Chapter Two

150K 1.7K 42
                                    

Halos lahat ata ng nadadaanan ko ay bumabati sa akin. Siyempre bilang ganti na din sa magandang bati nila ngayong umaga sinusuklian ko naman sila ng magandang ngiti. Mababait ang mga tao dito sa San Martinez, lahat dito ay masasayahing tao. Hindi sila ganun kahirap pakisamahan, kung may nangangailangan ng tulong ay kusa silang magbibigay o tutulong.

Nang nakarating na ako sa palengke kung saan ako ngayon ay magta-trabaho naabutan ko sa paradahan ng tricycle si Mica, ang kaibigan ko mula pa bata.

"Magandang umaga, Mica." Bati ko sa kanya.

Bumaling naman siya sa akin at ngumiti. "Good Morning din, aba himala at blooming ka ngayon. Anong meron?" Tanong niya sa akin.

Kinapa-kapa ko naman ang mukha ko. "Blooming ba ako? Hindi naman ah, wala naman akong binago ngayon sa itsura ko."

"Bakit ang aliwalas ng ngiti mo sa labi? Siguro may pumoporma na sa iyo 'nu?" Tudyo niya sa akin.

"Huh? Naku wala ah, alam mo naman na bawal akong magkaroon ng nobyo. Tsaka palangiti naman ako dati pa lang."

Uunahin ko na muna ang pag-ta-trabaho para makatulong kesa sa pag-nonobyo. Mahirap na nga kami dadagdag pa ang sakit sa ulo nila Nanay.

"Wag mo nga akong pinag-loloko Trining." Sabay irap niya sa akin.

"Hindi kita niloloko." Minsan ang hirap din basahin nitong si Mica, eh.

"Sabagay inosente ka pa pala." Sabi nito.

Umiling na lang ako, hindi naman ako ganoon ka-inosente sadyang wala lang akong interest sa ganoong bagay, "Oo nga pala saan ka pupunta at ganyan ang iyong suot?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-puturang pustura siya ngayon. 

"Eto ba?" Sabay hawak sa kanyang damit. "Ngayon na kasi ako mag-a-apply ng trabaho sa Manila." Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Bakit doon pa, eh ang layo niyon?"

"Ano ka ba mas malaki ang kikitahin doon, kesa dito na iilang kusing lang. Nakakasawa na din ang sariwang hangin. Susubukan ko naman ngayon ang maduming hangin." Sabay tawa niya.

Napailing na lang ako. "Baliw ka talaga, Mica. Magkakasakit ka lang doon."

"Alam ko 'yun. Sayang lang ang nakuha kong diploma kung sa palengke ka lang din naman mag-ta-trabaho. Kaya ikaw huwag mong sayangin ang iyong ganda. Hindi mo magagamit iyan dito, magagamit mo iyan sa Manila, o di kaya sa mga kilalang Resort dito sa San Martinez."

"Hindi na kailangan. Masaya na ako dito sa palengke." Sabay ngiti.

"Anong kinasaya 'nun? Sira ka na Trixie." Tumungin siya sa kanyang relos. "Naku Trixie hindi na ako makakapag-kwentuhan sayo, anong oras na din at baka ma-late pa ako byaheng Manila. Babalitaan na lamang kita pag natanggap na ako." Hinalikan niya ako sa pisngi at sumakay na ng tricycle. Kumaway na ako sa kanya.

Pagdating ko sa pwesto ni Inay ay pinasadahan niya na ako ng masamang tingin. Pumuwesto na ako sa tabi niya at nagsimula ng isuot ang apron ko.

"Bakit ngayon ka lang? Nakipaglandian ka na naman sa mga lalaki dyan sa kanto natin?" Mariing tanong sa akin ni Inay.

"Hindi po. Kaya lang po ako natanghali na punta dahil inasikaso ko pa po si Karen at nakasalubong ko sa Mica sa paradahan, konting kamustahan lang po ang ginawa namin, Inay."

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon