Chapter Three

128K 1.6K 53
                                    

Tulad ng sinabi ni Itay pumunta nga siya sa kabilang isla at sinabing may anak daw siyang gustong pumasok doon. At ako yun.

At ngayong araw na ito ang punta ko sa kabilang isla bilang isang chamber maid. Iyon daw ang bakante na pu-pwede sa akin, wala namang problema sa akin 'yon. Basta ba'y makatulong kina Inay.

Isang linggo na din ang nakalipas, ginamit ko na din ang perang naipon ko para makakuha ng mga requirements. Ang sarap din sa pakiramdam nang samahan ako ni Itay sa bayan para kumuha ng NBI clearance at barangay cleance.

"Pagtapos mong kumain ay mag-ayos ka na. Maya-maya din ay aalis na tayo." Tumayo si Itay bago ito lumabas ng tuluyan.

"Sa wakas nama'y mag-isa na lang ako sa bahay. Walang kahati sa atensiyon ng tunay kong Tatay." Komento ni Karen sa tabi ko.

Wala na kasi si Inay at nauna sa palengke para magtrabaho. Hindi na tuloy ako makakapag-paalam sa kanya.

"Wala naman akong inaagaw sayo, Karen."

"Meron. Hindi mo lang nahahalata dahil nga ang hina ng kokote mo." Pahampas niyang pinalo ang mesa bago ito tuluyang tumayo at tumungo sa aming kwarto.

Napailing na lang ako sa inasta ng kapatid ko. Ang laki na nang pinagbago simula ng tumuntong sa kolehiyo.

Inalis ko na lang ang sinabi niya sa isipan ko at saka naligo at nag-ayos ng sarili. Binili din pala ako ni Itay ng isang simpleng damit. Kulay asul at abot tuhod ang haba nito.

Nagsuklay lang ako ng buhok at pinusod para mag-mukha namang akong maayos. Nang-makasigurado na akong ayos na ang lahat, lumabas na ako ng kwarto at naabutan doon si Karen sa sala na naglilinis ng kanyang kuko.

"Karen, mauna na ako. Dadalaw na lang ako tuwing pwede ako."

Mabilisang tingin lang ang binigay niya sa akin bago ito bumalik sa kanyang ginagawa.

"Okay." Tanging sagot niya.

"Pakisabi na din kay Inay na mag-iingat siya. Pati na ikaw na din."

"Oo na marami pang sinasabi hindi na lang umalis."

Tumango na lang ako at umalis na sa bahay. Wala rin namang mangyayari kung magtatagal ako doon at hindi ako papansinin ni Karen. Sanay na naman ako.

Tinignan ko na muna ang buong kabuuan ng bahay. Ilang taon din ako dito sa bahay na ito kaya ang hirap umalis. Natutuwa naman ako sa sarili ko, ilang isla lang naman ang layo ko dito ay kung makapag-emote naman ako ay akala mo hindi na babalik.

"Ayos ka na ba?" Tanong sa akin ni Itay nang makita akong papalapit sa kanya.

"Opo. Ayos lang po ba na ganito ang suot ko? Hindi po ba nakakahiya?" Binaba ko pa nang bahagya ang suot kong saya ngayon. Hindi talaga ako komportable sa ganitong suot.

"Ayos lang naman, anak. Huwag ka nang mahiya. Baka mamaya niyan ay hindi lang iyan ang susuotin mo pagdating mo sa Resort." Kinuha naman ni Itay ang mga gamit ko at isinakay sa bangka.

Tatlong araw na kasi ang nakakalipas o Biyernes ay nainterview na ako sa El Paraiso Resort. Grabe unang tungtong ko pa lang doon ay ang sarap sa pakiramdam. Minsan lang ako makatapak sa ganoong Resort o tamang sabihin 'yun lang ang araw na nakapunta ako doon.

"Oh, ingat. Ingat." Inalalayan ako ni Itay na sumampa sa bangka.

"Salamat po."

"Ready ka na anak?" Tanong sa akin ni Itay pag-kaupo namin. 

"Opo, pero kinakabahan po ako Itay."

"Sa una lang iyan. Tsaka anak, masasanay ka din. Marami kang magiging kaibigan doon kaya wala kang dapat ipag-alala."

"Sana nga po."

Pina-andar na ng kasamahan ni Itay ang bangka. Apat kaming naririto, si Itay, ang dalawa niya pang kasamahan at ako.

Buong byahe ay nakatingin lang ako sa tubig. Ang ganda kasi ng pag-alon nito pag-dumadaan ang bangka namin. Kitang-kita din ang mga isdang nagkukumpulan.

Naaninag ko na naman ang buong Resort, hindi pa din ako makapaniwala na makakapasok na talaga ako ngayong araw. Konting minuto na lang mararating ko na iyon

Tulad ng inaasahan ko ang ganda talaga ng paligid, pinong pino ang mga buhangin, ang tatayog ng mga puno at sariwang hangin pa din ang bubungad sayo.

Napangiti na naman ako. Para na akong baliw dito sa sobrang kasiyahan.

"Mag-ingat ka dyan, anak. Huwag mo kaming kakalimutang bisitahin pag libre ang araw mo." Sabi ni Itay. Tinulungan niya pa akong ibaba ang mga gamit ko.

"Opo, huwag kayong mag-alala kaya ko na po ang sarili ko. Kayo din po mag-ingat."

"Sige. Mauna na kami at dadaong pa."

Iniwan na din ako ni Itay. Ako na lang ang naglalakad na mag-isa dito sa resort. Napag-aralan ko na din ang pasikot-sikot sa Resort noong in-interview ako.

Dumiretso ako sa likod ng resort kung saan naabutan ko ang ibang mga crew. Naka-uniform sila ng color green at may naka-sulat sa kaliwang bahagi ng damit nila ang El Paraiso Resort.

"Excuse me? Pwede pong magtanong?" Tanong ko doon sa babae na may katangkaran, morena at payat.

Siya na lang ang nilapitan ko kesa sa mga grupo na malapit sa kanya. Mukha din naman itong mabait kaya nilapitan ko na.

"Yes Ma'am, ano po yun?" Masiglang sabi niya sa akin.

"Tanong ko lang po saan dito ang room for the chambermaid?"

"Bakit?"

"Bagong tanggap lang po ako dito bilang chambermaid."

"You must be Trixie.. Trixie Rodriguez?" Tanong niya sa akin, tumango lang ako. "Ohh... Hello! I'm Emma, isa din sa mga chambermaid." Nilahad niya naman ang kamay niya sa akin.

Inabot ko yun nang may halong pagtatanong sa kanya. "Pero bakit hindi ka naka-uniform pang maid? At paano mo ako nakilala?"

"Ah eto ba?.." Tinaas niya ang laylayan ng suot niya. "Hindi ko pa kasi time mamaya pa akong ala una ng hapon, kaya nakikihalubilo ako sa ibang mga crew dito. At bakit kamo kita kakilala? Iisa lang kasi ang ating room. Bali apat tayo sa isang room, ang dalawa ay nag-lilinis, siguro mamaya makikita mo na iyon. So ano tara na?" Lahad niya sa akin papuntang room namin.

"Wow!" Bungad ko nang makarating kami sa aming room. Sobrang ganda ng kwarto namin. Hindi mo aakalain na pang maid lang 'to. 

May dalawang double deck na kama isa sa kaliwa isa sa kanan. May banyo na din. May dalawang malalaking kabinet. At may isang malaking salamin

"Ang ganda 'nu? Ganyang ganyan din ang reaction ko noon." Si Emma. Nasa kama siya at nakaupo.

"Oo nga eh. Excited na tuloy akong makita ang iba pang mga room sa Resort." Masayang sabi ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko, nilagay ito sa cabinet. Tinulungan naman ako ni Emma na mag'ayos.

"Saan mo balak mag-punta ngayon pagkatapos natin dito?" Tanong niya habang nilalagay ang iilan ko na lang na damit sa cabinet.

"Pupunta sana ako sa manager at magtatanong kung saan ang assign ko."

"Samahan na kita, para na din makilala mo ang mga kaibigan ko dito, siguradong masisiyahan ang mga iyon." 

"Salamat." Nahihiya pa ako sa kinikilos niya lalo na ngayon at tinutulungan niya ako.

Eto na talaga ang simula ng trabaho ko, kaya ko mo 'to, Trixie!

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon