MR 8: Raining Water ☂

7.5K 228 47
                                    

Missing Reality 8: Raining Water ☂

 

~Daphne, the Raining Water~

Akala ko nung una hindi ko magugustuhan ung ugali ni Pepper, okay naman pala. Ayoko kasi sa mga stubborn eh. Pero, ako lang tinatawag niyang Ate ah? Haha! Masyado na ba akong matanda?!

Lagi na lang ako ung kakaiba. Haha. Ako lang ung hindi sinusungitan ni Dash.. Tapos ako lang ung tinatawag na Ate ni Pepper. Kahit sarili niyang Kuya hindi niya tinatawag na Kuya. Ang unique ko naman? Hehe.

Nitong mga nakaraang araw hindi sumusulpot si Corby. Ano kayang nangyari? Masyado sigurong nabrokenhearted kay Ice. Haha. Hindi naman kabigla bigla kung magkagusto siya kay Ice eh. Nakwento na kasi samin ni Ice, ipapakasal daw siya?! Hahahaha.

"Ate Daphne!" Si Pepper pala.

 "Bakit?"

 "Wala po. Hihihi. Ang ganda ganda niyo kasi Ate!" Napangiti naman ako sa sinabi niya.

 "Salamat. Ikaw din kaya, ang cute cute mo~" Pinisil ko din ung pisngi niya.

 "Thank you po." Po?

 "Wag ka ng magpo. Ate na lang."

 "Sige po. I mean! Sige. Haha." Ang kulit niya. Hahaha. "Ate, sana po kayo na lang ni Cole ang magkatuluyan!" Eh? "Bagay po kasi kayo eh. Promise!" Ang kulit niya. Sabing wag ng magpo eh.

 "Wala akong gusto kay Cole. Kapatid lang turing ko sa kanya. At alam kong ganun din siya sakin."

 "Ehhhh~ Kahit na po! Bagay kayo eh!" Nangiti na lang ako sa kanya. Hindi lang siya ung nagsasabi niyan.

Madami pa. Pag lumalabas kaming magkasama ni Cole, madaming nag-aakala na kami. Minsan tinatanong din kami. Pero alam ko, hindi niya ako magugustuhan. Ganun din ako sa kanya. Close lang talaga kami.

"Ate." Napatingin ako sa kanya nung tinawag niya ako. "About pala dun sa Dare Game. Bakit takot na takot kayo?"

 "Napakahirap kasi non. Kahit na sabihin mong dare lang naman, mahirap pa din. Kasi mismong kami, sobrang hirap magdare. Lalo na ung Kuya mo. Kaya ayaw na naming laruin yun. Baka kung ano pang ipagawa samin eh. Haha." Nung una masayang-masaya kami kasi lalaruin namin yun, nun pala ganun ung mangyayari. Sobrang hirap talaga ng mga dare.

 "Ahh. Pero sana minsan malaro natin. Ung kasama kami ni Ice."

 "Nga pala, bakit ako lang ung tinatawag mong Ate?"

 "Eh idol ko po kayo eh." Ang unpredictable niya. Minsan may po, minsan wala. Haha.

 "Kahit na. Mas matanda pa din sila sayo."

 "Hindi ako sanay Ate eh. Hayaan na natin yon!" Ang kulit talaga niya. Sobrang stubborn. Haha.

Busy na naman pala si Kai. Kay Zoe.

Missing RealityWhere stories live. Discover now