Chapter Twelve

116K 1.4K 178
                                    

Tahimik akong nag-aayos ng gamit ko, nang biglang bumukas ang pintuan sa room namin. Bumungad doon ang pawisang si Emma.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko rito.

Umiling-iling lang ito at pumunta sa assign cabinet niya. Kumuha ng isang bimpo at pinahid sa mukha. Nakatingin lang ako sa bawat galaw niya.

"Saan ka ba galing at ganyan ang itsura mo, Emma."

"May chikiting na ubod nang likot. Tumulong ako sa paghabol. Kawawa naman kasi ang Nanay niya kung siya lang mag-isa.” Kwento nito. “Kaya ayan, mukha na akong dugyot.”

Sumimangot ito at humarap sa malaking replika ng salamin. Pinahid pa ang iilang pawis sa kanyang mukha. Inalis ko na lamang ang titig sa kanya at sinimulang mag-ayos ng gamit.

“Maganda ka pa din naman kahit puno ka ng pawis.” Puna ko rito.

Narinig ko naman itong tumawa ng bahagya. “Huwag mo akong paasahin, Trixie. Alam kong day-off mo ngayon kaya umalis ka ng payapa at huwag mong guluhin ang utak ko sa sinabi mo.”

 

Sinarado ko ang back-pack na dadalhin ko bago ako tumingin sa kanya. Napanguso ako sa sinabi niya.

“Hindi ako nagbibiro, maganda ka talaga, Emma.”

Walang halong biro, maganda talaga si Emma. Hindi dahil sinasabi ng iba na, walang pinanganak na panget. Unang kita ko pa lamang ay nagandahan na ako sa kanya. Iba ang ganda niya kay Karen, ang kapatid ko.

“Lalaki ang ulo ko sa sinasabi mo, babae ka. Ang mabuti pa ay ihahatid na lang kita sa daong para naman mahimasmasan ka.”

 

“Hindi na kaya ko na naman.” Sagot ko rito. “Bumalik ka na doon baka hinahanap ka na.”

Ngayon kasi ang uwi ko sa amin. Sa San Martines, kina Nanay at Tatay. Heto ang una kong uwi galing trabaho at baka matagal pa bago muli itong masundan. Napag-usapan na namin ito ni Sir Liam, alam niyang uuwi ako kada day-off ko, at dahil sa kanya na ang buong oras ko ay siya na ang mag-de-desisyon kung kailan muli ako babalik sa San Martines.

Hindi na ako nakapag-ayos kagabi dahil hanggang gabi ay nasa suite lang ako ni Sir, kaya ngayon ay gahol ako sa oras mag-impake, kahit kakaonti lang ang bibitbitin ko. Ang sakit ng buong katawan ko. Oo nga’t chambermaid lang ako, pero hindi makatarungan ang pag-uutos niya sa akin. Pati pagbago ng kanyang suite ay sa akin pinagawa. Hindi man lang tumulong, lalo na sa mabibigat na gamit. Nang hindi niya nakayanan ang reklamo ko ay iniwan niya ako doon mag-isa.

“Ayan ka na naman sa pag-tanggi mo sa akin.” Humalikipkip ito at umupo sa kama. “Kung hindi ko lang alam na may nililihim ka.” Makahulugang sabi nito.

Bigla namang kumalabog ang sistema ko sa sinabi niya. Hindi ko din maiwasan na hindi mataranta at kabahan. Anong lihim ang alam niya? Alam niya na ba ang sikreto namin ni Sir Liam? Imposibleng ako ang nag-sabi sa kanya ‘nun dahil kapag sinabi ko sa iba ang usapan namin ay mawawalan na ako ng trabaho, sa kanya at maging sa Resort na ito. Imposible naman din kasing si Sir ang nagsabi.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon