FE: ₡♨ℓ유ḉ€

3.3K 73 17
                                    

SkyBlueMilGea's Note:

The title says it all. This is just a fake ending. Don't be confused. :)

Fake Ending: ₡♨ℓ유ḉ€ 

~Eurice~ 

"Ayan, happily ever after na kami." Kinukwentuhan ko ang dalawa kong anak ng love story namin ng tatay nila. Pagkahaba haba nun at katatapos ko lang.

Teenager na sila kaya naiintindihan na nila ang tungkol sa pag-ibig. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng dalawa kong anak at nagpakwento tungkol sa love story namin ni Cole.

"Bakit si Papa ang pinili mo?"

"Ayaw mo ba kay Tito Corby?" Kambal sila. Sobrang identical. Minsan nalilito na nga din ako eh. Haha. Si Icy ang mas matanda. 2 mins ang tanda niya kay Ica. Identical twins talaga sila. Pareho pa silang may nunal sa ilalim ng bibig kaya nalilito rin ako minsan. Pero pag tumingin ka sa mga mata nila, alam mong magkaiba talaga sila. Cold ang mga mata ni Icy, si Ica naman ay dark ang aura ng mga mata.

"Si Tito Corby niyo ay para kay Tita May, okay?" Kumbinsi ko sa kanila.

"Eh diba po ikaw ang mahal ni Tito Corby?" Haay. Ang kulit talaga ni Icy, ay, si Ica pala yun.

"Nung una pero hindi kami ang para sa isa't isa." Tumango sila. Mukhang naintindihan na naman nila.

Wala si Cole dito. Nasa trabaho. Pero maya maya ay nandito na rin iyon. Dito kami nakatira sa mundo ko pero nagagamit pa rin namin ang mga kapangyarihan namin. Pinayagan kami ni Majesty. Sobrang bait talaga ni Majesty.

"Eh kung hindi namatay si Tito Dash, mabubuhay kaya kami?" Oo, patay na si Dash. Nasa afterworld na siya. Masakit syempre pero natanggap ko rin naman. Alam kong masaya siya kaya magiging masaya din ako.

Dinadalaw ako nila Cole sa amin isang araw sa isang linggo. Kaya isang araw sa isang linggo ay nasa bahay silang lahat. Pati si Corby. Dahil don nga nadevelop na si Corby kay Ate. Lagi kasi namin silang pinagtatambal. "Kung buhay ngayon si Dash, ganito pa rin tayo. Nagkukwentuhan about sa past ko. Sa past namin ng tatay niyo."

"Pero si Tito Dash po talaga ang mahal niyo diba?"

"Oo pero siguro hindi rin kami hanggang sa huli." Nagkadevelop-an kami ni Cole. Pinagtatambal din kasi nila kami.

"Sino?" Napatingin kami sa tao sa pinto.

Agad na lumapit ang kambal. "Papa!" At niyakap ang ama nila. Lumapit din naman ako at hinalikan siya sa pisngi saka inalis ang necktie niya.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Ano na naman kaya ang narinig nito at nakataas ang kilay niya?

"Yang mga anak mo nagpakwento kung paano tayo nagkakilala." Amin ko naman pero sigurado akong may follow up question yan.

"Eh sino yung hindi naging kayo sa huli?" Sabi na nga ba eh. Tinanong pa eh alam naman na niya. Matalino 'yang si Cole pero gusto niya manggaling sakin.

"Si Dash."

"Kain na tayo." Dudugtungan ko pa sana yun pero nag-aya na siyang kumain at pumunta na agad ng kusina. Ano na naman kaya problema nun?

Ibinaba niya ang kambal sa kani-kanilang upuan. Nagbihis muna siya kaya hinanda ko na ang kakainin namin. Bago kami magpakasal ni Cole ay tinuruan ako ni Ate kung paano mapapasarap ang luto. Dapat samahan ng recipe na love kaya sigurado ako na magugustuhan niya ito.

"Ang bango." Napangiti ako.

"Kain na." 

Nagsign of the cross na ang kambal at nagsimulang magdasal. "God, maraming maraming salamat po sa pagkain namin ngayon at sa buo naming pamilya. Sana po ay magtuloy tuloy lang ito. Majesty, thank you po dahil pinayagan niyo kaming dito tumira sa mundo ng mga tao." Kilala nila si Majesty. Alam nilang may kapangyarihan sila. Pero alam nilang kontrolin yun. Tinuruan namin sila. "Saka God, sana po wag nang magselos si Papa." Napadilat ako sa sinabi ni Ica. Tinignan ko si Cole at nagulat din siya. "Mahal na mahal po siya ni Mama. Saka past na po si Tito Dash. Eh we live in the present po. God, kayo na pong bahala ah? Salamat po ulit." Unti unti na akong nangingiti. "In the name of the father, the son, the holy spirit, Amen."

"Anong ibig sabihin nun ha?" Mataray kong tanong sa kanila.

"Kain na po tayo?" Ahh, playing safe ah. Ayaw niyo akong pansinin ah.

Tumayo si Icy at sinandukan ako ng pagkain. Si Ica naman kay Cole. Pagkatapos nun ay kinuha nilang dalawa ang kamay namin at pinagdaop ito. Bumalik sila sa upuan nila at nakangiti ng matamis sa amin. "Ma, Pa, kain na po?"

"Paano naman kami kakain sa ginawa niyo?" Nakangiting tanong ni Cole.

"Sweet nga po eh. Tignan niyo po kinikilig si Mama." Aba! Nananahimik ako dito at ako pa ang dinamay? Hindi ko talaga alam kung saan nagmana ang kambal na to. Naghalo halo na siguro sa mga kaibigan namin. Ngayon ay para silang si Zoe.

"Kinikilig ka?"

"Nagseselos ka?" Akala niya ah. Ibinalik ko lang sa kanya ang tanong.

"Bilisan niyo po. Gutom na kami ni Ica." Mga trip talaga nitong mga anak ko.

"I love you."

"I love you."

"I love you!" Natawa kami sa pagsingit ng kambal.

Kumain na kami pero magkahawak pa rin ang mga kamay namin.

Sana ganito na lang lagi. Masaya na ako sa pamilya ko. Wala na akong mahihiling pa.

"Tulog na ang mga bata."

"Tulog na rin tayo." Pagod na ako. Ang haba ng kwento ko sa kambal. Bigla kasing naisipan magpakwento eh.

Inakbayan ako ni Cole papuntang kwarto at natulog na kami.

I'll forever miss the reality because I'm living with my own fantasy.

And we lived happily ever after. Yes. I'm the one who declared that because this is the reality.

This is my happily ever after.

THE END.

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon