MR 13: Shocking Thunder ϟ

5.9K 172 50
                                    

Missing Reality 13: Shocking Thunder ϟ

~Eurice, the Coldest Ice~

"Magpahinga na siguro muna tayo. Maayos pa naman ang lahat eh. Hindi pa lumulusob sila Corby. Sige na." Okay naman na ung mga sugat naming lahat. Medyo masakit nga lang ung katawan ko.

Natulog na kaming lahat.

Napasarap ata tulog ko. Nakikita ko na sikat ng araw eh. *yaaaawn* Bumangon na ako at nakita ko na ung iba nasa baba na pero meron pa ding mga tulog.

Dapat maglalaro kami nung habulan game ngayon kaya lang mukhang hindi matutuloy. Mga pagod pa kami eh.

Pagdating ko sa kusina andun sila Bubble, nagluluto. Tutulong na din ako!

~Bubble, the Soft Bubble~

"Good morning!" Bati samin ni Ice. Kagigising lang niya. Napagod siguro siya masyado kahapon.

 "Morning din!" Bati din ni Zoe. "Kamusta na sugat mo?"

 "Okay naman! Ang galing manggamot ni Pepper at Bubble eh." Tas tumingin siya samin ni Pepper. Nginitian ko naman siya.

 "Syempre ah! Kami pa ni Bubble! Hahaha." Saka ako inakbayan ni Pepper.

 "Ano ba yang niluluto niyo?" Pag-iiba ng topic ni Ice.

 "Fairy sunny side-up. Wala kasing budget kaya walang pambiling pagkain. Haha!"

 "May maitutulong ba ako?"

 "Naku, hindi na! Gisingin mo na lang ung iba, tapos naman na to eh."

 "Oh sige, puntahan ko na sila!" Saka nagsalute pa siya samin.

 "Bubble, halika may itatanong ako sayo." Tas hinila ako ni Pepper sa papaunta likod. Hindi naman kami napansin nila Daphne kasi busy sila sa paghahanda ng pagkain. Ano kayang meron? "May ipagtatapat ako sayo." Anong nangyayari kay Pepper?

 "Ano ba yun?"

 "Kasi.." Tas nilapit niya ako sa kanya saka bumulong. "..may crush ako sa kambal mo."

 "Weh?!"

 "Ssssshhh!" Saka niya tinakpan ung bibig ko. Nagulat ako eh! "Wag kang maingay!" Pasigaw na pabulong niyang sabi. "Secret lang ah?"

 "Ano naman nakita mo sa Kuya ko?" Pero syempre joke lang yon. Kasi kung hindi ko kambal yang si Kuya, magiging crush ko din yan.

 "Ewan ko ba. Basta, crush ko siya! Kaya lang mukhang may iba siyang gusto." Nalungkot naman ung mukha niya. Si Kuya may gusto? Sino naman?

 "Sino?"

 "Hindi ba niya nakukwento sayo?" Alam niya kasing open na open sakin si Kuya. Kaya umiling na lang ako. "Para kasing si Ice eh." Ang chosen one?! "Minsan kasi nakita ko siyang nakatingin kay Ice, so baka gusto niya si Ice?"

Missing RealityWhere stories live. Discover now