MR 10: Soft Bubble ❂

7.2K 199 51
                                    

Missing Reality 10: Soft Bubble 

~Eurice, the Coldest Ice~

"Ready na ba ang lahat?" Tanong ni Cole. Ngayon na kasi kami aalis. Nilagyan namin ng shield tong Magic Realm para hindi sila atakihin. Sa tingin ko, hindi magiging madali ang paglalakbay namin dahil paniguradong pipigilan kami ni Corby sa pagkuha ng power-up.

 "Pano naman ako?" Oo nga pala. Hindi naman kasi kasali sa Angels of Heaven si Bubble.

 "Kailangan mong maiwan dito."

 "Huh?!" Parang ang hirap naman maiwan. "Kuya Cole, ayoko! Sasama ako sa inyo."

 "Bubble. Mapapahamak ka." Seyosong sabi ni Dashiell.

 "Pero Dash--" Napansin ko lang na di niya tinatawag na Kuya si Dashiell.

 "Enough. Cirrus, talk to your sister." Wala na silang nagawa at nag-usap muna si Cirrus saka si Bubble. Kami naman nag-ayos ng gamit.

Kaya mo to, Eurice. Kaya mo yan. Aja!

~Bubble, the Soft Bubble~

"Kuya, gusto kong sumama." Ayoko naman kasing maiwan dito. Mag-isa..

 "Bubble, listen to me, okay? Mapanganib ung pupuntahan namin. Mapapahamak ka pag sumama ka."

 "Kaya ka nga nanjan diba? May powers naman ako eh." Gusto ko talaga sumama eh.

 "Hindi naman akong laging nasa tabi mo. May times din na hindi kita mapapansin at baka yun ang ikapahamak mo. Bubble, please listen."

 "Si Dash. Alam ko ililigtas niya ako." May tiwala ako kay Dash. Alam ko lagi siyang anjan para sakin. Little sister na turing niya sakin eh. "Hindi naman ako magiging pabigat eh. Kaya ko ang sarili ko, Kuya. Please, pasamahin niyo na ako. Pleaseeeeeeee." Nagpuppy-eyes pa ako kay Kuya pero alam ko namang di uubra yun.

 "Talk to them." Alam ko na galit na si Kuya. Kaligtasan ko lang naman kasi iniisip niya eh. Pero gusto ko talaga sumama! >__< Pero pano ko gagawin yun? Ayokong magpaiwan dito.

Isip isip ka lang, Bubble. Papasamahin ka din nila. Ka-edad mo lang naman sila eh. Kung kaya nila, kaya mo din.

"Kuya Cole!" Napatingin silang lahat sakin nung tinawag ko si Kuya Cole. "Nakapagdecide na ako."

 "Ano yun?"

 "Sasama pa din ako." Tas nanlumo silang lahat nung sinabi ko yun. "Promise ko sa inyong lahat, hindi ako magiging pabigat! Basta pasamahin niyo lang ako!!" Saka ako nagbow sa kanila. Dito sa Magic Realm, pag nagbow ka sa kaharap ay ibig sabihin gusto mo talagang makuha ung bagay na yun o kaya seryoso ka talaga. "Kung gusto niyo ako pa ung magluluto sa pagkain natin eh. Alan niyo naman magaling ako sa ganun, diba? ;)"

 "Cole, pasamahin na natin siya. Kesa naman mag-isa siya dito." Huhuhu. Ang bait ni chosen one.

 "Oo nga Cole. Isama na natin siya." Daphne. Huhu.

Missing RealityWhere stories live. Discover now