Chapter Four

121K 1.6K 113
                                    

Nakausap ko na ang manager dito sa Resort, si Ma'am Mae. Siya din ang nag-interview sa akin noon. Napakabaet niya talaga. Palangiti at ang amo ng kanyang mukha.

Naka-suot na ako ng pang-chamber maid, mayroon na din akong name plate. Ayos, ang ganda talaga ng pangalan ko. Parehas pala kami ng time ni Emma. Pero sa ibang floor kami naka-assign. Nakasalubong ko na din ang mga ka-room mate ko, sina Nina at Diane. Excited na tuloy ako mamaya pag natapos ang time ko, may bonding time kaming apat para magkakila-kilala.

Bawat nadadaanan kong tao dito sa Resort binabati ako, lalo na ang mga kapwa ko crew. Ang babaet nila. Yung feeling na welcome na welcome ka kahit kabago-bago mo pa lang dito. Sana naman may time para makilala ko silang lahat.

Dala-dala ko na ang isang trolleys, nandito na din ang iba't ibang uri ng panglinis, tinuruan na rin ako kung paano gamitin ang ibang machines na ngayon ko lang nakita. Naka-assign ako sa ika-10 na palapag ng Hotel nitong Resort.

Inuna ko muna ang room number 1001. Kumatok ako. May Isang babae na may pag-kalaman ang katawan ang sumilip.

"Yes?" Tanong sa akin.

"Good Afternoon Ma'am cleaning time po." Sabi ko sa kanya.

Nilakihan niya naman ang pagbukas sa pintuan. Sumunod ako sa kanya. Ang ganda ng suite niya. May malaking higaan, ang laki rin ng banyo at TV. Kahit kalakihan ay hindi naman ganoon kabigat ang gawain.

Sinunod ko naman ang mga natitirang room. Ganoon lang din ang ginawa ko. Medyo masakit na din sa likod. Palubog na pala ang araw, buti na lang nakakain na ako kanina bago ako nagsimula. Nag-inat muna ako at tinulak ulit ang trolleys na gamit ko.

Kumatok ako sa pinaka-last room. Nakaka-ilang katok na ako kaso wala pa ding nabubukas. Pinihit ko ang door knob ng kanyang suit hindi naman pala 'to nakasara. Pero nakakatakot kung bigla-bigla na lang akong papasok. Pero eto ang trabaho ko, kailangan kong mag-linis kaya wala naman sigurong masama kung pumasok ako ng tuluyan.

Sinimulan ko na ang paglilinis. Dinampot ko lahat nang mga damit na nakakalat kung saan saan siya nakasabit mas malala pa eto kesa sa mga room na nilinis ko. May damit pang lalaki at pang babae na nakakalat. Siguro mag-asawa ang nakatira dito tulad ng iba pang room na napuntahan ko. Dito kasi sa floor na 'to ay isahang kama lang ang mayroon

Naligpit ko na ang lahat sa sala pero wala pa din ang may-ari ng suite na 'to kaya pala walang sumasagot sa katok ko. Siguro umalis 'to at iniwan ang pintuan na bukas. Ayos lang naman 'yun wala naman sigurong magnanakaw dito kasi mayayaman na ang tao.

Isusunod ko naman ang comfort room pero sa hindi ko inaasahang pagkakataon may naririnig akong isang babae na parang hirap na hirap. Bakit wala akong narining kanina.

Tinapat ko ang tenga ko sa pintuan, kailangan kong marinig 'to baka kung ano ang nangyayari sa babae sa loob.

"Ahhh.... Mmmppttt.." Rinig ko sa loob ng cr, lumaki naman ang mata dahil doon. Anong nangyayari sa loob.

"Oohhh Faster!!.... Aaahhhh." Faster? Faster ang alin? Dahil papatayin na siya. Kawawa naman ang babae.

Dali-dali naman akong bumalik sa trolley ko at kinuha ang feather duster. Tumakbo ako papuntang comfort room at pinihit ko ang door knob.

May nakita akong dalawang tao na nakahubad. Isang babae at isang lalaki. Yung lalaki nakapatong sa babae. Iniipit niya ata ang babae, baka mawalan ng hininga yun.

Kailangan kong tulungan ang babae. Pinaghahampas hampas ko sa likod yung lalaki. Wala akong pakialam kahit na walang damit yung lalaki basta mahampas ko lang siya. Walang hiya 'to dito pa talaga sa resort gumagawa ng karumaldumal na krimen. Masisira ang reputasyon ng Resort na 'to nang dahil sa kanya.

"Aray... aaahhh. Ano ba.." Sabi niya habang pinaghahampas ko siya. Buti na lang naka-alis siya sa pagkakadagan niya sa babae. Ayokong makakita ng rumaragasang dugo dito.

"Bastos ka!! Anong ginagawa mo dito sa babae, kawawa naman siya." Nakakapang-gigil siya wala siyang galang dito sa babae. "Ate magbihis ka na tutulungan kita maka-alis sa kamay ng lalaking 'to." Pag-aalala ko sa kanya.

"Sino ka ba!!... Aray...." Hinawakan niya na ang feather duster na hawak ko.

"Ahhhhh!!" Napasigaw ako sa gulat. Naramdaman ko na lang na may malamig sa bandang likod ko, sinilip ko nang konti nasa pader pala ako. Ang dali niya naman na madala ako dito. Siguro sanay na sanay na 'tong pumatay ng tao.

"Sino ka ba at bigla-bigla ka na lang pumasok dito." Sigaw niya sa mukha ko. Medyo nababuyan naman ako 'dun ang lapit niya sa mukha ko tapos makasigaw siya.

Pero ang bango ng kanyang hininga. May ganito bang killer na mabango ang hininga at gwapo. Sayang siya kung pumapatay lang siya.

"Ikaw sino ka ba? Anong karapatan mo para patayin yung babae." Sigaw ko pabalik sa kanya. Naiinis na ako sa kanya siya pa ang may ganang magalit, eh siya nga ang suspect dito.

"Anong pinapatay ang pinagsasabi mong babae ka!" Kita na sa mga mata niya yung galit.

"Bakit nakadagan ka sa kanya." Naglabanan ako ng tingin sa kanya. Dapat hindi ako magpakita na natatakot ako sa kanya kahit na nahihirapan ako sa pwesto namin. Ang mga kamay ko kasi naka-taas habang hawak niya. Tapos ang lapit lapit ng mukha niya.

"Hindi mo alam ang tawag 'dun?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko!" Tinignan ko ang buong paligid wala na din pala yung babae. Napatingin ako sa kanya pababa ng kanyang katawan "Aaaaahhhh!! Magbihis ka nga ang bastos mo!!" Sigaw ko nakalimutan ko nga pala na nakahubad siya. Nadala ako sa pagiging super hero ng babae.

Ang mga mata ko nabahidan na ng dumi. Iniingat ingatan ko pa naman 'to. Nireserve ko ang paningin ko para sa mapapangasawa ko pero napunta sa kanya. Hindi naman maiikubli na maganda ang katawan niya. Ang mga muscle parang intense. 

"Ang ganda ng view 'nu?" Napa-angat naman ang tingin ko sa kanya at sinaman ko siya ng tingin. "Tutal nasira mo ang moment ng kasama ko kanina, ikaw na lang ang isusunod ko Miss Rodriguez." Nakita ko sa mukha niya ang pag-smirk.

Ano! Ano na daw? Anong susunod? Ako susunod niyang papatayin. Nako paano na ang magulang ko, hindi ko na matutupad ang pangarap ko sa kanila kung papatayin lang ako ng ganito. At ang panget naman kung sa banyo. Sana naman wag brutal para makilala pa ako pag kinuha ang bangkay ko dito.

"Hindi ka na makapagsalita dyan, gusto mo bang simulan na natin?" Unti-unti niyang binaba ang mukha niya sa leeg ko. Napapitlag naman ako ng dahil 'dun.

"P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" Kahit na kinakabahan ako sa ginagawa niya buti na lang may boses pa akong nailabas.

"Nakakalimutan mo bang may suot kang name plate?" Hala oo nga 'nu. Ang tanga ko naman.

Sinimulan na naman niya ang ginagawa niya sa leeg ko. Bago lang sa akin 'to. Ganito ba talaga pagpinapatay kailangan sa leeg? Pero kung sa leeg di ba dapat sinasakal o di kaya sinasaksak ng kutsilyo pero bakit labi ang gamit niya.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon