Chapter Twenty

89.8K 1.3K 71
                                    

Samot-sari ng imahe ang pumapasok ngayon sa isip ko mula ng nasa himpapawid na kami. Mga imaheng nagkakagulo, umiiyak, sumisigaw at nagkakasakitan. Mahigpit ang pagkakayakap ko ngayon sa dala kong bag. Isinubsob ko rin ang aking mukha sa bag na hawak ko, pilit na pumipikit at bumuntong hininga.

Iniangat ng marahan ang aking ulo at tinignan si Liam na ngayon ay nakatingin sa akin na may pagtatanong sa mga mata. Ang braso niya na nakapatong sa aking balikat.

"Are you alright?" 

"Yeah. Na-miss ko bigla ang pamilya ko."

Magkahalong katotohan at kasinungalingan ang sinabi ko sa kanya. Katotohanan na na-mi-miss ko talaga ang pamilya ko. Ngayon ko lang muli naramdaman iyon. Naging okupado ang pag-iisip ko nang makasama ko Liam ng ilang buwan, at ilang buwan na rin akong hindi nakakadalaw sa bahay.

"Aalis tayo para mag-enjoy, Trix, pag-uwi natin sa Puerto Galera ay papayagan na kita na dumalaw sa pamilya mo."

"Salamat." Marahan akong tumango at pinikit muli ang aking mga mata.

"Hey, Trix, huwag mo na munang isipin ang mga naiwan mo sa isla. Isang linggo lang tayo doon. Kung ano ang isinaya mo kanina ay ganito ka naman kalungkot ngayon." Narinig ko naman itong bumuntong hininga at hinigpitan ang pagkakahawak nito sa aking braso.

"Inaantok lang talaga ako kaya ganito."

Sumusobra na ang kasinungalingan ko. Ilang minuto pa lang kaming nakaka-alis sa isla ay nagsisinungaling na akon. Hindi ko lang masabi sa kanya kung ano ba ang nasa isip ko ngayon, ayaw ko itong mag-alala sa akin lalo na't hindi ko naman alam kung sino-sino ang mga mga imaheng napasok sa isip ko.

"Ok, first rest a while. Gigisingin na lang kita pagnaroon na tayo." Kinuh nito ang aking ulo at dinala sa kanyang dibdib. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

Hindi na ito nagsalita, sinusuklay lang nito ang kanyang kamay sa aking buhok at nanatili naman akong nakapikit. Unti-unti na rin nawawala ang mga magugulong tao sa aking isip.  Ang gaan sa pakiramdam na nakayakap ako sa bisig niya.

Hinila na ako ng antok. Nagising na lang ako ng may maradaman akong pinipisil ang aking braso.

“We’re here, Trix.” Medyo may pagkalakas ang boses nito na sabi.

Pupungas-pungas ko na minasid ang paligid. May liwanag pa rin na nanggagaling mula sa kalangitan. Marahan na pagpisil muli sa aking balikat ang gumising sa buong sistema ko. Uminit agad ang aking pisngi nang mapagtanto ko na nakahilig pa pala ako sa kanyang dibdib.

Umusog ako sa aking kinauupuan at umiwas ng tingin rito. Narinig ko naman ang marahang paghalakhak nito kaya naman sinamaasn ko ito ng tingin.

“Anong oras na?” Pagkaraan na tanong ko rito.

Tumingin naman ito sa kanyang suot na relos. “Alas-singko na.” At bumaba na ito mula sa aming sinakyan.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon