MR 33: Ice Fairies ♔♕

4.6K 115 29
                                    

Missing Reality 33: Ice Fairies ♔♕

~Third Person~ 

"The earth does not belong to man. Man belongs to earth." Seryosong sabi ni Hikaru. "Kaya nga tayo ang nag-aalaga sa mga lugar dito sa mundo. Kasi tungkulin natin yon." 

Nag-uusap sila ni Ice ng masinsinan ngayon. Nagulat pa nga siya kasi ang seryoso ni Hikaru. Parang hindi si Hikaru na happy-go-lucky. "Tama ka. Pero yung iba ay hindi naiintindihan ang tungkol dun." Ang tinutukoy ni Ice ay ang mga taong nag-i-illegal logging. Ano bang ginawang masama ng mga puno at ginaganun ganun lang nila?

Natanong ni Ice kung bakit napakahalaga ng mga lupa at puno kay Hikaru. At tama nga naman siya, tungkulin ng mga tao na pangalagaan ang kanilang lugar. "Hi, Ice." Nagulat na lang si Ice ng magsalita si Hikaru ng ganun.

"Karu?"

"At your service." Eek. Parang hindi niya gustong kausap si Karu. Mukhang hindi ito marunong magseryoso. "Earth, belongs, man pa kayong nalalaman ah."

"Tumigil ka nga. Ibalik mo na si Hikaru." 

Nagpout si Karu. "Ayoko nga. Sige, habulan na lang tayo." Eh? Mas bata pa ata si Karu kay Hikaru eh. "Pag nataya kita, panalo ako. Kikiss kita."

"What?!" Sigaw ni Ice. "Are you kidding me?"

"No. Better yet, kikiss mo ko." Hindi pinansin ni Karu si Ice kahit na hindi ito sang-ayon. "Pag hindi kita nataya, ibabalik ko na si Hikaru." Hindi pa man din umo-oo si Ice ay hinabol na siya ni Karu. Kaya no choice siya kundi tumakbo. Ayaw naman niyang magpatalo.

"Aaaaaaaahhhhh!!"

Dahil sa habulan nila ni Karu, umabot na sila sa labas ng hide-out. Napahinto siya sa nakita niya.

"Sino kayo?" Tanong ni Ice sa mga fairy na nasa harap niya ngayon. Hindi naman sila mukhang masasama.

"Ice, asan ka na?" Paghahanap sa kanya ni Karu.

"Andito ako." Kahit na baka matalo siya ay nagpakita siya kay Karu. Hindi naman siguro counted yun dahil mukhang may bisita sila. Hinarap niya ito at nakita rin ni Karu ang mga fairy. Naptigil ito.

"Superior Aneira." Sabay bow ni Karu. Superior? Nagtataka si Ice. Sino ang mga fairy na ito ngayon sa harap niya? Bakit superior ang tawag dito ni Karu at sobra ang paggalang niya sa mga ito? Bakit parang bumalik siya sa pagiging Hikaru?

"Siya ba ang chosen one?" Nagulat si Ice sa tanong ng superior daw. Anong kailangan nito sa kanila? Baka naman isa sa kanila ang sinasabi ni Kai na Majesty?

"Opo. Siya si Ice. Ang chosen one." Lumapit ang isa sa kanila kay Ice. Ang babaeng mataray ang mukha pero maganda at napakaganda ng pakpak niya.

"Ikaw pala si Ice." Mas lalong naguluhan si Ice nang hawakan siya nito sa mukha at kita dito ang naluluhang mga mata nito.

"Siya si Queen Neiva. Anak ni Superior Aneira." Mataray ang mukha ng Superior. "Siya ang reyna ng mga ice fairies. Ice Queen ang tawag sa kanya." Kung ganon, pareho pala sila ng kapangyarihan ng mga fairy sa harap niya. "Siya naman si Prince Glace." Tinuro ni Karu ang nag-iisang lalaki sa mga fairy. Para siyang elf dahil sa mga tenga niya at mayroon siyang hawak na dalawang ibon. Isang gwapong prinsipe. "Yun naman ay si Princess Ruka." Tinuro ni Karu ang batang babaeng mataray ang mukha. Mukhang nagmana sa ina niya. Pero kahit ganun, maganda pa rin ang bata kahit hindi ito nakangiti. Mas lalo pa niyang ikinaganda ang kanyang mga mata. Asul na asul ito. Makikita mo dun ang bakas ng pagiging ice fairy niya. "Ito ang bunso." Hindi napansin ni Ice na magkalapit na ang tinatawag ni Karu na bunso at si Karu. Mukhang siya ang pinakamabait sa lahat. "Si Princess Azura. Superior, tara po sa loob." 

Missing RealityWhere stories live. Discover now