Chapter One

197K 1.9K 47
                                    

Sikat ng araw ang tumambad sa aking kinahihigaan, kanina pa ako gising at hindi pa din ako tumatayo. Masyado akong napagod kakatrabaho sa palengke. May isa kasi si Inay na puwesto sa palenge at ako ang pinag-bantay kahapon. May lakad kasi sila ni Itay at ako muna ang pinamahala nila mag-isa.

Lagi naman si Inay ang nagbabantay pero bilang anak tumutulong ako sa kaniya.

Dahil ako lang mag-isa kahapon ito ako ngayon iniinda ang sakit ng katawan. Dumami ang mga mamimili kahapon kaya masyado akong nataranta dahil hindi pa naman ako sanay na ako lang.

Hindi ko totoong mga magulang ang nag-aaruga sa akin ngayon, sila lang ang nag-alaga noong pitong taong gulang pa lang ako. Nakita daw nila akong walang malay sa dalampasigan at simula noon inalagaan na nila ako. May isa silang anak na si Karen, naging mabuti naman siya sa akin pero habang tumatagal parang mas lalong lumalayo at umiiwas siya sa akin.

Hindi ganoon kabuti ang pagtrato nila sa akin, minsan hindi maiiwasan na mapag-salitaan ng masama o di kaya mapagbuhatan ng kamay, pero ayos lang ako naman din ang may kasalanan kung bakit nag-udyok silang saktan ako. Pero si Itay lang ata ang maayos sa pamilyang tinutuluyan ko.

Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil na rin kay Karen, mas tinuon nila ang pansin sa aking kapatid, wala namang problema doon dahil para naman iyon sa ikabubuti niya.

"Aba Trining may balak ka bang bumangon dyan o kukuha ako ng malamig na tubig pambuhos sayo." Si Karen, ang kapatid ko. Ganyan siya lagi, mag-katabi kasi kami sa kama at ako ang nasa unahan kaya kailangan ko ng bumangon para makaalis na siya sa pwesto niya.

"A-ah, pasensiya na."

Nang nakabangon na ako ay sumunod na din siya. Hinintay ko muna itong umalis bago ko iniligpit ang pinag-higaan namin. Iniwan na kasi ni Karen ang higaan niya at ako lagi ang nag-tutupi ng pinag-gamitan niya ng kumot.

Nandito ako sa likod bahay namin pinaghanda ko ng almusal si Karen, si Inay kasi nasa palengke na habang si Itay naman nasa dagat pa para manguha ng isda na maibebenta. Mamaya pa dadating si Itay dahil madaling araw pa siya wala dito.

Pumunta akong banyo at kinatok si Karen doon. "Karen handa na ang almusal dumiretso ka na lamang doon pagkatapos mo."

"Hindi mo na kelangan sabihin dahil alam ko ang gagawin ko." Sigaw niya sa akin.

Pagkatapos kong tawagin si Karen eh naglinis na ako ng bahay, hindi naman ganoon kalakihan ang bahay namin dito sa baryo. Kubo lang ang aming tinitirhan, may mahabang upuan na nakalagay sa sala na gawa lang ni Itay. May telebisyon din kami at nakikihati pa sa signal. Meron ding dalawang kwarto para sa aming pamilya pero balat lang ng chichirya ang pantakip. Ako pa ang nag-recycle nun para maging maganda ang bahay namin.

Sobrang saya ko noon pagkatapos kong gawin ang munting panghabong sa pintuan namin noong sampung taon gulang ako, pero hindi man nila ako binigyang pansin. Pero ayos lang sa akin basta nakatulong lang ako sa kanila.

Nakita kong nagsisimula ng kumain si Karen sa kusina. Ako tapos na din maglinis. Inihanda ko na lang ang damit ko para sa pagpunta sa bayan kung saan nandoon ang palengke. Tutulungan ko si Inay na magtinda.

Pagkalabas ko ng banyo naabutan ko si Karen na naglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Nandito siya ngayon sa sala.

"Saan ka pupunta Karen at ganyan ang pananamit mo?" Naka-short kasi siya at naka red tube. Masyado pang maaga para pumunta siya sa bayan para mag-lumaliw.

"Nanay ba kita para magpaalam?" Mataray na sagot sa akin. Naglalagay na siya ngayon ng face powder sa mukha niya. Lahat ng luho niya sa katawan nabibigay sa kanya ni Inay.

"Hindi naman sa ganoon, di ba may pasok ka ngayon dapat uniporme ang suot mo." Huling taon niya na kasi ngayon sa koleheyo. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya kaya mas nauna akong makapagtapos.

"Kung may balak kang isumbong ako kay Inay pwes ihanda mo na yang gamit mong pantulog at sa sala kita papatulugin." Hindi ko naman siya sinusumbong kay Inay kung saan siya pumunta. Lahat ng maisip na gawin ni Karen pinagtatakpan ko lagi.

Pag ginagabi ng uwi si Karen kakatok lang siyang marahan sa bintana at pinagbubuksan ko ng dahan dahan ang pintuan para makapasok siya.

Hindi naman sa konsitidora ako, sadyang malaki lang ang utang na loob ko sa kanila, Kahit naman ganyan sila sa akin napamahal na sila sa akin bilang pamilya.

Hindi ko na lang siya pinansin at pinatuyo ko na lang ang buhok ko gamit ang tuwalya. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin, may malaki kasing kabinet dito sa kwarto kung saan kahing laki ng tao ang nakalagay doon na salamin.

"Aray." May maliit na pasa pala ako sa bandang kanan, hindi ko alam kung saan ko nakuha ito, pero baka sa sobrang daming mamimili kahapon hindi ko naramdaman na may mga nakakabunggo ako.

Matapos akong mag-ayos ng sarili na hindi naman talaga mukhang maayos kasi simpleng t-shirt at shorts lang ang suot ko ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto at tinignan kung nasa sala pa si Karen pero wala na ito doon, paniguradong umalis na ito.

At ngayon mahaba-haba na namang lakad ang lalakarin ko para makasakay sa jeep. Masyado kasing malayo ang sakayan dito. Nasa bandang dulo pa kami ng dalampasigan.

Bago ako magsimulang maglakad ngumiti ako ng todo at sinalubong ang sariwang hangin at ang mga pagaspas ng alon.

('��s?u_X

I'm His Private DancerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz