Chapter Nineteen

75.9K 1.1K 60
                                    

Hindi ko maiwasan sa hindi maningkit nang usisain ko ang buong kadamitan ni Liam. Maayos ang pagkaka-hanay ng damit sa kanyang aparador. Hindi aakalaing damitan ito ng isang lalaki. Kung anong gulo ng kanyang higaan ay ganito ito kaayos. May mga katangian talaga tayo na hindi natin mapagkakaila. Mga bagay na mahirap paniwalaan.

Inisa-isa ko ang bawat damit na nakahanay. Ngayon ko lang gagawin na pumili ng susuotin ang isang lalaki. May mga bagay pa pala ako na hindi nagagawa sa buhay ko. Mga simpleng bagay na hindi ko aasahan na mangyayari.

"What are doing here, Trixie."

Napa-tayo ako ng tuwid sa boses na iyon. Kulang na lang ay ang malagutan ako ng hininga sa lapit nang kanyang bibig sa aking leeg. Hindi rin ako maka-galaw dahil ang kanyang dalawang kamay ay naroroon sa aking beywang.

Huminga ako ng malalim. "Pinaghahanda ko lang sana ang susuotin mo ngayong araw."

"Nagiging maasikaso ka na sa akin. Ganyan ba kalakas ang karisma ko sayo?"

 

"Oo... Hindi pala, kailangan ko lang talaga na gawin 'to, kasi..."

 

"Kasi, ano?"

Kainin na sana ako ng kinatatayuan ko ngayon. Kaya ko naman na sagutin nang hindi nag-aalinlangan kung ang aming mga katawan ay hindi ganito kalapit at kahigpit nang kanyang pagkakayakap. Ang nagpapahirap rin sa akin ngayon ay ang paghinga at paglunok, ang kanyanglabi ay nakadampi na sa aking leeg.

"K-kasi naging mabait ka sa akin, na kahit na anong sakit sa ulo ang dinulot ko sayo ay matiyaga ka pa rin na pag-pasensyahan ako. Kaya kahit na ganitong paraan man lang ay masuklian ko ang mga 'yon, kahit na ba napagkasunduan natin na huwag makialam sa personal na buhay ay hindi naman ibig sabihin na hindi kita pwedeng pagsilbihan."

 

"Isang pagsisilbi lang naman ang gusto ko  na gawin mo.."

 

"A-ano 'yon?"

 

Mariin ang pagkakapikit ko sa aking mga mata na mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. At ang labi niya na kanina lamang ay nakalapat sa aking leeg ay naglalakbay patungong batok. Dampi-dampi lang ang ginagawa niya at nagdudulot ito na kung anong boltahe ng kuryente sa aking buong katawan. Ang init.

"L-liam." Hindi ko maiwasan na hindi mapakapit nang mahigpit sa kanyang mga braso. 

"Hmm."

"Nakikiliti ako. At may tinatanong pa ako sayo, ano ba pagsisilbi ang gusto mo? Gagawin ko agad-agad."

"Kukunin ko rin sa takdang panahon."

Matinding pagtaas ng balahibo ang umatake sa mga oras na iyon. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay hindi ko na kakayanin na tumayo ng maayos, mabuti na lamang ay may mga braso siyang naka-alalay sa akin.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon