MR 44: Majesty ( ' ▽ ' )ノ

3.3K 88 1
                                    

Missing Reality 44: Majesty ( ´ ▽ ' )ノ

~Eurice, the Coldest Ice~ 

 "Ice, Maya at Corby." Napatingin kami sa pagtawag ni Kai. "May gustong kumausap sa inyo."

"Sino naman?" Tanong ko.

"Si Majesty." Bigla akong kinabahan sa naging sagot niya. Bakit..gusto kaming makausap ng Majesty?

"Sinong Majesty?" Hindi nga pala nila kilala yun.

Lumabas kami pero wala naman kaming nakitang Majesty dun. Asan na siya?

"Nakalimutan kong sabihin. Sa cherry blossoms zone daw kayo pumunta." Nakakagulat naman 'tong si Kai. Siya lang ba nakakakita kay Majesty?

Lumipad na kami papunta sa sakura zone. Alam din nila kung saan iyon. Oo nga pala. Sabi ni Corby madalas daw sila ni Maya dun.

Nakarating kami sa sakura zone pero wala naman kaming nakikitang Majesty dito. Kami lang ang tao dito.

Bakit kaya kami pinatawag? Papabalikin na ba niya kami sa mundo namin? Pero hindi pa naman tapos ang misyon namin, diba? Tinignan ko ang palad ko. Ganun pa rin. Hindi pa tapos ang misyon namin.

"Maligayang pagdating." Nagulat ako sa nagsalita. Mukhang pati sila. Nagpalinga linga kami para hanapin kung saan nanggagaling yung boses pero kami lang ang nilalang na andito.

"Yun na ba yung tinatawag nilang Majesty?" Tanong ni Maya.

"Ako nga." Napa-awkward na smile naman si Maya. Pero, asan ba si Majesty?

"Asan po kayo?" Nag-aalangan kong tanong.

"Hindi na kailangan malaman yun." Natingin kami sa isang sanga ng puno. May umiilaw dun at mukhang dun nanggagaling ang boses ni Majesty. Humarap kami dun at nakinig. "Gusto ko lang sabihin sa inyo na binulag ko kayo."

"Ha?!" Sabay sabay na sabi namin. Binulag? Eh, nakakakita naman kami ah?

"'May mga hindi kayo nakikitang dapat ay nakikita niyo." Ohkay. Hindi ko maintindihan. I really don't understand what he's saying. Yes, lalaki yung boses niya. "At ito na ang tamang panahon para alisin ko na ang kapangyarihang ginamit ko sa inyo."

"Teka. Hindi po namin magets?" Para namang vinoice out ni Maya yung gusto kong itanong kanina pa.

"Malalaman niyo rin. Lumapit kayo." Lumapit kami sa puno dahil dun nanggagaling ang boses ni Majesty.

Nagkaroon ng pag-ilaw at tumama iyon sa mga mata namin. Pagdilat ko ay wala na yung ilaw sa sanga. Mukhang wala na si Majesty. Umalis na siya. Ang dami ko pa namang gustong itanong sa kanya. Tumingin ako sa mga kasama ko.

"Ate?!"

"Ice?!" Teka. Anong ginagawa ni Ate May dito? "Kung ganon, eto yung sinasabi ni Majesty?" Ha? Hindi ko magets. Bakit nandito rin sa fantasy world si Ate?

Teka nga. Si Corby. Nagulat siya ng makita niya ako at si Ate. Teka, ano ba talaga nangyayari? Paki-explain?

"Ikaw pala ang chosen one."

Missing RealityWhere stories live. Discover now