Chapter Eighteen

90.2K 1.1K 48
                                    

Napa-balikwas kaagad ako ng bangon ng makita ang orasan na nasa malawak na dingding. Dali-dali naman akong bumango at nag-ayos ng gagamitin ko'ng kasuotan sa araw na ito. Matapos ko'ng mag-ayos ay dumaretso na agad ako sa kusina para naman makapag-luto ng agahan. Nang buksan ko naman ang refrigerator ang tanging laman lamang ay tubig, alak at chocolates. May iilan din na left over na naroroon.

Marahan kong kinatok ang pintuan kung saan ang kwarto ni Sir Liam. Nang wala akong marinig na kahit anong ingay at kahit man lang kaluskos ay dahan-dahan ko itong binuksan. Maganda na ang sigurado para hindi na muli ako makakita ng bomba sa loob.

Gulo pa ang kama nito ng datnan ko. Sinimulan ko na munang hanapin si Sir sa kanyang banyo, nang wala ito ay inayos ko na ang buong kwarto niya.

Dialling Sir Liam...

Matapos ang ikatlong ring ay sinagot niya na ito.

"Sir!" Magiliw kong bati rito.

[What.]

 

"Wala na kayong stocks sa rest house, nagugutom na ako."

 

[Come here to my office.]

Pagtapos niyang sabihin iyon ay wala na akong muling narinig sa kanya. Hindi talaga uso kay Sir magsabi ng goodbye. At sanay na rin ako doon. 

Nang masigurado kong ayos na ang buong bahay at lock na ang lahat ng pinto ay nagsimula na akong maglakad sa karugtong nitong rest house. Bakit ba kasi ang layo nito. Ni-wala nga akong makitang ibang tao bukod sa amin ni Sir. Sabagay sa kanila nga pala itong Resort kaya hindi nakakapagtaka kung gustuhin man nito na magtayo ng establisimento.

"Trixie!" Tawag sa akin. Nilingon ko naman ka-agad kung sinuman iyon.

Nakangiting Ivan ang papunta sa direksyon ko. Kumaway naman agad ako rito. Inikot ko ang paningin ko sa buong Resort, nakakamiss rin ang pagta-trabaho ko dito. Mga katrabaho ko noon ang bumungad sa akin at ibang mga customer ng Resort.

"Saan punta mo?" Bungad nitong tanong.

"Sa office, pupuntahan ko si Sir Liam." Aniko. "Ikaw saan punta mo ngayon? Di ba dapat nasa office ka din?"

Bilang Executive Secretary nitong Resort ay kailangan niyang nasa office. Oo nga't mataas ang posisyon niya dito sa Resort pero iba siya. Nakikihalubilo sa lahat, handang tumulong sa kapwa niya empleyado.

"Ah, ganoon ba? May kukuhanin lang ako sa stockroom." Aniya.  "Hindi ka na ba nagta-trabaho dito? Minsan na lang kita makita."

"Nagta-trabaho pa rin. Iba na nga lang ang posisyon ko." Masayang sabi ko rito.

I'm His Private DancerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon