ka, boss mo pa rin ako, Trix. Kailangan mo akong pagsilbihan," Ang mga palad niyang nagbibigay init sa akin sa oras na ito ay lumapat sa aking pisngi at pinaharap sa kanya. "Give me a dance, Trix. Sa ganoong paraan ay magagawa mo ang iyong trabaho."

Hinampas ko lang ang kamay nito na nakahawak sa aking pisngi. "Hindi ako nagbibiro Mr. Garcia. Ang trabaho ko ay tulungan ka sa trabahong opisina at hindi trabaho pang sarili mo lamang."

"Trabaho iyon ng isang nobya para mapaligaya ang kanyang iniirog." Sumilay ang mapang-akit na ngiti nito. At maya-maya pa ay umiling. "Nahahawa na ako sa pagiging matagalog mo Trix."

"Hindi naman iyan ang tinutukoy ko Liam, eh. At oras ng trabaho mo ngayon kaya hindi dapat ganoong mga bagay ang kailangan mo."

"Wala ako sa office kaya ang responsibilidad mo ay ang pawalaiin ang pagod ko." Nasa himig nito ang pagtatampo.Kung hindi lang talaga ako sanay sa ganitong ga eksena ay bumigay na ako sa gwapo niyang mukha. Ako ang naaasiwa sa kanyang ginagawa. Kahit naman na magkasama kami sa bahay at sinabi nitong nobya niya na ako ay hindi pa rin mawawala ang hiya ko sa aking katawan.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon