Chapter Fifteen

90.5K 1.1K 127
                                    


Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kakaibang pinakita sa akin noong isang araw. Nalulungkot ako para sa kanya. Kahit hindi ko alam ang dahilan. Para bang tagos itong makatingin sa malayo.

Kahit gaano kayaman, hindi mo mabibili ang magpapasaya sayo. Masasabi ko sa sarili ko na kahit mahirap kami ay masaya ako. May mga kaibigan na nand'yan sa tabi ko tuwing kailangan ko, kapit-bahay na nag-aalala, at pamilya na tumulong sa akin. Oo nga't hindi ganoon ang kapalagayang loob kay Inay at Karen, pero sa loob-loob n'yan ay nag-aalala ang mga iyan, lalo na si Inay.

"Ah, T-trixie?" Sambit sa mahinang bulong.

Dumapa naman ako at inaninag kung sinuman ang nagsalita. May kokonting liwanag kasi na nagbibigay liwanag sa aming kwarto galing labas.

"G-gising ka pa ba?" Tanong niyang muli.

Si Emma. Si Emma ang nagsalita nang makasalubong ko ang kanyang tingin.

"Oo, bakit?"

"Nagugutom ako, samahan mo na muna ako, o." Aniya.

"Anong oras na ba?"

Kita ko naman itong kinuha ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan. Mayroon na rin akong mga number ng roommates ko, nagpaalam ako kay Sir Liam, noong una ay hindi niya ako pinayagan pero nang binigay ko naman ito sa kanya para isauli ay pumayag rin. Hindi naman pala ito ganoon kahirap pakiusapan.

"Alas dos na." Mahina nitong sabi.

Bulungan lang ginagawa namin. Tulad nga ng sinabi ni Emma alas dos na, tulog na ang dalawa sina Diane at Nina.

"Saan naman tayo kukuha ng pagkain n'yan? Wala na tayong stocks." Sabi ko rito.

"Maghahanap tayo sa pantry ng cafeteria."

"Hindi ba masama iyon? At saka bukas pa ang cafeteria?"

Bumaba naman ito sa kanyang kama. Sumunod na rin ako at kumuha ng jacket. Naka-pajama lang ako at maluwang na damit. Habang si Emma ay naka-pang-short at sando.

"Hindi. Sa atin naman ang lahat nang nasa loob n'un. Walang masama kung kumuha tayo. Mabait ang head chef natin at amo. Ayos lang sa kanila ang ganoon. Hindi ba nasabi sayo ni Ma'am Mae?"

Umiling-iling naman ako ka-agad rito. "Hindi ata? O hindi ko lang maalala?" Napakamot naman ako ng ulo.

Nang in-orient kasi ako rito si Ma'am Mae ang kasama ko. Ang manager ng Resort na ito. Ang totoo n'yan hindi ko talaga maalala, sa tagal na n'un at halo-halo ang nararamdaman ko nang mga oras na in-orient ako.

"Iba ka talaga, Trixie. Ganito na lang kung may mga tanong ka na hindi mo alam ang kasagutan, sa akin ka magtanong, walang bayad tutal naman magkaibigan tayo. Kahit na anong bagay, mapa-pamilya, trabaho o pag-ibig mo kaya kitang tulungan. Ang hindi ko lang matutulong sayo ay pera." Bahagya naman itong napatawa sa kanyang huling sinabi.

Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Wala pa naman akong dahilan para magtanong sa kanya. Nauna na itong maglakad, sa likod kami ng cafeteria dumaan. Nakakapangilabot ang hangin na aking nakakasalubong kahit na mayroon akong jacket na naka-suporta sa akin.

"Ano pa bang gusto mong dalhin bago tayo bumalik sa kwarto natin?" Ani Emma. Tumitingin-tingin pa ito sa mga cabinet.

"Wala na. Hindi naman ako gutom, ayos na siguro 'yan. Ikaw ba ayos na ba yang mga kinuha mo? Baka maimpatso ka n'yan ah." Natatawang sabi ko.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon