Chapter Twenty-nine

62.3K 1.2K 90
                                    

Pinakatitigan ko lang ang babaeng nasa reflection ng salamin. She smiled with all her heart. She felt complete. Nahanap niya na ang sarili niya sa loob ng mahabang panahong pagkawalay sa taong magbubuo sa pagkukulang ng pagkatao niya.

Ngumiti muli ako sa reflection ko sa salamin at sinimulan ng lumabas. Agad akong dumeretso sa kusina. Nakita ko kaagad ang pinakamamahal ko.

"Good morning, 'My." I greeted my Mom then kissed her cheek.

"Bakit ngayon ka lang bumaba kanina pa kita hinihintay." Humalik din ito sa akin. "Kumain ka na d'yan." Aniya at binalik muli ang atensiyon niya sa ginagawa niya.

Umupo na ako sa tapat ni Mom at sinimulan ni Manang Flor ang platong gagamitin ko.

"Salamat po, Nay." Sabi ko rito bago muling bumalik ang tingin kay Mommy. "Where's Sean, Mom? Kagabi ko pa siya hindi napapansin." I was referring to my twin brother-Sean. Ang pagkakaalam ko ay isang linggo siya dito sa bahay dahil kakauwi ko lang galing US. Dito siya pinapa-stay nila Mommy, kahit may sariling condo ito.

"Nauna na sa hotel para tignan ang venue kasama ang Daddy mo."

Tumango-tango lang ako kahit hindi niya iyon nakikita. Nagde-decorate kasi siya ngayon ng cake.

"Ay!" Pasigaw na sabi ni Mommy at napahawak sa noo. "Dumaan ka muna sa Café Carioca bago ka pumunta sa hotel, daanan mo muna ang mga cupcakes doon." Ang Café Carioca ay ang shop ni Mom.

Tumawa lang ako sa reaction niya. "'Wag kayong mai-stress 'My, ako ng bahala doon. Dapat nga ngayon ay nasa hotel na kayo kasama ni Dad at nagpapahinga hindi itong tinataranta niyo ang sarili niyo."

"Dalaga na ang kapatid mo, hindi maaaring hindi mapaghandaan ito, isang beses lang maging disi-otso. Kung hindi lang nangyari ang trahedyang 'yon sana ay...."

"Mom! That's enough. Lalo ka lang mai-stress niyan eh."

Umiling-iling lang siya at bumalik na muli sa kanyang ginagawa.

Simula ng umuwi ako dito galing isla ay ganoon na lang lagi ang sinasabi ni Mommy na siya namang nagpapawala rin ng mood niya. Kaya kung maaari ay pinapatigil na namin siya nila Dad tuwing magsisimula na naman siyang alalahanin ang nakaraan. Tumagal ako ng kalahating taon sa Pilipinas bago ako pinadala sa US para na rin mag-unwind at matutunan ang ma bagay-bagay.

After how many years that I've been apart from them, hindi naging mahirap sa akin na makihalubilo sa kanila. Lalo na at may kapatid pa pala akong bunso na walang iba na si Sheena, ang batang tumulong sa akin ng mawalan ako ng malay noong nasa Maynila ako.

Nag-jive kaagad kami ni Sheena. Mas lalo siyang naging sweet sa akin nang malaman niyang ate niya ako. Doon ko rin nalaman na hindi pala sila ganoong ka-close ni Mommy, pinagbubuntis ni Mommy si Sheena noong nawala ako. Nawalan siya ng time sa kakahanap sa akin, kaya ngayong birthday ni Sheena at maayos na ang lahat, ganoon na lang ang pagiging busy ni Mommy sa birthday niya.

"Oo nga pala tumawag dito si Chad alam niyang nandito ka na, hinahanap ka at mukhang nami-miss ka na noon. I-text mo na lang na magkita kayo sa Café Carioca, paalala mo na rin na huwag niyang kakalimutan ang party mamaya."

"Ok. Si Sheena hindi pa ba gising? Ang mga gagamitin niya ayos na ba?"

Tumawa ng mahina si Mommy sa naging reaction ko. "Ini-stress mo rin ang sarili mo, anak. Huwag kang mag-alala ayos na ang lahat. Hayan mo muna ang isang iyon, mukhang puyat, gabing-gabi na umuwi 'yon kagabi."

"Bakit niyo naman pinapayagan na umuwi ng ganoong oras si Sheena paano kung mapahamak ang isang 'yon?"

"Kasama niya naman si Baste, hindi niya naman pababayaan ang kapatid mo."

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon