Chapter Fourteen

103K 1.3K 103
                                    

@mukzienaf: Bakit ang ganda ng author nito?

-- hahaha, magkano ba kailangan mo :D

@akojazz188 hi :) i hope po may POV ang parents ni Shana sa story niya :)

-- Hi din.. Soon ^_^

@AimeeJoyce Hi po! Ilang taon na po yung mga bida sa IHPD

-- Hahahaha!! Pagkaka-alala ko 22 si Trixie at si Liam naman ay 25.

-------------------------------------------------------------------

Hindi ko mapigilan na hindi yakapin at amuyin ang bear na hawak ko ngayon. Kahit walang partikular na amoy ito ay para bang naiwan ang amoy ni Sir sa pagkakahawak niya dito. Wala akong pagnanasa kay Sir, sa amoy lang. Ang bango, ang sarap singhutin. Nakakatakot nga lang dahil ano mang oras ay mawawala naamoy sa kakasinghot ko.

Nakakahiya naman na humingi kay Sir, at wala pa ito hanggang ngayon, sa susunod pang Linggo ang uwi nito. Tumawag kasi ito at sinabing nasa Manila siya. Hindi ko naman tinatanong at ayos na ayos sa akin na wala siya dito, tatahimik ang naguguluhan kong puso, na hanggang ngayon ay hindi ko pa din maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok tuwing may ginagawang siyang kakaiba sa akin.

"Kung hindi lang 'yan teddy bear, iisipin ko na pinagnanasaan mo 'yan."

Tumingin naman ako sa nagsalita, si Diane. Naka-alumbaba ito habang ngumunguya.

"Ang tanong sino ba ang iniisip mo?" May halong pag-taas at baba ng kilay na tanong ni Emma na nakatingin sa akin.

"H-ha?" Inosente kong tanong sa mga ito. "Ano ulit 'yun?" Napakamot na lang ako nang ulo. Lumilipad na naman ang isip ko.

"Wala. Huwag mo nang intindihin 'yon." Tatawa-tawang tinaas pa ni Nina ang kanyang kamay.

"Sige kain lang nang magkalaman ka naman. Ang pagiging sexy mo ay dinadaan mo sa payat." Sabay subo ng pani-bagong chichirya si Emma.

Gabi na at narito na kami sa aming room. Katabi ko ngayon si Nina habang nasa harapan ko naman sina Diane at Emma. Nasa ibaba kami nakapwesto ngayon. Kumain. Kwentuhan.

"Magsabi ka nga ng totoo, Trixie, ano ba talaga ang namamagitan sa inyong dalawa ni Sir?" Seryosong tanong sa akin ni Emma.

"Bakit may nangyari na naman ba?" Palipat-lipat ang tingin ni Diane sa amin ni Emma. Naka-yakap pa ito sa kanyang unan.

"Ano bang meron sa lugar kung saan ka naka-assign, huli sa chismis." Ani Emma.

"Tahimik ang kasama ko. Natutuyuan ako lagi ng laway 'dun. So, ano nga? Anong nangyari." Umirap pa ito.

"As usual, ganoon pa din." Umpisa ni Emma. "Kahapon lang marami na namang nakakita d'yan kay Trixie na hinihila ni Sir." Tuloy na kwento niya.

"Hindi nga?" Tumaas ang boses na tanong ni Diane. "Anong feeling na maraming beses ka na niyang nahawakan?"

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon