Chapter Seven

115K 1.6K 40
                                    

Tumunog ang elevator na sinasakyan ko, tanda na nasa sampung palapag na ako. Lumabas na ako at humarap sa kanan para maglakad papunta sa room ni Sir Liam. Ang kabog ng aking dibdib palakas na ng palakas. Ang tyan ko parang umiikot na gusto ko na lang pumunta sa banyo kesa sa room niya.

Ang bawat hakbang ko ay para bang nasa tauhan ng tv at mabagal ang andar sa bawat lakad. Para bang may kumukuha mula sa paa ko hanggang sa ulo. Sa bawat lakad ko ay hinihigop ang buhok.

"Amy naman hindi ako kalat wag mo akong i-higupin." Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam na dito pala sa floor na 'to ang assign niya.

Hindi ko din namalayan na nasa hallway lang pala siya at nag-lilinis, masyado akong okupado sa mga iniisip ko. Ano bang nangayayari sayo Trixie.

"Sorry. Ikaw kasi eh, kanina pa kita tinatawag pero diretso pa din ang tingin mo. Eh di vinacuum na lang kita. Oh di ba effective." Pinatay niya na ang vacuum na gamit niya. "Ano nga pa lang ginagawa mo dito? Di ba mamaya ka pang hapon?" Tanong niya.

"Pinapatawag kasi ako ni Sir Liam. Sa tingin mo bakit kaya?"

"Hindi ko masasagot yan. Mabuti pa ay puntahan mo na lang si Sir. Basta mag-ingat ka. 'Yan lang ang mapapayo ko sayo." Umiling-iling siya habang sinasabi ang mga salitang 'yun.

Muli ay kinabahan na naman ako, hindi naman siguro ganoon kasama si Sir para tanggalin ako sa trabaho dahil sa ginawa ko.At sa pagkakatanda ko ay tumulong naman ako para hindi mapahamak iyong babae na nasa banyo.

"Sige na, Amy mauna na ako sayo, Salamat."

Nang marating ko ang kadulo-duluhan ng palapag ay humugot ako ng malalim na hininga at kumatok, wala pang ilang segundo ay nagbukas na ang pinto.

Bumungad sa akin ang matapang na mukha ni Sir Liam. Naka-tingala ako sa kanya dahil na rin sa laki niya. Napakurap ako, sinuri ko ang kanyang itsura ngayon, nagmukha na siyang matino kaysa noong una ko siyang nakita. Bukod sa may damit na siya ay nagmukha siyang disente.

Tumingin siya sa kanyang relo. "You're 5 minutes late." Aniya.

Sinimangutan ko naman siya ng narinig ko 'yon, wala namang sinabi sa akin na oorasan pala ako.

Bago pa ako makapagreklamo ay iniwan niya na ako, sumunod naman ako sa kanya.

"Have a seat Miss Rodriguez." Mabilis akong pumunta sa malambot na upuan at umupo.

"Pinapatawag niyo daw po ako Sir? May ipapautos po ba kayo?"

"Before we start what drink do you want, a coffee or juice?"

"Nakakahiya naman Sir pero huwag na po, hindi pa naman po ako uhaw."

Mukhang hindi kumbinsido si Sir Liam sa sinagot ko, kaya naman ay tumalikod siya sa akin at pumunta sa ibang parte ng kwarto, dahil kita naman ang kusina niya ay nakita ko siyang kumuha ng maiinom sa kanyang ref.

"Mukhang hindi ka ok Miss Rodriguez, nilalamig ka ba?" Nakakaloko niyang tanong.

Paanong hindi ako magiging ok kung ang lakas lakas ng aircon niya sa buong kwarto. At mukhang siya lang naman ang naririto, nagsasayang lamang ng kuryente.

Lumingon-lingon ako sa paligid at pinakiramdaman si Sir. Masyadong tahimik hindi ako sanay sa ganito.

"May balak kang tumakas?"

Mabilis na umayos ako ng pwesto, umupo ng maayos at humarap sa kanya. Naka-dikwatro siya habang nasa hita ang kanyang mga kamay.

"Bakit mo naman 'yan naitanong Sir, hindi po ah. Oo, Sir hindi talaga, pangako?" Tinaas ko ang aking kanang kamay at pumikit pa bilang tanda na hindi talaga ako tatakas.

"Sabi mo eh." Tanging anas niya bago magbago ang kanyang itsura. Umangat ang labi niya at hinagod ang buhok papalikod.

Hindi ko maiwasang hindi mapalunok sa ginawa niya, bakit? Bakit parang ang gandang lalaki niya sa ganoong asta.. Umayos muli ako ng pwesto, hindi na maganda itong pagtatagal ko sa kwartong 'to kasama si Sir Liam.

"Hmm Sir. Ano po. kasi may gagawin pa ako sa baba pwede po bang sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin kung bakit niyo ako pinatawag?" Hindi ko alam kung saan ba ako titingin kung sa mga mata niya ba o sa paligid. Sa sobrang kaba ko kasi na kaming dalawa lang ang nandito ay para na akong nilalamon sa kinauupuan ko.

Ilang segundo na din akong naghihintay ng isasagot niya kaso wala pa din lumalabas sa kanyang bibig. Kaya ba ako tinawag para makipagtitigan lang?

"Sir?" Untag ko sa kanya.

Mukha naman siyang natauhan ng ngumiti siyang tipid sa akin. "Sa tagal kitang inoobserbahan ngayon at natitigin ngayon ko lang napagtanto that you have a similarity of someone I knew."

"Baka naman Sir ako ang nawawala niyong konsensiya? Ganito kasi 'yan Sir, baka mamaya n'yan naalog na 'yang utak niyo sa pinag-gagawa niyo, sa naging kasalanan niyo doon sa babaeng nakahubad."

Sumeryoso ang mukha niya, natigilan naman ako. May mali ba akong nasabi, eh totoo naman ah, naging maayos na siya ngayon, mukha na siyang disente sa ayos niya, malay ko ba kung nagising na siya sa kasamaan at kinuha nan g kabutihan.

"Anyway please stand up Miss Rodriguez."

"Huh bakit Sir, ayaw ko baka kung anong gawin niyo sa akin." Determinado kong sabi. At isa pa, hindi pa nga niya sinasabi sa akin kung bakit niya ako pinapunta dito paalisin niya na agad ako.

"Miss Rodriguez baka nakakalimutan mo ako pa din ang anak ng pinag-ta-trabahuan mo. O sa madaling salita AMO MO PA RIN AKO" Nakakaloko niyang sabi.

"Kasi naman Sir pinatawag-tawag niyo pa ako tapos paalisin rin, ni hindi niyo pa nga sinasabi sa akin kung bakit, kung ganoon din lang naman saying lang ang oras nating dalawa."

"Matanong kita Miss Rodriguez ano para sayo ang kaibahan ng pagtayo at sa pagtabuyan?"

"Oo nga Sir sabi ko nga tatayo na ako. Kalma lang."

Kumamot na muna ako sa ulo bago tumayo. Inayos ko ang manggas ng suot ko at tumawid ng tayo. Nahuli ko naman siyang masuri akong tinititigan mula ulo hanggang paa.

"Sir ok na ba, pwede na po bang umupo?" Medyo naiilang kasi ako sa binibigay niyang titig sa akin.

"Mahirap bang ipaalala sayo kung sino ang Boss mo dito? At tapos na ba ako para ika'y paalisin ko?"

"Hindi naman Sir, sabi ni Ma'am Mae si Sir Arthur Garcia 'yung tatay niyo ang Boss ko."

Nakita ko naman siyang humugot ng malalim na hininga. "Ikaw na rin nagsabi na tatay ko ang Boss mo, so basically I'm your Boss too. At bilang Boss mo lahat ng iutos ko susundin mo, nagkakaintindihan ba tayo?"

Tumango ako bilang sagot sa kanyang sinabi. Maya-maya ay tumayo siya, kinuha ang kamay kong nasa gilid at hinila. Halos masubsob ako sa kanyang ginawa. Humawak ako sa kanyang balikat at napatingala.

Parang naulit na naman sa isipan ko ang eksena sa banyo. Ganitong magkalapit ang aming mga mukha sa isa't isa, ang kinaibahan lang ay ang ayos ng kanyang buhok.

Ganoon pa rin ang kanyang mga matang kung minsan ay nanglilisik o di kaya'y nakakalokong tingin. Ang matatangos niyang ilong, kitang kita ko pa ang butas. Ang labing laging nakatikom.

"S-sir?" Lumayo ako ng konti sa kanya ng gumalaw ang kanyang ulo papalapit pa lalo sa aking mukha.

Kung hindi ko ginawa iyon ay magtatama na ang mga ilong namin sa isa't isa.

"Be my private dancer Trixie." Seryosong sabi niya ng nakatingin diretso sa mga mata ko.

"Private dancer?" Ano 'yon?

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon