MR 47: Coldest Ice ❆❅

3.2K 98 16
                                    

Missing Reality 47: Coldest Ice ❆❅

~Eurice, the Coldest Ice~ 

"Ice. Ice, gising." Naalimpungatan ako sa pagyugyog sakin. Ang sakit ng ulo ko. I feel dizzy.

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko dahil ang sakit ng ulo ko. Pagtingin ko sa kanila ay napaatras sila. Mukhang nagulat. Bakit? "Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko sa kanila. Bakit para medyo natatakot sila?

"Ice, anong nangyari sa iyo?" Diin na tanong ni Zoe. Ha? Wala namang nangyari sakin ah? Basta masakit lang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman kami naginuman ah? Hindi hang-over to.

"Bakit dito ka natulog? Saka anong ginawa mo sa kwarto?" Tinignan ko ang buong kwarto at puro yelo ito. Anong nangyari dito? Bakit ganito?

"Hindi ko alam." Totoo naman. Hindi ko talaga alam.

"Diba usapan natin na tabi tabi tayo sa ginawa ni Dash na higaan natin?"

"Ba't di ka na bumalik?" 

Naalala ko na. Yung mga narinig ko galing sa kanila. Tinignan ko sila. Ang galing niyong umarte. Tumayo ako at hindi ininda ang sakit ng ulo ko.

Tinulungan nila ako pero tinabig ko lang ang kamay nila.

"Bakit ang lamig mo?" Tinanong ako ni Daphne ng literal. Ang lamig kasi ng buong katawan ko hindi yung pagiging cold ko.

"Saka Ice. .blue na yung mata mo." Puna ni Bubble. Napatingin ako sa reflection ko. Oo nga.

Hinarap ko sila at sinabing, "Because I am Ice, the coldest ice." Pagkatapos ay iniwan ko silang tulala at bumaba na.

Kailangan kong kumain. Nanghihina ako saka sobrang nahihilo talaga ako. Para akong may sakit pero sinasalat ko naman ang sarili ko hindi naman ako mainit.

Buti na lang at may natira. Eto na lang kakainin ko. Basta may makain lang dahil nagugutom talaga ako at nanghihina.

Habang kumakain ako ay may naglagay ng inumin ay harap ko. Tinignan ko siya. Si Dash. "Baka mabulunan ka." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkain ko. Umupo siya sa upuan katabi ng akin. "Ano bang problema mo?" Wow. Sa tono niya, parang kasalanan ko pa at di ko siya pinapansin? Di ko sila pinapansin?

"Why don't you ask for yourself?" Gusto kong magsalubong ang mga mata namin kaya lang kumakain ako.

"Ice, hindi ka namin maintindihan." Napangiti ako sa sinabi niya.

Tinigil ko ang pagkain dahil almost finished na rin naman ako. Sinalubong ko ang tingin niya at ngumiti habang nagsasalita. "You know, natutuwa ako. Kasi Ice na yung tawag mo sakin. Kasi alam mo, narealize ko, bagay pala sakin yung Ice." Tama sila. Mas bagay sakin ang Ice. "Mas bagay pala sakin yung Ice kesa sa Eurice. Know why?" Hindi siya nagsasalita at naguguluhan lang. "Because I am the coldest Ice." Tumayo na ako para iwan siya pero humawak siya sa pulso ko dahilan para hindi ako makaalis.

"Eurice.." 

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at madiin siyang tinignan. "Dash, Ice ang pangalan ko." Doon, tuluyan na akong umalis. Hindi niya ako hinawakan pero yung sinabi niya ang nagpatigil sakin.

Missing RealityKde žijí příběhy. Začni objevovat