MR 1: Welcome to Magic Realm シ

20K 526 104
                                    

Missing Reality 1: Welcome to Magic Realm シ

~Eurice~

"...and they lived happily ever after."

"Ice!" Tulog pa. "Iceeeeeeeeeeeee! Gumising ka na jan!!"

 "Opo! Bababa na!" Nanay ko yun. Daily routine na namin yan. Ang sigawan ako para magising.

Pero buti na lang natapos ko ung panaginip ko. At least umabot ako sa happy ending. Bumaba na ako para kumain. Mamaya na ako maliligo.

"Ma, diba po sabi ko Eurice? Wag po Ice." Ayoko kasing nagpapatawag na Ice. Panglalaki kasi yun eh. Saka di bagay sakin.

 "Itatawag ko kung anong gusto kong itawag sayo. Masyadong mahaba ung Eurice." Sungit talaga ni Mama. 2 syllables lang naman eh. "O, kumain ka na. Galingan mo sa quiz mamaya ah?" Yiee~ Sweet ni Mama. "Hindi ka pwedeng bumagsak, wala kaming pampaaral sayo." Hihi.

Hindi kasi kami mayaman, ung sakto lang. Minsan nawawalan din kami ng pera. At scholar lang ako sa school ko. Sana nga sa fantasy school na lang ako eh. Para enjoy! Hihi. Mahilig kasi talaga ako sa mga fairytales.

"Opo naman po, Ma! Gagalingan ko po para sa inyo!" Running for salutatorian kasi ako.

 "Oo na. Ayan, tapos na ang Ate mo. Ikaw na maligo." Yizz. May Ate ako. Si Ate May pero April birthday niya. Chos. Lagi kaming pinagkukupara niyan, syempre sya mas lamang. Valedictorian kasi siya tas siya ung mas maganda, mas mabait, mas sa lahat. Pero ayos lang yun sakin. Tanggap ko naman eh.

Naligo na ako kasi baka malate pa kami. Papagalitan ako ni Mama.

Ngayon.. papunta na kami sa school. Naglalakad lang kami. Ang ganda kasi ng cherry blossom sa street na dinadaanan namin~

"Pinagalitan ka na naman ba ni Mama?"

 "Haha. Hindi naman nagalit. Pinagsabihan lang." Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya eh. Ang bait bait niya sakin.

 "Pagpasensyahan mo na si Mama ah?"

 "Haha. Ano ka ba naman Ate? Sanay na ako." Ewan ko ba. Hindi ata ako marunong magalit eh.

Nagpunta na kaming room. Magka-edad lang kami ni Ate. Mas matanda lang siya ng buwan kaya pareho lang kami ng year at section. At hinding-hindi ako magiging valedictorian dahil siya ang kalaban ko.

"Ice!"

 "Kulit mo talaga eh noh, Joana?" Si Joana. Kaibigan ko. Matalik na kaibigan. "Sabi ko namang wag mo akong tatawaging Ice diba? Eu-rice."

 "Mahaba masyado eh." Nahabaan na siya sa 2 syllables? Hayst.

 "Ano nga palang kailangan mo?"

 "Pakopya naman ng assignment sa Physics."

 "Anong pakopya?! Halika, tuturuan kita." Ayoko kasing nagpapakopya. Kaya tinuturuan ko na lang sila para pag nagquiz eh alam nila gagawin. Bait ko noh? Hahaha.

Missing RealityWhere stories live. Discover now