Chapter Five

119K 1.5K 94
                                    

Buti na lang naka-alis ako sa kamay ng mamamatay tao na yun. Akala niya siguro madadaan niya ako sa pagdila sa leeg ko. Buti na lang pala mahaba ang dila niya, kung hindi, hindi ko mapipisit yun.

Pinang-gigilan ko talaga siya ng bonggang bongga. Akala ko pa naman expert 'yun na pumatay ang, ang hina naman pala. Natalo ko lang siya dahil lang sa dalawa kong daliri. Walang wala pala ang dila niya sa pagpatay sa akin eh.

Tumakbo agad ako 'nun at karag-karag ang trolley na hawak ko. Kahit na magkandahulog ang mga gamit na dala ko ayos lang basta masabi ko lang kay Ma'am Mae ang ginawang karumaldumal na krimen ang ginawa ng lalaking 'yun. Kawawa naman yung babae kanina. Akala ko pa naman asawa niya 'yun pala papatayin lang. 

Pero laking bagsak ng balikat ko nang ipaalam kay Ma'am Mae kung anong ginawa ng lalaking 'yun dun sa babae at sa akin. Ang tanga ko naman kasi eh, dapat pinilit ko siyang sabihin sa akin ang pangalan niya at nagpakilala siya kung ano ba talaga siya. Ayan tuloy ang laki ng hiya na inabot ko, hindi ko naman alam na anak pala siya ng may-ari nito. 

Hindi pa nga ako naniwala nung una pero nung pinakita sa akin yung magazine kung saan nandoon ang cover niya at interview sa kanya hindi ko pa malalaman. Hindi ko naman alam, mukha talaga siyang mamamatay tao sa itsura niyang 'yun. gulo-gulo ang buhok at nanlilisik ang mga mata. Ewan ko lang kung sa akin lang nanlilisik ang mga 'yun.

Pinagtawan pa ako ni Emma dahil doon, ganoon din ang iba kong mga kasama sa trabaho at sa kwarto. Sakto kasi na nakita ko si Ma'am Mae ay hinila niya ako sa isang cottage. Pagdating ko doon lahat nang empleyado-- ay hindi pala kalahati lang ng empleyado ang nandoon, may welcome party daw ako. Ang dami ko nang nakilala. Kakatuwa silang kasama.

Pero mas lalo silang tumawa nung sinabi ni Emma sa lahat yung ginawa ko. Sabi ko wag ipagsasabi ang sinabi ko sa kanya pero pinagkalat pa. Tinutukso pa ako nang iba. Kabago-bago ko kapalpakan na agad ang ginawa ko. Kailangan  kong umiwas kay Sir Liam Garcia o di kaya palalabasin ko na lang na walang nangyari.

Oo tama ganoon na lang kesa naman matanggal ako sa trabahong 'to, sayang ang nilakad namin ni Itay. Tsaka unang araw ko pa lang dito matatanggal na agad ako. Hindi ako papayag. Dadaan muna siya sa mga daliri ko!! Daliri ko hindi niya kinaya kamay pa kaya!! Kahit boss siya wala siyang karapatan para ganunin ang walang kamuwang muwang na babae.

Anong oras na din natapos ang kasiyahan. Yung ibang mga kasama namin doon ay bumalik na sa kanilang trabaho may iba naman na nadagdagan. Kasama ko na ngayon ang tatlo kong ka-roommates. Tanong sila nang tanong sa akin. Nahihiya naman akong hindi sagutin kaya paulit-ulit din ang sagot ko sa kanila.

"Pero Trixie anong pakiramdam nung pinapatay ka ni Sir, pinapatay sa sarap." Tumawa na naman silang tatlo mga loko-loko talaga. Si Emma yung nagtanong sa akin. Siya ang pasimuno.

"Ang kulit niyo naman, sabi nang kinakabahan ako. Ikaw kaya ang nasa bingit na ng kamatayan ano pa bang mararamdaman mo di ba. Kung hindi lang talaga dahil sa daliri ko naku baka mamaya maabutan niyo na lang akong patay 'dun." Mahaba kong paliwanag. Actually, kanina ko pa yan sinasabi sa kanila ewan ko ba kung bakit gustong gusto nilang ulit-ulitin ko ang sagot ko.

"Epic ka talaga Trixie!!" Tawa na naman sila. Urgh! Si Diane naman ang nagsalita ngayon.

"Hanggang ngayon ba hindi mo pa din na-ge-gets kung bakit paulit-ulit kami?" Tanong ni Nina sa akin. Umiling lang ako hindi ko naman talaga alam, kung alam ko ba kanina ko pa sila pinatahimik. "Hindi naman talaga papatay si Sir, hobby niya lang na may kasamang iba't ibang babae sa room niya. Kaya kung maabutan mo man ulit yung ganoong posisyon wag ka nang manghahampas ng feather duster at nangungurot gamit ang daliri mo."

"Pero papatayin niya talaga yung babae, narinig ko kasing nahihirapang huminga eh." Tumawa na naman sila. May nakakatawa ba sa sinasabi ko?

"Ganoon talaga 'yun. Tip ko lang sayo dear, pag nakarinig ka ulit na ganoong kinakapos na hinga hayaan mo na lang lalong lalo na paggaling sa room ni Sir Liam." Si Emma.

Tumango-tango na lang ako. Hindi ko naman talaga maintindihan ang sinasabi nila. Basta para sa akin kung ano ang tama yun ang gagawin ko. Iyon din naman ang turo sa akin ni Itay kahit na nababali ko ang turo niya dahil kay Karen.

Nandito na pala kami sa aming room nang hindi namamalayan. Nagkanya-kanya na din kaming linis ng katawan at palit ng damit. Ang lamig ng tubig ngayon ang sarap magbabad kaso may naghihintay pa sa akin kaya binilisan ko na.

Nakahiga na kami ngayon sa kanya kanyang kama. Nasa itaas ako ng double deck. Ang kahati ko ay si Nina. Sa tapat ko naman si Emma. Hindi pa din mawala ang mga ngisi nila sa labi. Urgh.

"Naku magdasal ka na ngayon palang, Trixie." Babala sa akin ni Emma nakadapa ito.

"Huh? Bakit?" Naguguluhang tanong ko kay Emma. Umayos pa ako ng higa para makita ko siya. Nagbabasa siya ngayon ng libro.

"Kasi panigurado patay ka kay Sir Liam." Tumawa na naman silang tatlo.

Ako patay? Handa na ako. Akala niya ah. Ako pa papatyin niya. Pwes hindi ako uurong. Lalaban ako hanggang kamatayan. Magkakamatayan muna kami bago ako makaalis dito.

At oras na malaman ko kung anong pinagtatawanan ng mga kaibigan ko, naku humanda talaga sa aking Sir Liam na yan kasalanan niya kung bakit ako nahihiya ngayon.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon