Chapter Ten

139K 1.5K 104
                                    

"Nabalitaan ko na kasama mo raw si Sir Liam kanina."

Tumingin naman ako sa reflection nang salamin. Nakangising Nina ang bumungad sa akin. Naririto kasi ako sa tapat nang salamin at nagsusuklay.

"Magkasama nga iyang si Trixie at Sir Liam. Sayang at wala kayo, eksena ang pag-babatuhan ng mga salita ni Ivan at Sir Liam para lang dyan kay Trixie." Sabat na sabi ni Emma.

Nasa higaan na kasi silang tatlo habang ako ay nag-aayos pa nang aking sarili.

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Nina. "Trixie iba ka talaga."

"Ikaw Emma kung anu-ano na naman ang pinagsasabi mo dyan kay Nina baka maniwala yan. At ikaw naman Nina, huwag kang OA."

Umakyat na ako sa kama ko. Gabi na din at pagod na pagod ako ngayong araw. Naglakad nga kasi kami ni Sir Liam nang pagkahaba-haba papunta sa cottage niya. E, may sasakyan naman pala ito na nakatago sa likod nang cottage, bakit hindi iyon a g ginamit namin papunta. Pero ayos na din at nabalakan niya na iyon ang gamitin namin pabalik nang hotel.

"Masyado kang defensive, Trixie. Iyon lang naman ang tinatanong sayo, at hindi yung pag-alis niyo." Panunudyo ni Diane sa akin, isa din sa ka-roommate ko.

Namula naman ako nang naalala ko iyon. Alaalang pumayag ako kanina. Buti na lang talaga at nagbibiro lang siya. Magsisimula ako bilang private dancer niya pag binigay niya na ang contract, kaya kung maaari hindi ako magpapakita sa kanya.

"Wala naman akong nais na iparating sa sinabi ko. Bahala na nga kaya dyan at matutulog na ako." Natatawang sabi ko.

Ang mahirap sa kanila ay yung hindi naniniwala sa sinasabi ko, lagi nila akong tinutudyok. Hindi naman ako naa-asar o anu man sadyang ang lakas lang talaga nila mang-asar sa akin.

"Magkwento ka naman, Trixie." Sabay bato sa akin nang unan ni Emma.

"Aray ko naman, ano naman ang ike-kwento ko sa iyo? Sa inyo?"

"Kahit anu, ikaw ang bahala o di kaya kung anong nangyari sa inyo ni Sir kaninang umalis kayo."

Pabatong hinagis ko din ang unan sa kanya. Tumawa naman ito. Sira talaga

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now