MR 6: Blooming Flower ❁

8.4K 260 61
                                    

Missing Reality 6: Blooming Flower ❁

~ Lilly, the Blooming Flower~

"Where the hell did he go?!!" Sigaw ko sa kanila. Umalis lang kasi ako sandali tas biglang wala na si Dashiell.

 "Lilly, calm down." Then Zoe tapped my back.

 "Calm down?! Pano kung ano na nangyari sa kanya?! Aish! Nakakainis." Inis akong umupo.

 "Sorry everyone." Napatingin kami sa nagsalita. Kasama niya si Dashiell. Aish. "Niligtas ako ni Dashiell."

 "Pano mo nalaman kung nasan siya? Bakit hindi mo sinabi samin?" Nag-aalalang tanong ni Cole.

 "Mahabang kwento. Basta ligtas na siya."

 "Sorry.. kung hindi na naman ako nakalaban."

 "Kaya hindi ako naniniwalang ikaw ang chosen one eh."

 "Lilly!" Pagbabawal sakin ni Cole. Bakit ba?! Totoo naman eh! Ang hina hina niya. Kaya niya ba talagang talunin si Corby??! "Ice, I'm glad you're safe. Thank you, Dashiell." Hindi sumagot si Dashiell at pumasok sa kusina. Ngumiti naman si Ice saka tumango. Ba't hindi man lang hiningi ni Dashiell tulong namin?! Kung chosen one siya, kaya niyang iligtas sarili niya. Aishh.

Hinintay kong matapos kumain si Dashiell saka ko siya nilapitan. Kaya lang, umalis siya. Kaya sinundan ko siya. Nagpunta siya sa stream. Nakaupo lang siya dun saka nagbabalibag ng bato.

"Dash.." Tawag ko sa kanya. Tinignan lang niya ako at ibinalik ulit ung tingin niya sa stream. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya. "Bakit hindi mo man lang sinabi samin na alam mo na pala kung nasan siya?"

 "Wala ng oras para dun."

 "Hanggang ngayon gusto mo pa din ang tubig." Kumuha ako ng bato saka ibinalibag sa tubig. "Ayaw mo ba ng bulaklak?"

 "Hindi gusto. Mahal na mahal ko ang tubig." Napangiti na lang ako ng pilit. Dapat kasi di ako nagtatanong eh. Ang sakit tuloy.

Si Daphne, mahal na mahal niya si Daphne.

Ako, mahal na mahal ko siya.

Nakaupo lang kaming dalawa dun.

"Ayaw mo bang magpahinga? Diba nakipaglaban ka?"

 "Nagpapahinga na ako dito." Aware siya sa nararamdaman ko, alam ko yun. Pero anong magagawa ko? Iba talaga ang tinitibok ng puso niya eh.

I envy you, Daphne.

I really envy you..

~Eurice, the Coldest Ice~

"Sorry talaga, Cole! Next time, promise!! Sorry sa inyong lahat!" Nagbow pa ako.

Missing RealityWhere stories live. Discover now