MR 39: Should Stop (/゚Д゚)/

3.4K 91 7
                                    

Missing Reality 39: Should Stop (/゚Д゚)/

~Third Person~ 

Nakapagdecide na si Pepper. Aalamin niya kung bakit nagalit sa kanya si Cirrus. Galit nga ba ito sa kanya? Basta! Kailangan magkabati na sila. Ay hindi, kailangan batiin na siya nito.

"Pepper!" Napatalon naman siya sa gulat sa pagtawag sa kanya ng kambal ni Cirrus.

"Wag kang nanggugulat!" Sigaw niya dito. Nakaramdam kasi siya ng pagkakakaba.

"Sorry naman." Sabay pout ni Bubble. "Ano ba kasing ginagawa mo?" Sumisilip kasi siya kila Cirrus.

"Wala lang." Deny niya pero nahalata naman yun ni Bubble. Syempre, best friend sila noh. Saka kakambal niya si Cirrus.

"May problema ba kayo ni Kuya?" 

Agad na umiling si Pepper. "Wala." Ayaw na niyang madami pa ang makaalam. Sapat nang si Daphne na lang ang sasabihan niya. "Naghahanap lang akong pagkain." Palusot nito.

"Naghahanap ng pagkain sa gilid ng bangko?" Sa ilalim kasi ng lamesa nagtatago si Pepper. Nakahawak siya sa may bangko.

Tumayo si Pepper. Suko na siya. "Hindi ko alam kung bakit pero galit sakin yung kapatid mo."

"Alam ko." Nagulat siya sa sinabi nito. Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Cirrus? Alam ba ng lahat? "Kakambal ko siya. Alam ko ang nararamdaman niya." 

Nakaisip ng maganda idea si Pepper. "Bakit? Bakit siya galit sakin?" Kung alam ni Bubble ang mga nararamdaman ni Cirrus, baka alam din nito kung bakit ito galit sa kanya.

Pero, mali siya dahil nagshrug si Bubble. "Hindi ko alam. Kahit na ganun, kakambal ko lang siya. Siya pa rin ang nakakaalam ng tunay na mga nararamdaman niya." Nanlumo naman si Pepper. Akala niya malalaman na niya ang dahilan. "Ano ba kasing nangyari?" Concern na tanong ni Bubble.

"Wala. Wag mo na lang iyong intindihin." At iniwan na niya si Bubble.

 "Cirrus."

"Bakit?" Nagulat si Pepper sa pagsagot ni Cirrus. Akala niya ay wala talaga itong balak na kausapin siya. Ang bait talaga ni Cirrus.

"Pwede ka bang makausap?" Nahihiya at kinakabahang tanong ni Pepper.

Nakatitig sa kanya si Cirrus. Matagal ang katahimikan. "Tungkol saan?" 

Mas lalong kinabahan si Pepper nang marinig niya ang boses ni Cirrus. Akala niya ay hindi na ito sasagot at iniwan na siya nito. Nakayuko kasi siya. "Pwede bang wag dito?" Baka kasi may makarinig sa kanila. Tinignan na niya ngayon si Cirrus. "Okay lang ba?" 

Tumango si Cirrus at dun ulit sila pumunta. Sa ulap. Napakarefreshing kasi dun.

"Sorry." Napatingin si Pepper kay Cirrus. Nag-iisip pa lang siya kung paano niya sisimulan ang sasabihin nang magsalita na si Cirrus. Nagulat pa siya sa sinabi niyo.

Bakit ito humihingi ng tawad sa kanya? Diba siya ang may kasalanan? "Para saan?"

"Sa nagawa at nasabi ko kahapon. Pagpasensyahan mo na ako." Mas naging soft na ang boses nito ngayon compared to yesterday.

Missing RealityWhere stories live. Discover now