Chapter Sixteen

88.2K 1.1K 78
                                    

 jennaration: Miss A aabot ba ng 50 chapters ang I'm his private dancer?

  -- Actually hindi ko pa po alam. At goal kong hindi umabot para naman mabilis kong matapos at mangyari na ang mga gusto niyong mangyari. Hahahaha.

zhinelicious: Kung si Liam po, wala po ba siyang POV? Hehehe.

 -- Wala po. Hahaha. Mysterious po si Liam. At ayaw ni Shana :P

----------------------------------------------------------

Wala nang pakundangan. Wala nang patumpik-tumpik pa. Ni walang tulog ay inayusan nila ako pagtapos kong maligo nang oras na din na ito.

Hindi nila ako pinapatingin sa salamin kaya wala akong alam sa mukha ko ngayon. Si Emma ang nag-aayos nang aking mukha, si Diane naman sa aking buhok habang si Nina sa aking uniporme.

"Huwag mong kakalimutan ang mga sinabi namin sayo." Habilin ni Emma.

Tumango lang ako sa kadahilan na may ginagawa siya sa labi ko.

"Kung gusto mo talagang makita na sumaya si Sir gawin mo lang 'yon. Nabasa ko kasi sa isang magasin na effective daw 'yun." Ani Nina.

Maraming pinag-usapan ang tatlo nang hindi ko naman maintindihan. Bukod kasi sa nagkumpulan silang tatlo ay bulungan lang ang ginagawa nila. Nang mapagkasunduan ay ayun at sinabi na rin sa akin. Ang kailangan kong gawin at kung paano ko gawin.

"Ayan ok na!" Sabay palakpak pa ni Emma. "Light make-up lang ang ginawa ko sa mukha mo, maganda ka na, kailangan mo lang na maging kaakit-akit. Ngunit sa nakikita ko ngayon ay naging matured lang ang feature mo." Sabay halakhak.

"Ok na rin 'yang buhok mo, kinulot ko lang ang dulo nang buhok mo." Pinatayo naman ako ni Diane at hinarap sa salamin.

Kumot naman ang noo ko sa nakita ko. Ako ba 'to? Oo nga't light make-up lang ang nilagay ni Emma, ang kaso para bang buong mukha ko ay nagbago isama pa ang buhok kong kulot sa dulo.

"Sabihin mo nga sa amin ang totoo, Trixie." Singhal ni Nina. Tinitigan ko naman ito sa repleksyon ng salamin na kinatatayuan ko. "Mayaman ka 'no? Niloloko mo lang kami.. Tignan mo nga para kang prinsesa, 'yan lang ang ginawa nila sayo.. pero.. Para bang nagbago ang buong pagkatao mo sa simpleng ayos."

Ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya. Ilang beses ko na bang napaginipan na mukha akong prinsesa? Madalas akong ayusan at bihisan nang hindi ko makilalang babae, ang labo nang itsura niya sa paniginip ko. Para bang nangyari na sa akin at napapangiti na lang ako sa kawalan.

Huminga lang ako nang malalim nang nag-silabasan na iyong tatlo. Naka-bihis na rin ako. Iyon pa rin ang uniporme ko. Ang pang chambermaid.

Bumaling muna ako sa teddy bear na binigay ni Sir Liam, si Dopey at marahang hinapas.

"Kaya 'yan. Para kay Sir!" Masigla kong sabi rito.

Hindi na ako kumatok nang marating ko ang suite ni Sir. Tulad nga sa aming kasunduan ay may sarili akong susi para sa room niya.

Dumaretso kaagad ako sa kusina at naghalungkat sa kanyang ref. Marami pang stocks. Mga binili namin nang nag-grocery kami. Ilang linggo nga pa lang umalis si Sir kaya wala masyadong nagalaw.

"Oh, bakit ganyan kayo makatingin sa akin?" Nalilito kong tanong sa mga ito. Ang kaninang katabi kong si Diane ay nasa kama na ni Nina at Emma.

Kakakatapos lang nilang mag-usap nang tignan nila ako nang ganito. Sa mga mata nilang matatalim.

"Gusto mo di bang makitang nakangiti si Sir?" Mataray na sabi sa akin ni Emma.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon