Chapter Twenty-one

86.9K 1.3K 67
                                    

Nakapag-isip-isip na po ako at itong luma pa rin ang gagamitin kong title. May mga dahilan po kasi kung bakit hindi pinapagawa ni Liam iyon kay Trixie. At may ending na rin po kasi akong naisip.

Salamat po sa lahat ng sumagot. Malaking tulong din po sa akin iyon kahit na masikit pala sa ulo. Haha.  My bad. Kug hindi lang ako nakinig nang MYX noon habang nagta-type ay hindi ko na sana naitanong iyon at iwas gulo. Lol. Thank you.Thank you po talaga.

Sa mga nag-comments, hindi ko na po kayo mapapangalanan sa dami ay maraming salamat po.

-------

Naiilang akong tumingin sa dalawang tao sa aking harapan. Mapanuri ang mga mata nito at naka-ngiting tumingin sa akin.

"Ma'am simulan na po natin." May bangs at may kaunting katangkaran ang nagsalita, si Miss Aira.

"Pwede po ba na ako na lang? Kaya ko na po ang sarili ko. Nakakahiya na po sa inyo." Aniko.

Umiling naman ang mga ito. "Hindi maaari, Ma'am, papagalitan po kami ni Sir Liam. At mukhang ngayon pa lang ay ihahanda na namin ang aming sarili sa kanyang sasabihin." Wika pa ng isa. Tama lang ang tangkad nito kumpara sa kasama niya. Maikli naman ang kanyang buhok, si Miss Janna.

"Hindi naman siguro mga Miss, mukhang ako pa ang papagalitan ni Liam. Kaya kung maaari lulubusin ko na, pwede po ba na ako na lang ang bahala dito?"

"'Yun po ang utos sa amin ni Sir Liam, Ma'am,  kaya hindi po naman pwedeng baliwalain." Ani Aira.

"Kasama rin ba sa inyong serbisyo ang paghubad sa akin?" Umatras ako at mahigpit na nayakap ang aking sarili. Tanging puting roba ang tumatakip sa aking katawan.

"Yes Ma'am, lalo na't kailangan niyo ng aming tulong para maitali nang maayos ang inyong damit." Mapupungay ang mga mata ang binigay sa akin.

Huminga na lang ako ng malalim at marahang tumango. Ang pag-suot na lang nang damit ang tanging problema. Tapos na ang pag-aayos nila sa aking mukha at maging sa buhok. Silang dalawa ang tumulong sa akin. Bigla ko tuloy naalala ang tatlo sa isla.

Ngayong araw ang pagtatagpo namin ng magulang ni Liam. Hindi ko maiwasan na hindi kabahan sa mga mangyayari. Pero alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Liam, iyon na rin naman ang sinabi niya sa akin kaninang umaga.

Bawat kilos naming ay mina-matyagan ko. Malaking salamin ang nakatapat sa aking kinatatayuan. Ang pagtatali sa likod nang aking kasuotan ang pinagkaka-abalahan nila ngayon. Humugot ako nang isang malalim na hininga bago matapos.

"May sense of fashion talaga si Sir Liam, kahit simpleng damit lang ay nag-mukha kang elegante."

"Hindi dahil sa damit, Janna, nasa nagdadala iyan. Kita mo naman na maganda talaga si Ma'am Trixie."

"Anong problema, Liam?" Kunot-noo ito habang palabas kami nang condo. Diretso lang din ang kanyang tingin. Kung hindi lang nito hinigpitan ang pagkakapit sa aking kamay ay hindi ko mapapansin.

"Kung alam ko lang na ganyan ang magiging reaksyon nang bawat nakakasalubong natin sana pinag-pants na lang kita." Inalalayan ako nitong makapasok sa kanyang kotse.

"Hindi ba maganda ang suot ko?" Tanong ko rito nang makapasok sa kotse. Hindi pa rin nawawala ang kanyang pagkaka-kunot noo. Nang tignan ko naman ang kasuotan ko bago lumabas sa kanyang pad ay ayos naman. Para pa nga akong naka-daster sa lagay na 'to.

"Says who? That dress is really suits you. Ang ayaw ko lang ay may ibang tumitingin sayo the way I stared at you."

Mangha akong bumaba sa sasakyan ni Liam. Hindi ko mapigilan na tingalain ang buong kabuuan ng malaking bahay na kinatatayuan ko ngayon. Sa magazine lang ni Karen ako nakakakita ng ganito, at hindi ko aakalain na makakarating ako sa ganitong kagandang bahay.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon