MR 31: Evolving Feelings ♡

4.1K 110 13
                                    

Missing Reality 31: Evolving Feelings 

~Eurice, the Coldest Ice~ 

Hindi rin ako nakatulog. Eyebags all the way. Kasalanan ni Dashiell. Hindi niya ako pinatulog sa kakaisip!

Sabi niya alam niyang gusto ko siya. Eh, paano nangyari yun? Ako nga hindi ko alam sa sarili ko na gusto ko siya tas naunahan pa niya ako? Ano ba to? Gusto ko ba talaga kasi siya? Naguguluhan pa rin ako!

"Ice, okay ka lang?" Tss. Ayoko sanang magpakita sa kanila kaya lang bat ko naman gagawin yun? Ano bang tinatakasan ko?

"Okay lang, Bubble."

"May problema ba? Nangingitim yung ilalim ng mga mata mo." Hindi ba niya alam ang eyebags?

"Eyebags yan."

"Hindi ka nakatulog?" Alam pala niya.

"Medyo." 

Nag-aya na silang kumain pero hindi ako sumabay. Sabi ko hindi pa ako gutom. Umalis muna akong hide-out. Kailangan ko ng makakausap! Pero sino naman? Nahihiya akong magconfess sa isa sa kanila eh.

Hindi ko na alam gagawin koooo!

Nandito ako sa taas ng puno at inuuntog-untog ko sa puno ulo ko dito. Naguguluhan ako!

"Teka.." Itinigil ko ang pag-untog sa ulo ko sa puno. "Baka nawala na yung presence ng.." Aish! Ano bang pakialam ko dun sa halik ni Dashiell kagabi?! Hala. Ang pangit pakinggan.

"Presence ng ano?" Muntik na akong malaglag sa gulat. This days, napapadalas ang pagkagulat ko. Nagiging magugulatin na ako.

"Anong ginagawa mo dito, Zoe?" May napansin ako sa likod niya. Pakpak yun ah? "Pakpak ba yan?" 

Tumingin siya sa likod niya. "Oo. Kusa na akong nag-evolve. Wind fairy ako kaya may pakpak ako. Si Daphne nga namomroblema na din dun. Tuluyan na kasi siyang naging sirena. Hindi siya makalakad." Gusto ko ring mahawakan ang buntot ni Daphne.

"Pahawak?" Abot tenga kong ngiti sa kanya. Gusto ko ring magkapakpak eh.

"Hmm." Iniharap niya sakin yung pakpak niya at hinawakan ko ito. Ang lambot. Ang lambot lambot. "Nakakainis nga eh. Kaya ko na namang lumipad kahit wala to eh. Pero, mas mabilis na ako ngayon." Sabay tingin niya sakin at nginitian ako. Ibinalik ko naman ang ngiti na yon. Ang ganda ng pakpak niya. Napakalambot. "Baka matalo ko na kayo! Hahahaha!" Nakangiti lang ako habang hinahawakan ang pakpak niya. "Di ka naman nakikinig eh."

"Ha?" Ano daw sabi niya?

"Di ka nga nakikinig." Halaaa.

"Sorry." Sabay peace sign ko sa kanya. Masyadong nacatch ng attention ko yung pakpak niya eh. Tinigilan ko na ang paghawak at pagtitig sa pakpak niya. "Ano ba kasi yon?" 

Tumabi siya sakin at nawala na yung pakpak niya. "Ano bang gumugulo sayo?" 

Halata bang may gumuglo sakin? Si Zoe to, walang masama kung mag-oopen ako sa kanya. "Zoe, ganito kasi." Paano ko ba sasabihin ng hindi niya nalalaman? Ang gulo. "Paano mo ba malalaman kung may gusto ka sa isang tao?"

Missing RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon