MR 36: Missing Cole (ʃ⌣́,⌣́ƪ)

3.7K 101 14
                                    

Missing Reality 36: Missing Cole (ʃ⌣́,⌣́ƪ)

~Eurice, the Coldest Ice~ 

"Kakain na tayo. Asan si Cole?" Tanong ni Zoe.

"Baka nasa taas pa. Tawagin ko lang." Prisinta ni Daphne.

Pinagpatuloy namin ang paghahanda. Tinawag naman ni Pepper yung kambal. Alam ko, dadamoves lang yun kay Cirrus. Ako ang nagluto ngayon. Nakakita kasi ako ng ingredients sa ref na magagamit ko sa specialty ko.

Nagluto ako ng masarap na masarap na bacon, egg, bread and hotdog. Kung iisipin, parang wala namang espesyal sa nabanggit ko. Pero yun nga, eto ang specialty ko kaya special to. Kapag kasi ganito ang niluluto ko sa umaga, nilalagyan ko siya ng design. Naisip ko ngayon, dinesign ko ang mga pangalan nila. Para alam nila kung para kanino ang mga yon.

"Wow! Sino nagluto?"

"Ang astig naman nito!" Agad agad na umupo si Hikaru at Kai pagkakita nila sa pagkain.

"Ako may gawa niyan. Ubusin niyo ah? Lagot kayo sakin pag hindi!" Pagbibiro ko sa kanila.

"Nako, Ice. Baka kulangin pa sakin to." Natawa naman ako sa sinabi ni Hikaru. Si Hikaru talaga ang madalas maka-appreciate ng pagkain.

"Wala si Cole sa kwarto." Eto na pala si Daphne. Si Cole na lang ang kulang.

"Ha? Eh asan naman kaya siya? Baka nasa basement?" Tanong ni Pepper. Nakikita kong nag-aalala siya sa Kuya niya.

"Kagagaling ko lang dun, wala naman siya." Sagot naman ni Maya.

"Eh saan naman pupunta si Cole?"

"Wag mong sabihing maaga siyang naglibot?"

"Umuuwi naman yun pag ganitong oras na diba?"

"Teka, guys." Napatingin kami kay Daphne. "Eto ang nakita ko sa bed niya." Inabot niya samin ang sulat na hawak niya. Kinuha yun ni Zoe at binasa.

"Aalis muna ako. I just need to do something. Mamaya, after sunset, dadating sila. Do take care lalo na si Ice. -Cole Sinong dadating?" Gulong-gulong tanong ni Zoe.

"May bisita na naman?" Tanong din ni Bubble.

"I think, no." Napatingin kami sa seryosong si Lilly.

"Lilly's right." Dagdag ni Dashiell. "Mukhang kalaban ang mga dadating."

"Pero bakit siya umalis kung alam niyang may kalaban?" Malungkot na tanong ni Daphne. "Iniiwan ba niya tayo sa ere?"

"Daphne, wag kang mag-isip ng ganyan." Pangaral ni Lilly. "We all know Cole. Hindi siya aalis ng basta basta. Baka mas mahalaga ang lakad niya."

"Anong mas mahalaga?  May kalaban na dadating at wala siya. Eto unang beses na lalaban tayo ng hindi siya kasama." Nagpapanic na rin si Cirrus. Alam mo talaga na sobrang halaga ni Cole samin. Hindi namin siya kayang mawala.

"Intindihin na lang natin siya. We should just trust him. Maya, Corby, okay ba kayo dito?" Ganito pala kapag walang leader.

"Sasali kami. Poprotektahan din namin ang chosen one." Salamat, Maya pero sa tingin ko, kaya kong protektahan ang sarili ko.

Missing RealityWhere stories live. Discover now