FE: ∃υşℏї€ℓℓ

3.9K 103 27
                                    

SkyBlueMilGea's Note:

The title says it all. This is just a fake ending. Don't be confused. :)

Hi guys! So, yeah. Congratulate me or us? Kasi umabot ang MR sa first page ng what's hot. Yey! Thank you sa'yo. =) This will be the last update. For now? I don't know. Hindi ko kasi alam dahil baka mamaya may maisip ako at idagdag dito. Special chapter kumbaga.

I will clear na walang book 2. Pero sabi ko nga, may isa pa akong fantasy story at sana basahin niyo din. Kung dito ay sa fantasy world, dun naman ay sa mundo ng mga tao. ^o^

Enjoyyyyy this fake ending!!!! Alam ko namang eto ang hinihintay niyo eh. ;)))))

Fake Ending: ∃υşℏї€ℓℓ 

~Eurice~ 

"Ice, gising na diyan." Si Mama? Ayoko pang bumangon~ "Malelate na kayo." Napatayo ako sa sinabi ni Mama. Ha?!

"Malelate?"

"Oo, kaya maligo ka na." Napatingin ako sa paligid ko. Nandito ako sa kwarto ko.

Tinignan ko si Mama. "Galit ka po ba sakin?"

"Hindi ako galit sayo at sana hindi ka rin galit sakin." Umiling iling ako. Masayang masaya dahil natanggap ako ni Mama kaya hindi ako magagalit sa kanya. "Gumayak ka na."

Tumayo na ako sa kama at papasok na dapat ng banyo nang mapansin ko ang kalendaryo. Napatitig ako dun. Ang tagal kong nawala, bakit June pa rin? "Ma, ano ngayon? Bakit po nasa June ang kalendaryo natin?"

"Dahil malamang June na. Tulog ka pa ba?"

"Po? Ah, wala po." Hindi na lang ako nagtanong at naligo na.

Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi panaginip iyon. Hindi, alam ko totoo iyon. Dapat kong tanungin si Ate.

"Alis na po kami." Paalam ni Ate.

"Ingat kayo!" Inaya na niya ako at sabay kaming naglalakad.

Magsasalita na sana ako para maalis na ang bumabagabag sa isip ko nang maunahan niya ako. "Alam kong iniisip mo."

"Ha?"

"Namimiss ko na rin sila." Tumingin si Ate sakin at ngumiti. "Nakakamiss naman talaga sila, diba?" Medyo naluha ako sa sinabi ni Ate.

Tama ako. Hindi iyon isang panaginip lamang.

Pero bakit parang isang araw lang kaming nawala?

"Good morning, Teacher Ida! Good morning, classmates!" At dahil mabubuti kaming estudyante, hindi kami sabay sabay na umupo. Magcocollege na kami pero pag-upo lang ng sabay sabay di pa namin magawa. Yung iba nga sa likod di man lang tumayo eh.

P.E. class namin. First subject namin. "Okay. Hindi tayo magkakaklase ngayon-"

"Yey!" Hindi pa tapos si Teacher sa sinasabi niya pero nanguna na mga kaklase ko. Pero masaya rin ako kung wala kaming klase kaya nakangiti ako.

Missing RealityWhere stories live. Discover now