Chapter Thirty Two

46.4K 867 60
                                    


Nauuna akong maglakad sa amin ni Liam. Patingin-tingin sa paligid sa loob ng Glorietta.

Sa tuwing papantay siya ay binibilisan ko ang aking paglalakad, kung di naman ay binabagalan ko. May pagkakataon ding inaabot niya ang kamay ko kaya naman iniwawaksi ko ito at sinasamaan siya ng tingin.

Hindi naman sa naiinis ako sa presensya niya, naiinis lang ako sa pinagsasabi niya kaya naman naisipan ko na lang mag-mall para magpalamig ng ulo. Kaya nga lang ito nga palang si Liam ay hindi alam ng salitang 'gusto kong mapag-isa.'

"Huwag mo masyadong bilisan ang paglalakad baka mawala ka."

"Tigilan mo ang pag-be-baby sa akin, Liam."

"Masyado kang feeling, pinapaalalahanan lang kita." Kumibit-balikat siya at kinuha na ang aking kamay at nagpatuloy na sa pag-lakad.

Loko-loko talaga kahit kailan. Ako pa? Ako pa ang feeling ah.

"Liam ang kamay ko."

Tumingin siya sa akin at sa magkahawak naming kamay.

"Ah, oo nga. Sorry." At mabilis na inalis ang kamay niya.

"Nagugutom ako, gusto ko mag-Mcdo."

"Seriously, Shana? Sa isang fast food? I can take you in a restaurant, not in a fucking fast food.''

"Ikaw kumain sa gusto mong restaurant basta ako sa fucking fast food." Nauna na akong maglakad at nang mapagtanto kong hindi ko nga pala alam ang lugar na to ay binalikan ko siya ng tingin. "Saan ang way ko para makapunta sa Mcdo?"

"Hindi ko rin alam, alam mo namang hindi ko gawain mag-mall."

Humakbang akong pabalik para sabunutan siya. "Ang lakas mong pagsabihan akong baka mawala ako, e isa ka rin naman pa lang walang alam sa lugar na 'to."
Tumawa ito at kinuha ang kamay kong nakasabunot sa kanya. "Kaya nga gusto ko sa tabi lang kita, kung mawala man tayo sa mall na 'to, magkasama pa rin tayo." At saka hinalikan ang likod ng palad ko. "Huwag ka ng magalit, mas lalo kang gumaganda sa paningin ko."

"At habang tumatagal, nabubuset na ako sayo." Sinamaan ko siya ng tingin at umirap. "Tara na nga, kung anu-ano pa ang sinasabi mo."

"Alright."

Nang mahanap namin kung saan ang kinalalagyan ng McDonalds ay doon kami sa taas pumuwesto. Pinili niya ang sa dalawahang upuan.

"What do you want to eat?" I asked him. He look like an idiot when he examined the whole area. Pero bakit nga pala ako magtataka, tanga nga pala ang lalaking ito.

"Bakit walang waiter na lumalapit sa atin para kumuha ng order? And why the people carry their own food instead the waiter?"

"Fast food kasi ito, sa counter ka na o-order at doon mo na rin aantayin na ibigay sayo ang in-order mo."Mahinahon kong paliwanag ko sa kanya. "So, anong order mo at makakain na tayo?"

"Are you sure that this place was safe?"

Bumuntong hininga ako at pinameywangan siya. "Alam mo Liam, hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo rito, you are free to go whenever you want to eat. Basta ako kakain ako dito at walang makakapigil sa akin."

Kunot-noo niya akong pinagmasdan, mula ulo hanggang ewan ko na kung saan. "Hot." Ang tanging sinabi niya ng bumalik ang tingin sa akin.

"H'wag kang aalis d'yan o-order ako ng pagkain natin, mawawalan pa tayo ng pwesto." Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin sinabi niya at bumaba na para um-order.

I ordered Big Mac, McDouble Deluxe, hot fudges, Mcfloats and chicken Mcdo for us. Hindi naman talaga ako ganoon kagutom, nangangati lang talaga ang dila ko sa burger nila.

I'm His Private DancerWhere stories live. Discover now