MR 12: Chaotic Earth ✌

7.2K 193 53
                                    

Missing Reality 12: Chaotic Earth ✌

~Hikaru, the Chaotic Earth~

 


"Let's start. Bubble, jan ka lang." Haaaayy. Nagsisimula na ang training namin. Nakakatamad. Nakakagutom pa. Nakakaantok din. Pano kaya namin makukuha ung power-up namin? Gusto ko na makuha power-up ko! "Hikaru! Ano pang ginagawa mo jan?" Ay, oo nga pala.

 "Anjan na!"

 "Wag ka ngang babagal bagal." Tss. Ang sungit talaga ni Lilly.

 "Sorry na." Saka ako lumapit sa kanya at inakbayan siya. Dali dali naman niyang inalis tas lumipad siya papunta kila Cole. Hayst. Hindi talaga maaalis sa kanya ung pagiging masungit.

 "Let's start?"

 "Yes!"

 "Ano pala ung gagawin natin?" Tanong ni Ice kay Cole. Nakita ko namang nakatingin sa kanya si Lilly. Gusto din kasi ni Lilly na maging chosen one. Lahat naman ata kami eh. That's our dream. To be a fighter and to be the so-called-chosen one.

 "We're going to play. Pero hindi ordinaryong laro, kasi dito natin makikita kung ano nang narating ng mga kapangyarihan niyo." Hanga talaga ako dito kay Cole eh. Ang dami niyang alam. "It's called Maze Game." Maze Game? Narinig ko na yun eh. Alam ko mahirap ang larong yon. "I made a maze near at our temporary house. Papasok kayo sa maze na yon, madaming pintuan yun kaya bahala na kayo kung san niyo gustong pumasok. Ang kailangan lang gawin ay makalabas kayo at dala dala niyo ung dapat niyong kunin. Andito sa box na to ang dapat niyong kunin." Saka niya pinakita ung box. Nakalutang iyon at kumikinang.

Isa isa niya kaming pinapunta dun saka pinabunot sa box. May laman yong papel at sa loob nun nakasulat ung mga dapat naming kunin.

 "This game has a time limit. If you see that your thing is vanishing, it only means that you need to get your thing immediately or else.. you're not able to escape the maze game. Hindi lang yun." Meron pa?! Baka hindi na ako makalabas dun ah. :3 "May mga makakasalubong din kayong iba't ibang creatures jan. Wag kayong papayag na makuha nila ang bracelets at rings niyo dahil sisirain nila yan. At yun ang magiging dahilan ng pagkawala ng kapangyarihan niyo. All creatures inside the maze has a weakness." May balak ba si Cole na patayin kami?~ "Ready?" Nagkatinginan naman kaming lahat. Mukhang lahat kami kinakabahan eh. Pwera na lang ung mukha ni Lilly at Dash. Pokerface lang sila eh.

 "Si Bubble ba kasali?" Tanong ni Cirrus. Etong isa na to na laging inaasar si Bubble. Hindi kasi niya maiparamdam na mahal niya kapatid niya eh.

 "It's dangerous. But as she said, she also have magical power so I think she's the one who will decide. What do you think, Bubble?" Tumingin si Bubble kay Cirrus. Ung tingin na nagpapaalam. Pero poker face lang si Cirrus.

 "Count me in, Kuya Cole."

 "Excuse me. Pwede bang magkasama na lang kami? Tatanga tanga kasi eto eh." Tinignan lang ng masama ni Bubble si Cirrus.

 "Okay lang naman. Okay, the game begins. Pumasok na kayong lahat." Woooooh~ Nakakakaba.

Isa isa na kaming pumasok. Dun ako pumasok sa pintong feeling ko hindi ako mapapahamak. Pero feeling ko lang pala yon dahil may chimera sa harap koooooooooooooo! Hanggang san ba ako hahabulin neto? Takbo lang ako ng takbo tas habol lang siya sakin ng habol.

Missing RealityWhere stories live. Discover now