MR 48: ❝Dark Light/Bright Light❞

3.6K 98 14
                                    

Missing Reality 48: Dark Light/Bright Light

~Third Person~ 

Nandoon na sila sa kani-kanilang stages.

Stage 1

Si Pepper ay napasama sa grupo ni Daphne at Bubble. Naroon sila sa isang madilim na lugar. Isang lugar na puro salamin lang ang meron at sa taas nito ay hagdan paakyat.

Lumapit si Daphne sa isang salamin at humawak dito. Wala namang kakaiba. Ordinaryong salamin lang ang mga iyon.

"Nasaan na si Yoonri?" Saktong pagkatanong niya niyon ay may humitak sa kamay niyang nakadikit sa salamin. Napasigaw siya at agad agad namang lumapit ang dalawa sa kanya para tulungan siya.

"Daph, kapit lang!"

"Ate Daph, ililigtas kita!" Bumitaw si Pepper para makapagproduce ng kapangyarihan kaya medyo nastartled si Bubble at medyo napabitaw kay Daphne pero hindi pa rin siya bumibitaw dito. Nagconcentrate si Pepper at nagpalabas ng halaman. "Stem mahogany!" May lumabas na stem at pinulupot niya iyon kay Daphne at Bubble at hinila ito para maalis ang kamay na humihitak kay Daphne.

Maya maya naman ay nagtagumpay siya. "Aah!" Napaupo ang dalawa sa sahig dahil na-out of balance sila.

Tinulungan sila ni Pepper na tumayo. "Ayos lang ba kayo?"

"Salamat, Pepper." Tumayo sila at nagconcentrate. Tinatansya nila kung may lalabas na naman sa isa sa mga salamin.

Pinagdikit-dikit nila ang likod nila para maprotektahan ang bawat isa.

Pamaya-maya ay may lumabas na naman na kamay at humaba ito. Palapit kay Pepper. Agad na gumawa ng bubble si Bubble para malagyan ng shield si Pepper. Pero bago pa man siya makatira ay may kamay ding nakaamba sa kanya at sinakal siya nito. Nagtransform bilang mermaid si Daphne at ipinagapas sa kamay na sumasakal kay Bubble. Naligtas nga niya si Bubble pero nakuha naman nito si Pepper.

"Pepper!" Sabay nilang sigaw.

Dumikit ang likod ni Pepper sa isa sa mga salamin at unti-unting lumalabas dito si Yoonri. Pulang-pula ang kanyang mga mata at masama ang tingin sa dalawa. "Akin lang siya! Ako lang ang matalik niyang kaibigan!" Nagkatinginan ang dalawa sa sinabi ni Yoonri. Anong ibig nitong sabihin?

"Yoonri, tama na." Mas lalong nagkatinginan ang dalawa ang sinabi ni Pepper. The way she talked with Yoonri is as if they've known each other for a long time.

Dahan dahang pinakawalan ni Yoonri si Pepper at lumabas na din ng tuluyan ito sa salamin. "Pepper, ano 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Daphne. May namumuo nang conclusion sa kanya pero ayaw niyang paniwalaan ang sarili niyang pag-iisip.

"Di niyo pa rin nagegets?" Nag-iba ang boses at tono ni Pepper. Naging dark. Dahan dahan niyang inikutan ang dalawa habang nakacross arms. "Ako ang kalaban niyo dito sa stage 1. Ako ang tunay na doll master. Si Yoonri ang kanang kamay ko."

"Ha?!" 

Stage 2 

Si Kai at Hikaru. Nasa isang lugar sila na magarbo. Parang palasyo. Umikot sila para hanapin ang kalaban pero wala naman. Namali ba sila?

Missing RealityTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang