Chapter Six

118K 1.6K 119
                                    

Ang sarap ng tulog ko lalo na't may aircon. Kung araw-araw ba naman na ganito ang ipaparamdam sa akin baka hindi na ako umuwi sa bahay namin.

Nag-unat na ako. Tulog pa din si Emma, ang dalawa kong kasama ay wala na sabagay maaga ang time nila ngayon. Kung sana hindi sila nangulit kagabi sana ay may-energy sila ngayon. Mamaya pa ang time naming dalawa ni Emma

Naglinis na ako ng katawan at ngabihis na din. Sinuot ko muna ang green uniform ko, eto yung sinusuot kung iikot ka lang ng Resort para din malaman na ikaw isa sa mga crew. Mamaya ko pa naman susuotin ang totoo kong uniform. May 3 pairs kami ng maid uniform, isang black and white, isang blue and white, at isang red and white.

Umalis muna ako ng room namin at magpapahangin sa labas. Maaga pa naman kaya sakto pa ako sa oras para sa mga mag-uumagahan. Alam ko na kung saan dito ang kainin o cafeteria naming mga staff. Si Emma kanina ko pa ginigising kaso ayaw magpa-awat sa pagtulog kaya nauna na ako.

Nang nakadating ako sa cafeteria ay binati nila lahat ako. Pumila na ako para makakuha ng pagkain. Pagkakuha ko naglakad na ako para makahanap ng mauupuan. May kumaway naman sa akin. Tinignan ko kung sino si Ivan pala. Kumaway din ako sa kanya.

"Dito ka na umupo Trixie." Aniya.

Naglakad ako papunta sa pwesto niya. Hindi lang pala siya ang naka-upo doon meron pang lima. Bali pang animan ang pwesto namin ngayon.

"Hi." Bati ko pagkatapat ko sa mesa nila.

"Hello." Bati naman nila sa akin.

"Uhm. Trixie dito ka na umupo oh." Sabi sa akin ni Ivan. Umusod siya ng konti para makaupo ako sa pwesto niya.

Umupo naman ako at nilapag na ang pagkaing hawak ko. "Salamat." Sabi ko.

"Bakit ikaw lang mag-isa asan si Emma?" Tanong sa akin ni Amy. Ang iba kasi sa kanila ay natandaan ko kagabi kaya hindi na mahirap sa akin na makilala sila.

"Natutulog pa eh, napagod ata kagabi." Sagot ko. Nagsimula na din akong kumain.

Ang iba sa kanila ay nangangalahati na ng kinakain. 

"Ganoon talaga siya. 'Yun ang sakit niya pahirapan gisingin." Dagdag niya pa bago sila tumawa lahat.

Halos ata lahat dito ay magkakakilala na at mag-kakaclose na. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanila.

"Sino nga pala ang nagrekomenda na dito ka magtrabaho. Nice choice." Tanong naman ni Ivan sa akin. Tinignan ko siya ganoon din ang mga kasama namin dito sa table.

"Si Itay. Taga kabilang Isla lang kami sa San Martinez kaya ipinasok ako ni Itay dito." Sagot ko sa kanila.

"Wow. Ang swerte mo kung ganoon. Mababaet ang mga tao dito." Masayang sabi ni Pia. Magkatabi lang sila ni Amy sa harap ko.

"Oo nga eh, pansin ko. Ang babaet nga ng tao dito. Tulad niyo mabait." Komento ko. Totoo naman kasi talagang mabaet sila.

"Wag mo kaming binobolang ganyan Trixie baka umulan dito." Birong sagot ni Amy. Tawanan naman ang iba sa sinabi niya.

"Huh? Bakit uulan?" Inosenteng tanong ko.

"Expression lang 'yun." Sagot ni Amy.

"Oh-kay." Sagot ko na lang kahit hindi ko maintindihan. Bakit naman uulan kung nagsabi lang ako na mabaet sa kanila. Ganoon ba talaga 'yun, uulan? Sige next time hindi na ako magsasabi ng mabaet sa kanila para iwas ulan kami.

"Kamusta naman ang pagtulog mo?" Bulong sa akin ni Ivan.

Ang iba naming kasamahan dito sa mesa ay may kanya-kanyng kwentuhan na.

"Ayos naman. malamig at masarap sa pakiramdaman, bakit mo nga pala natanong?"

"Wala lang curious lang ako. Maganda kung ganoon ang pakiramdam mo, sana ay tumagal ka dito."

"Sana nga. Isang gabi pa lang ako dito ay masaya na ako, paano pa kaya pag-tumagal na di ba?"

"Huwag kang mag-alala asset ang isang katulad mo kaya tatagal ka dito. Naririto lang din kami para tulungan ka kung kakailanganin mo ng tulong." Tumango-tango naman ako sa kanya.

Maging masaya naman ang pagku-kwentuhan namin sa mesa. Dumating na din si Emma na bagong ligo lang. Nakisabay na din sa amin. Pina-upo siya ni Reagan sa pwesto niya kanina. Nagsimula na naman sila sa pagtatawanan tungkol sa akin. Sinimulan na naman ni Emma, ano ba talagang problema kay Sir at bakit ganya sila makatawa.

Dumating na din ang hapon at sinimulan ko na ang pag-lilinis sa iba't ibang room. Buti na lang hindi ako sa floor kung saan nandoon ang room ni Sir suspect. Buti nga at hindi ko pa siya nakikita buong maghapon. Okay na din 'yun para iwas disgrasya. Ayoko talaga makita ang mukha niya, kahit ako nahihiya ako sa nangyari noon sa banyo niya.

Lumipas ang tatlong araw at ganoon pa din ang ginawa ko. Malapit na din akong umuwi sa San Martinez nakaka-miss matulog sa papag kesa sa cushion kahit na malambot pa 'to. At saka nakakamiss ang sariwang hangin pag-gising mo nang maaga kesa sa aircon, lagi na akong giniginaw pagdating ng hating gabi. pinagsisisihan ko na tuloy na dito na tumuluyan lagi.

Umaga na at kakagaling ko lang sa cafeteria para kumain. Sabay na kami lagi ni Emma kumain. Ganoon pa din ang arrangement namin sa table. Nadagdagan nga lang ng isa pang upuan para sa akin. Lumalabas ang pagiging makulit ni Ivan. Minsan siya na ang kumukuha sa akin ng pagkain ko. Pinagsasawalang bahala ko na lang tutal nagmamagandang loob lang naman di ba?

Pabalik na kami ng room nang biglang sumulpot si Nina sa kinatatayuan namin ni Emma.

"Oh Nina napadaan ka? Maaga pa ah." Tanong ni Emma sa kanya.

"Inutusan lang ako." Sagot niya.

"Oh inuutusan ka pala eh, bakit nandito ka?" Tanong ko.

"Ikaw talaga ang kailangan ko, Trixie. Ipinapatawag ka ni Sir Liam sa kwarto niya." Nakangiting sagot niya.

"Huh? Ako? Bakit daw?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko din. Basta pinapatawag ka ni Sir eh." Saka siya umalis.

Bakit naman kaya pinapatawag ako? Tsaka hindi pa naman ngayon ang time ko eh. dapat si Ma'am Mae lang ang pwedeng magpatawag sa akin kung may iiutos siya. Sa bagay anak nga pala siya ng may-ari ng Resort na 'to kaya bawal akong magreklamo. Kung magkataon na magrereklamo ako, hello San Matinez na ako.

"Emma sa tingin mo bakit ako pinapatawag ni Sir?" Tanong ko sa kanya.

"Baka eto na 'yung araw na papatayin ka niya Trixie. Kung ako sayo mag-ayos ka na ng sarili mo kung maaari maligo ka ulit at maglotion ng bonggang-bongga para ready ka kung papatayin ka niya." Sagot niya.

"Ganoon ba talaga 'yun? Papatayin na nga ako mag-aayos pa. Wag na 'nu ok na 'to. Kung papatayin niya naman ako dapat 'yung makikilala pa ako ng tao. Kaya Emma kung makita mo man ang bangkay ko kung saan please naman oh pakisabi sa magulang ko at kapatid ko mahal na mahal ko sila." Madrama kong sabi.

Pakiramdam ko kasi eto na ang huling araw ko na makakatungtong ako sa lupa. Sana naman sa langit ako mapunta kung papatayin niya lang ako.

"Wag kang mag-alala akong magsasabi sa kanila." Sabi niya sabay tawa na naman.

"Emma naman wag mo akong pagtawanan kinakabahan na nga ako dito eh, sa tingin mo ba kung papatayin niya ako? Saan ako mapupunta sa langit o sa impyerno?"

Tumawa na naman siya bago sumagot. "Ang dali ng sagot dyan sa tanong mo Trixie. Malamang sa langit." Sabi niya.

Sana nga sa langit ko mapunta! Lord, naging mabait naman ako di ba? Kaya sana sa langit niyo ako dalhin ah. Thank you Lord.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon