MR 41: It's Nice To Be Back \(o ̄∇ ̄o)/

3.4K 94 2
                                    

Missing Reality 41: It's Nice To Be Back \(o ̄∇ ̄o)/

~Eurice, the Coldest Ice~ 

Masayang kami makita si Cole pero mukhang si Pepper ang mas nangangailangan sa kanya ngayon kaya hindi na muna namin sila gagambalain.

Maya maya ay inihatid na niya si Pepper sa kwarto. Mukhang pinatulog niya to. Pagbaba niya hindi na niya kasama si Pepper eh.

"Kamusta naging laban?" 

Kinuha ni Zoe ang unan at ibinato kay Cole. Nakailag naman si Cole. "Ano ba yon, Cole ha? Saan ka ba galing?"

"Tanong ko muna sagutin niyo." Pero mukhang walang balak si Zoe. Gustong-gusto niyang matulog pero mukhang hindi siya makatulog. Umupo si Cole sa harap namin.

"Napatay namin yung isa." Ako na ang sumagot. "I mean ni Corby." Tinignan ko si Corby. Alam kong naguiguilty pa rin siya. Tumango na lang ako.

Nagulat naman ako sa biglang paghila ni Dashiell. Problema na naman nito? "Talaga? Good job!"

"Teka nga, Cole? Can you at least explain?" Tanong ni Kai. Ang laki ng mga eyebags niya. Kanina pa din siya hikab ng hikab pero hindi naman siya natutulog.

"Saan ka ba nanggaling?" Etong si Lilly maliit lang eyebags. Pero sa tingin ko inaantok din to. Ewan ba. Inaantok ako pero hindi ako makatulog.

"May inasikaso ako."

"Ano nga?" Pagpipilit ni Daphne. Ayaw pa kasing diretsuhin ni Cole.

~Third Person~ 

"Galing ako sa Clouble Kingdom."

"Ha? Anong ginawa mo dun?" Gulat na tanong ni Cirrus. Kaharian kasi nila yun at ano naman ang gagawin ni Cole dun? Medyo magulo ang lugar nila dahil wala na ang mga magulang nila at hindi masyadong magaling sa pamumuno ang uncle nila. Kaya kapag natapos na ang misyon niya bilang Angels of Heaven, siya na ang mamumuno dun.

"Kinausap ko si Haring Muculus para dalin ako kay Clurd." Si Clurd ay isang ibon na pagmamay-ari ng Clouble Kingdom. Alam niya ang mga mangyayari sa hinaharap at hindi siya nagsisinungaling. "Tinanong ko sa kanya kung ilan ang makakalaban natin at kung sino sino sila."

"Kung ganon, alam mo na?"

"Oo. Gagawa tayo ng plano para matalo sila." Maaasahan talaga si Cole. Alam mong hindi ka niya iiwan sa ere. Kung ganon naman ang gagawin niya, alam mong may malalim na dahilan.

"Bago ka umalis, alam mo nang may sasalakay?" Takang tanong ni Corby. Parang naguguluhan siya.

"Oo. Naramdaman ko na." Iba talaga ang kapangyarihan ni Cole. "Eto na nga yung sinasabi ko." Naglabas ng parang isang mapa si Cole. Hindi siya mapa, actually. Nakasulat dun ang mga kakalabanin nila at ang mga pangalan nila.

"Groupings?" Masayang tanong ni Hikaru. Tumango si Cole.

"Sakto! Yan din ang ginawa namin nung nakalaban namin ang Spell Sisters." Masayang sabi ni Bubble.

"Talaga? Sino nag-isip nun?" Sinimulan na ni Cole ang pagsusulat para mag-assign.

"Idea ni Lilly."

Missing RealityWhere stories live. Discover now