MR 35: Snow Queen and King ♬♪♫ ヾ(*・。・)ノ ♬♪♫❆

4K 109 12
                                    

SkyBlueMilGea's Note:

Masaya ako eh. Ayan, para sa inyo. Sobrang saya ko lang talaga. xx

Missing Reality 35: Snow Queen and King ♬♪♫ ヾ(*・。・)ノ ♬♪♫❆

~Eurice, the Coldest Ice~ 

"Giniginaw ako."

"Bakit nga ba nagyeyelo dito sa labas?"

"Kagagawan ba to ng mga kalaban?"

"Papatayin ba nila tayo sa ginaw?"

"Ba't bigla na lang nagsnow?"

Kanya kanyang reklamo nila. Sa akin naman ay okay lang dahil yelo ang kapangyarihan ko. Sanay ang katawan ko sa ganitong lamig.

Nanunuod lang kami kanina nang nakaramdam kami ng ginaw. As in, maginaw talaga. Lumabas kami para tignan kung anong meron at eto ang nadatnan namin. Nagyeyelo ang buong hide-out at ang mga lupa malapit samin. Nagssnow din. Simula ng dumating ako dito, ngayon lang nagsnow. Wala naman silang nasabi sakin na nagssnow pala dito.

"Hey, guys." Sabi ng babaeng nasa harap namin ngayon.

Mas tumindi ang lamig. "Mas lalo akong gininaw."

"Feeling ko nagyeyelo ang buong katawan ko."

"Hindi ako makagalaw." Pangangatog nilang sabi. Ang tindi nga ng ginaw pero wala lang sakin.

"Anong ginagawa ng Snow Queen dito?"

"Kaya naman pala napakaginaw eh." Snow Queen? Sino naman siya?

"Sorry. I'm here to see the chosen one." Hala. Ako na naman? "Bakit parang wala sila Neiva dito?" Bakit kilala niya ang mama ko?

"Umalis na sila. 3 days ago." Sagot ni Corby.

"Really? Oh, no. I guess I'm late. No. I'm really late." Nagkatinginan kaming lahat. Bumibisita rin ba siya? "I'm your auntie Elsa, chosen one." Kilala niya ako sa mukha? Nakatingin siya sakin. "Neiva is my sister. Masyado pala akong nalate ng pagbisita." I think sa kanya nagmana si Azura at Glace. Hindi siya katulad ng superior, ni mama at ni Ruka. Malambing at maamo ang mukha niya.

"Okay lang yun, Ms. Elsa. Pasok po kayo." Pinapasok namin si auntie. Hanggang sa loob ay dala pa rin niya ang lamig. Naaawa na nga ako sa iba eh.

Pero nagawan naman ng paraan. Thanks to Bubble. Nilagyan niya ng bubble ang mga hindi na kinakayan ang lamig.

"Sorry. Nahirapan kasi ako sa paghahanap ng hide-out niyo kaya ang dami ko palang napagyelo." Napakaganda niya.

"Bakit po kayo nalate?"

"Ang sabi ko kasi susunod na lang ako. Sumunod nga ako, but three days after." Natawa siya sa sinabi niya. Ngumiti na lang kami. "Ano palang regalo ang binigay sayo ng ice fairies?"

"Ang katotohanan po." Nasabi ko na lang at napangiti ako.

"Ako naman ngayon. Tuturuan kita sa kapangyarihan mo." Kinabahan ako kasi baka sabihin niyang hindi ako bagay na maging chosen one pero naexcite din ako. Challenge to.

Missing RealityWhere stories live. Discover now