Chapter Twenty-two

76.9K 1.3K 164
                                    

Warning…

Marahang paghaplos ang aking ginawa sa damit na nakasabit sa aking harapan. Sando ito na may kwelyo. Manipis ang telang ginamit na kulay orange. Muli kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid. Mga magagara at mamahaling damit sa akin ay pumapalibot.

“Gusto mo ba n’yan, hija?” Awtomatiko kong tinignan ang pinanggalingan ng boses na iyon. Si Tita Daisy, may mga babae itong naka-sunod sa kanya. Hawak ang mga damit na kanyang pinagpipipili.

“Po? Naku hindi po.”

“Miss, kukuhanin rin namin ang isang ‘to.” Saad nito sa isang babae na naka-alalay sa kanya.

Pipigilan ko na sana ang sinabi ng ginang, ang kaso ay kinuha na ng babae ang itinuro ni Tita Daisy. Matapos sa boutique na ito ay may muli kaming pinasukan na boutique. Boutique kung saan may iba’t ibang kamisadentro. Ang ibang mga pinamili ng ginang ay kukuhanin na lamang nang kanyang  secretary.

Ngayong araw ay napagpasyahan ni Mrs. Garcia na isama ako sa kanyang pagpasyal. Ang pasyal na sinasabi niya ay hindi ko alam na ganito pala kapagod. Nawiwili akong tumingin sa mga naka-display na damit, at sa aking ipinagtataka ay sa bawat titig ko sa mga damit ay pinapakuha rin niya.

“Tumingin-tingin ka lang, hija. Kung may natipuhan ka ay huwag kang mahiya na kuhanin.” Ani Tita Daisy.

Tumango lang ako dito at siya’y ngumiti. Tumalikod ito at iniwan ako sa isang corner nan gaming pinasukan. Ano nga ba ang bibilhin ko? Sakto naman sa isang linggo ang mga damit na dinala ko dito sa Maynila, at ilang araw na lang din naman ang itatagal naming dito.

“Why don’t you choose something that has more sex appeal?” Kinuha ni Tita Daisy ang hawak kong isang salungguhit.

“Pero po mas komportable ang aking pakiramdam kung ganyan ang mga sinusuot ko.”

“It would definitely make Liam happy. I’m sure it would look great on you.” Lumakad ito at pumunta sa kabilang section. “Try this. You’ll seduce him with these.” Ibinigay nito sa akin ang ibang klaseng pares ng kamisadentro.

“Hindi po ako nagsusuot ng ganito, Tita.” Ibinalik ko muli ang ibingay niya sa akin sa kinalalagyan nito kanina.

“I don’t take no for an answer, hija,” At muli nitong kinuha ang isang pares at ibinigay sa akin. “Panties with string. Hindi mahihirapan si Liam kung nag-kataon. Dapat ganito ang mga binibili mo hindi tulad nang kinuha mo kanina. Isa ka nang babae at hindi isang teenager.”

“Para po ba kay Liam ang isang ito? Paano pong hindi siya mahihirapan? Sa bagay mahirap naman po talaga kung pambabae ang ibibigay niyo sa kanya.”

“Ikaw talaga. Kahit kailan ay puro ka biro. Halika, ito din isang ito ay kuhanin mo.” Sa kabilang section naman ang ginang pumunta at muling iniabot ang hawak niya. “Lace panties. Ewan ko na lang kung hindi atakihin ang batang iyon kung ganitong see-through ang suotin mo.” Umiling-iling pa ito at tatawa-tawa.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon